KABANATA XIII

43 4 0
                                    

KABANATA XIII
•WELOME TO Z,  ARCHER•

Kanina pa talaga ako nag babalak na batuhin ng mop yung leader 'daw' namin na ngayon ay naka dekwatro lang naka upo sa single couch habang nag babasa ng hindi ko alam kung ano yun basta libro sya.

Inis kong inilublob ang mop na hawak ko sa balde na may lamang tubig at agad kong ikinuskos yun sa sahig.

"Tsk. Can you atleast move to other sides. Kanina ka pa dyan na ma-mop baka nga masira mo na yung sahig" inirapan ko naman sya at padabog na dinampot ang balde na may lamang tubig at yung mop at nagpunta sa likuran nya. At doon naman ay inilinis ko yun habang sya naman ay nagpatuloy sa pag babasa.

Padabog kong nilinis ang sahig at narinig ko naman syang nag salita ulit. Ano bang nakain  nito at salita ng salita dati nga ay mabibilang lang yang mga sinasabi nya tapos ngayong kaming dalawa lang dito dada sya ng dada buti pa sana kung hindi puro lait ang lumalabas sa bibig nito.

"*smirks* perks of being late" inirapan ko nalang sya at pakunwaring hahapasin na sya ng mop pero dahil biglaan syang napa lingon ay agad kong ibinaba ang mop mula sa ere at kinuskos yun sa sahig. Nilingon ko naman sya at tinaasan ng kilay.

"Oh anong tinitingin tingin mo dyan? Baka naman gusto mong mag linis din?" Sarkastik kong sabi at tinaasan ko pa sya ng kilay.

"No thanks I'm to handsome to do that" at binalik nya ang tingin nya sa librong binabasa nya. Ayos din to ah self proclaim. Di ko alam na may pagka mahangin din naman pala ang isang to.

Pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis hanggang sa tuluyan ko nang matapos ang pag ma-mop ko sa buong sahig and take note sa sala palang yun. May mga lilinisin pa ako. Ay oo nga pala may hindi pa pala ako na-ma-mop-an dito at yun ay yung  parte na nasa harapan ni Yuei.

"E-eherm" pakunwari kong ubo dahil naka upo sya sa single couch habang ang paa nya ay naka patong sa center table. "E-eherm" ulit ko pero parang wala lang syang narinig doon kaya napa ikot nalang ako ng  mata. Ano ba naman ang gusto nito. Wag mong sabihin na gusto nito na pati sya ay isama ko sa pag ma-mop?

"Hoy ano ba! Gusto mo ba talaga na pati ikaw in mop ko rin?!" Irita kong tanong kaya naman ay inilipat nya ang kanyang paningin sakin at tinaasan ako ng kilay. Konti nalang talaga at matatawag ko na tong binabae dahil sa palaging pag taas nito ng kilay sakin.

"Hay naku! Bahala ka nga sa buhay mo! Di ko nalang dyan lilinisan. At hindi ko na kasalan yun dahil una sa lahat ay hindi ka naman tumatayo man lang. Ikaw na nga tong nag uutos eh" dahil sa inis ay muntikan ko na tuloy ibuhos sa kanya tong balde na may lamang tubig pero dahil baka mabasa ang couch ay hindi ko nalang tinuloy dahil ayaw ko naman na patuyuin yung couch dagdag trabaho na naman sakin.

Dinampot ko uli ang mga balde at mop at  nag punta sa kusina at doon ay sinimulan ko nang mag linis uli. Ang lawak din naman pala talaga ng dorm nila sa sala palang ay kasing laki na yun ng kwarto namin ni Haidie at may sarili din silang kusina at may kanya kanya pang kwarto.

Hindi ko namalayan na natapos ko na pala ang pag ma-mop marahil dahil hindi ko kasama si Yuei kaya hindi ko na naiisip ang oras. Iniligpit ko na ang mop at balde at inilagay yun sa lagayan. Pagkapunta ko naman sa sala ay agad kong nakita sina Haidie na naka salampak sa couch nandito na pala sila.

"Ohmy talagang nakakapagod nga naman yang fighting class. Grabe!" Sabi nya. Kaya nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya.

"Ano bang nangyari tyaka sino bang nanalo?" Tanong ko sa kanya  galing kasi sila sa fighting class at dahil tapos na naman ang duel namin ni Yuei kaya pwede na kaming hindi muna pumasok sa klase ni Master Andrev. Pero kung ako ang pag pipiliin ay mas pipiliin ko na um-attend nalang ng fighting class kesa mag linis ng malaki nilang dorm.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon