Kabadong kabado akong pumasok kinabukasan. May hinala na kase akong baka nalaglag ko iyon kahapon dahil sa pagmamadali. Lalo na at may nakabungguan pa ako kahapon.
Nakuha nya kaya?
Nasa kanya kaya?
Binasa nya ba?
Ang daming tanong pero di ko masagot dahil hindi ko naman kilala yung nakabungguan ko. Ni mukha di ko nakita. Panu ba yan?
Paano pala kung nabasa nya? Ahhhh... nakakahiya yun malamang. Pero hindi nya naman ako kilala. Tanging F.N.M lamang ang nakalagay na perma sa katapusan ng sulat.
"Hoy Besh kanina ka pa balisa jan ah. Para kang may pinagtataguan na hindi ko maintindihan. Ano bang problema mo?" sabi ni Miya saka umupo sa katabing upuan ko. English ang subject namin ngayon at medyo late na si Ms. Quinto.
"Eh Besh nawawala kase yung anu ko.... yung ano..."
"Yung ano mo? Ano ka ng ano," naiirita na netong sagot.
"Ganito kase yun......." at kwinento ko sa kanya yung about sa letter.
Nakatanggap naman ako ng batok mula sa kanya.
"Ay tangengots Besh? Gagawa ka na nga ng letter of your love kay Axell maiwawala mo pa? Panu pala kung napulot nga nung nakabunggo mo? At saka sino nga pala yun?"
"Yun na nga Besh eh. Hindi ko nakita ang mukha nya dahil nagmamadali na ako sa 2nd subject natin kahapon," pagpapaliwanag ko.
At nakatanggap na naman ako ng pangalawang batok mula sa kanya.
"Nakakadala ka na ahhh.." pagrereklamo ko.
"Ikaw naman kase eh. Ang clumsy mo," saka sya natigilan at parang may naiisip.
"Hoy babae anong iniisip mo ah?"
"Naisip ko lang okay na rin yun baka yung nakapulot na yun ang maging tulay mo papunta kay Axell diba?"
"Paano mo naman nasabi yan?"
"Diba nga sikat si Axell edi kilala sya ng lahat tapos yung nakapulot pala eh kilala si Axell oh edi ibibigay nya yun. So, ipapahanap nya ang nagmamay-ari ng notebook. Kung gayun nga aaminin mo na iyo yun. Then boom..... happy ending ang wakas."
Napairap naman ako dahil sa sinabi nya. Ang labo naman kase. Panu pala kung gawin nung kuya na pamblackmail yung letter? Tsk! Nakakainis naman kase self eh.
"Parang Cinderella lang ah.. yung kanya glass shoes yung akin blue notebook? Ganern?"
"Ang kj ahhh. Ikaw na 'tong pinapalakas ang loob eh."
"Salamat Besh pero di ko talaga maiwasang kabahan at mag-alala. Future ko kay Axell ang nakasalalay dito," pagmamaktol ko sa tabi nya.
"Wow big word, FUTURE." sarkastikong turan neto.
Napairap na lang ako.
Notebook ko magpakita ka na. Makita lang kita aayain ko ng magpakasal si Axell.
AXELL JOSH P.O.V
(Ito yung time na nakabunggo nya si Faith. Chap. 1)
"Hey bro una na kami sa library ah. Sumunod ka na lang," sabi ni Nate. One of my bestfriend and ka-band.
"Sige."
I'm Axell Josh Ramirez. Leader at Vocalist ng Southeast Boys. Akala nga namin hindi kami aabot sa kung anung meron kami ngayon pero akalain mo nga naman. Famous na ang grupo namin. Sobrang daming gigs at mga tours. Kahit sa Music Industry kinukuha din kami na magrecord ng songs. Nakaka proud lang.
Hinahanap ko ang cellphone ko nang may mabangga ako. Oh its a girl.
"Sorry miss hindi ko sinasadya. I've looking for my cellphone in my bag kaya di kita nakita. Sorry talaga," paghingi ko ng paumanhin sa kanya. I even help her pick her books.
"Okay lang po kuya. Kasalanan ko din nagmamadali kase ako."
"Sorry tala--"
Hindi nya na ako pinatapos at bigla na lang syang tumakbo. Nagbell na kase baka late na sya. Pero sumigaw pa sya bago makalayo.
"Sorry kuya nagmamadali na kase ako."
Natawa naman ako dahil may pahabol pa sya. Aalis na sana ako ng may maapakan ako.
"Notebook?" Napatingin ako sa tinakbuhan nung babae pero wala na sya. Ibabalik ko naman pero hindi ko manlang nakita ang mukha nya dahil nakayuko sya.
Inilagay ko na lang sa loob ng bag ko. If any chance na magkabangga ulit kami ibabalik ko na sa kanya.
Nakarating ako sa library eh nagsisimula na sila.sa research. Kahit na sikat na kami at kumikita na kailangan pa rin namin mag aral para grumaduate.
"Ang tagal bro. Ang tagal mo. Para kang babae," pang aalaska ni James.
"Tsk! Ang gwapo ko namang babae kung ganun." sagot ko naman.sa kanya.
"Wow! Yabang talaga. Penge ngang tape jan nangangailangan kase yung isa jan eh," pagpaparinig neto. Natawa naman ako. Sira ulo talaga minsan ang isang 'to.
"Manahimik ka nga monggo," suway naman ni Nate.
"Baka gusto mo din ng tape sa bibig?"
" Eh kung ikaw kaya ang lagyan ko ng tape sa bibig para matahimik sa kadadada."
Sasagot pa sana ulit si James ng awatin ko na sila. Baka dito pa sa library magkalat kaingayan. Mahirao na baka mapalabas ng librarian.
"Tumigil nga kayong dalawa. Ako na ang maglalagay ng tape sa mga bibig nyo. May nakabungguan lang ako paparito kaya natagalan," pagpapaliwanag ko.
"Babae ba? Kilala mo? Maganda?" sunod sunod na tanong ni James.
Pag babae talaga malakas ang radar. Tsk!
Hindi ko na lang sya sinagot at gumawa na lang ako ng sarili kong gawain.
"Ay ang damot naman. Ayaw mag share? Share share din pag may time bro," pangungulit neto.
"Ayaw mo talaga mag shsumjhkkfdldtjxzch..." natawa ako sa reaction ni James dahil sa biglaang maglagay ni Nate ng tape sa kanyang bibig.
"Ingay mo monggo. Hahaha.." tawang tawa na turan ni Nate habang inaasar ang kawawang James.
"Pwe! Pwe! Pwe ka talaga Nate. Mukha kang PWEt." asar na sagot neto habang inaalis ang tape sa kanyang bibig.
"Hahahahaha..." tinawanan lang sya ni Nate. Kahit ako'y natatawa na din.
Mga siraulo talaga.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LETTER OF A FANGIRL [FANGIRLS SERIES #1]- Completed
FanfictionNainlove ka na ba sa idol mo? If hindi pa, ang swerte mo naman. If oo, CONGRATULATION! malas natin wala tayong pag-asa. Hahaha.... Mahirap na nga maging isang fangirl lang, ang mainlove pa kaya sa idolo mo. Pero its our happiness naman kaya go lang...