KABANATA X

49 3 5
                                    

KABANATA X
•THE ARCHER VS THE BULL•

Sa bawat nguya ko ng pagkain ay binibilisan ko talaga dahil palaging pumapasok sa isip ko ang sinabi kanina ni ms. Wicha. Bakit ba kasi puno ng kamalasan ang buhay ko? At bakit ba naman kasi sa dinarami dami ng estudyante sa Zodiacus Academy ay bakit sila pa ang napili ni Ms?!

"At kundi lang naman kasi dahil kay kambing ay malamang ay naupakan ko na talaga yung malansang isda!"

Ugh! Kasalanan nila to eh. Kundi lang sana sila na-late edi sana ngayon hindi ko to prino-problema!

"Palagi na talaga nila akong ginugulo! Ugh! Sila talaga ang kontrabida palagi sa buhay ko!"

Nakakairita na talaga! Bakit ba kasi sila pa! Pero kasalanan parin syempre to ng heneral nila. Kung di lang naman kasi nya ako inilagay sa mundo ng mga abhor edi sana bata palang ako naka pag aral na ako dito kaya hindi ko na kakailanganin ng tutor at-arrgghh sya talaga ang puno't dulo nito eh!

"Pasalamat talaga sila dahil nakakapag timpi pa ako-wait Gie nakikinig ka ba?"

Naramdaman ko nalang na may yumuyogyog sakin kaya nilingon ko kung sino yun at nakita ko na si Haidie pala yun.

"H-hah?"

"Anong 'hah?' girl may pangalan ako. And second nag mumuka na pala akong tanga. Satsat ako ng satsat dito tapos wala naman palang nakikinig sakin? Ano naman kaya ang sa tingin mo ang mararamdaman ko?" Hindi ko nalang sya pinansin dahil wala naman akong makukuha na maganda kung makikinig ako sa ka-dramahan nya mas mabuti pang isipin ko kung ano ang gagawin ko para lang maka iwas sa gulo dahil alam na alam ko lang na mag kakaroon talaga ng malaking gulo kapag nag sama sama kaming tatlo. Basta ako kapag mag away talaga yung dalawa at masama ako sa away talagang hindi ako papatalo sa kanila.

"Oo na oo na hindi na ako nakikinig" bored kong sabi sa kanya at nakita ko naman na akmang mag sasalita na sya ng pigilan ko sya.

"May mas malaki akong problema okay" dahil sa sinabi ko kaya napa seryoso sya.

"What is it?" Napa buntong hininga naman ako bago magsalita uli.

"Si Ms wicha-"

"Omy! Bakit ano bang nang yari?! May ginawa ba sayo si miss wicha? Ginawa ka bang kuneho? Pagong? Alimango? Baka? Kambing-?" Napa ikot nalang ako ng mata sa kadaldalan nya.

"Hindi-" seriously?

"Omy? Eh ano? Wait don't tell me-oh my! Baka minagic ka ni ms. Wicha tapos hindi na pala ikaw yung tunay na si Saigie-!" Napa iling nalang ako. Ano ba ang pinag gagawa nito at nakakapag isip sya ng mga ganong bagay?

"Sira. Mas lalong hindi-"

"Eh ano nga? My god! Alam mo ba na kanina pa ako nakakapagod kakaisip kung ano yun?" Seriously sya pa talaga ang mukang nakakawawa sa lagay na to? Eh hindi ko naman sinabi na hulaan nya eh.

"Sinabi ko bang hulaan mo?" Sarcastic na tanong ko sa kanya.

"Eh sorry naman hehe ikaw kasi eh. Mag ku-kwento ka nalang yung may pa cliffhanger ka pang nalalaman eh" naka nguso nyang sabi at sumubo ng pagkain.

"Ikaw naman kasi sabat ka ng sabat. Hayaan mo muna akong mag kwento" sermon ko sa kanya.

"Hehe sorry peace" sabay peace sign nya.

"Si miss wicha kasi binigyan ako ng tutor. At ang mas malala pa ay sina Leo at Yuei yun" kwento ko sa kanya at gaya nga ng inaasahan ko ay agad syang nag react.

Z: The Lady of ARCUARIUS |COMPLETED| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon