"kyahhhhhh.....Axell pakasal na tayo....."
"I love you Nathan!"
"Jameson Clifford akin ka na lang....."
"Mga asawa koooooooo!"
"Yung panty ko nalaglag.......kyaahhhhhhh!"
"Ramirez ang hot mo! Hooooohh.. Lav yo!"
'Yan lang naman ang maririnig mo sa loob ng mall. Sigawan, tilian at kung anu-ano pang karumaldumal na salita mula sa mga panget at epal na fangirls ng Southeast Band. Oo, panget at epal talaga dahil ako lang ang nag-iisang pinakamagandang dyosa na fangirl nila. At yes, nabasa nyo naman isa din po akong fan ng Southeast Band. Pero hindi ako katulad nila na makikigulo din sa crown mas gugustuhin ko pang manatili dito sa gilid at pagmasdan na lang sila mula sa stage. Wala eh, wala akong confidence tulad ng iba.
Southeast ay nanggaling sa name ng school namin. Yes, schoolmate ko ang grupo ni Axell. Doon nabuo ang grupo nila. Nung una sa mga programs lang sila tumutugtog. Minsan sumasali din sila sa mga battle of the bands sa iba't ibang schools hanggang sa nakilala ang grupo nila. Sobrang dami ng mga awards na natatanggap nila. Students pa lang ay marami ng opportunity na dumadating sa S.B. Magagaling naman kase at talentado ang tatlo.
Axell Josh Ramirez ang lider at founder ng grupo. Sya ang Vocalist.
Jameson Clifford ang drummer.
Nathan Jimuel Shin guitarist ng grupo.
"Yahhh! Faith Nicole kanina pa kita hinahanap nandito lang pala. Halika na umuwi na tayo pagod na paa ko," sigaw ng bestfriend ko na si Miya mula sa likuran. Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy lang ang panonood sa pagtugtog ng banda.
"Faith Nicole Mendez alam kong naririnig mo ako. Umuwi na tayo," muli nitong sigaw.
"Ano ba Faith uwi na tayo. Ayan ka na naman sa fangirling mo eh.. Di ka naman mapapansin ng mga yan dahil nandito ka lang sa huli. Halika na nga," sabi na sabay hila sakin palabas ng mall.
Sa huling sandali nasulyapan ko pa ang nakangiting mukha ni Axell bago ako tuluyang nahila ni Miya.
Pagkalabas namin sinamangutan ko sya.
"Wag mo ko tingnan ng ganyan ah."
"Pasalamat ka mabait akong bestfriend dahil sinasamahan at sinusuportahan pa kita sa fangirling mo. Pero panu ka ba mapapansin nyang S.B na yan lalo na ni Axell kung mahihiya kang i-voice out yang love support mo? Ano yun silent supporter ka lang?" panenermon nya sakin habang naglalakad kami pauwi sa subdivision namin. Walking distance lang naman kase ang mall mula samin.
Tama naman sya eh. She's the best bestfriend for me dahil todo support sya sa fangirling ko kay Axell pero hindi talaga maiaalis sa kanya yung sermunan ako lalo na at ako lang yata ang fangirl na sobrang pacool lang. Hindi kase talaga ako sanay na makigulo sa ibang fans nila lalo na pag may tour or mall concert sila.
okay na sakin yung manonood lang na may ngiti sa labi, bibili ng albums nila, magko collect lang ng iba't ibang merch na meron sila mga ganung bagay.
"Besh okay na ako sa ganito lang. Masaya na ako na makita sya sa stage na nagpeperform," sagot ko na may ngiti sa labi.
"Asus... Wag ako. Alam kong gusto mo ding mapansin ni Axell. May fangirl ba na ganun? Na okay lang na hanggang fangirl na lang. Maraming nga dyang k-pop fangirl na pinapangarap mapangasawa yung idol nila. Ang layo ng Korea ah eh yung sayo ayan na sa malapit hindi mo pa ba papangarapin?"
Natigilan naman ako at hindi agad nakapagsalita.
Tama na naman sya. Deep inside gustong gusto kong mapansin nya, makausap man lang sya, makapagpapicture at ang pangaraping makasama sya ay isa sa nais kong mangyari.
"Oh speechless ka 'no? Make a move Besh hindi habang buhay mananatili ka sa isang gilid lang. Kung ako sayo kakapalan ko na din mukha ko makausap lang sya. Malay mo may miracle pala talaga," nakangiting tugon nya na ikinangiti ko na din.
Malay nga natin MIRACLE do exist. Diba?
Every free time i have gumagawa ako ng sulat. Through letter naisusulat ko lahat ng mga gusto kong sabihin sa kanya. Naisip ko kase na pag nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumapit ibibigay ko ang sulat.
Two weeks pass.........
Nagmamadali akong maglakad dahil male-late na ako sa 2nd subject ko napasarap kase ang pagbabasa ko sa library kaya di ko namalayan ang oras. Sa pagmamadali hindi ko nakita ang kasalubong ko kaya nagkabungguan kami.
Naglaglagan ang dala kong mga libro.
"Sorry miss hindi ko sinasadya. I've looking for my phone in my bag kaya di kita nakita. Sorry talaga," paumanhin neto saka tinulungan ako sa pagpulot ng libro.
"Okay lang po kuya. Kasalanan ko din nagmamadali kase ako."
"Sorry tala-"
Di ko na sya pinatapos dahil napatakbo na agad ako dahil nagbell na.
Shocks! Lagot late nako.
"Sorry kuya nagmamadali na kase ako," sigaw ko na lang sa kanya.
Ni hindi ko manlang nakita ang mukha nung nakabanggaan ko dahil sa pagmamadali.
Pagkauwi galing sa school dumiretso na agad ako sa kwarto dahil sa pagod. Sobrang dami naming ginawa sa school. Ang dami din naming assignments, projects at mga event sa school kaya pagod kami buong maghapon.
Pahiga na sana ako sa kama nang magring ang cellphone ko.
"Oh?" sagot ko.
"Wow Besh ang gandang pambungad ah. By the way, gusto ko lang itanong kung may assignment ka na ba sa Philosophy?"
Natigilan naman ako dahil sa tanong nya. Philosophy. Oo nga pala may assignment kami dun.
"Shocks Besh buti na lang tinanong mo malilimutan ko pa sana. Patulog na ako oh."
Tinawanan nya lang ako.
"Sige. I'll hang up na. Tinanong ko lang talaga baka kase may sagot kana. As expected wala pa," natatawang sabi nya bago in-end ang call.
Habang nagsasagot napansin kong wala ang notebook na pinaglalagyan ko ng mga letters. Isinisingit ko kase yun sa maliit na notebook ko.
"Alam kong isinauli ko yun dito sa bag bago ako pumasok sa school eh."
Nagpapanic na ako. Hinanap ko na din sa drawer pero wala. Kahit sa sala wala din.
"Nak ano ba ang hinahanap mo? Kanina ka pa pauli uli jan sa salas," pagtatanong ni mama na may pagtataka.
"Ma may nakita ba kayo na maliit na notebook dito? Kulay blue na may print na Mine? Baka kase naiwan ko dito sa salas."
"Notebook? Maliit? Blue? Wala naman eh. Naglinis kami ng kapatid mo kanina pero wala naman kaming nakita. Baka nakaipit lang sa mga gamit mo."
"Baka nga po. Sige po Ma hanapin ko na lang ulit sa kwarto," at nagmadali naman akong bumalik.
Pero wala talaga. Hinalughog ko na ang buong kwarto pati bag ko wala pa din. Sigurado akong wala yun sa locker dahil nagsusulat ako sa gabi bago matulog.
"Hindi kaya----"
Wag naman sana.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LETTER OF A FANGIRL [FANGIRLS SERIES #1]- Completed
FanfictionNainlove ka na ba sa idol mo? If hindi pa, ang swerte mo naman. If oo, CONGRATULATION! malas natin wala tayong pag-asa. Hahaha.... Mahirap na nga maging isang fangirl lang, ang mainlove pa kaya sa idolo mo. Pero its our happiness naman kaya go lang...