9

10 7 0
                                    

Kabanata 9

Loki



Parang tinakasan ng dugo ang muka ko.With my blurred eyes,I saw how Loki fell off the ground.

Parang nabingi ako at natulos sa kinatatayuan.I saw his blood running from his head scattering to the cold pavement.

Napatakbo ako at marahas na hinawi ang mga taong nagkagulo sa harap niya.Nanginginig ang kamay kong isinandal siya sa hita ko at tinakpan ng palad ang bahagi na nagdudugo.

"Tumawag kayo ng ambulansiya!",I shouted.

"Oh my god!Loki please hold on"

My tears are keep on falling.Nanginginig ang buong katawan ko,sumisikip ang dibdib ko lalo na pagnakikita ko ang dami ng dugong nagkalat sa kalsada at sa mga kamay ko.

"Kian!"

Nabigla ako nang may lumapit sa amin na lalaking nurse sakay ng ambulansiya.Agad niyang dinaluhan si Loki.

"Ang tigas talaga ng ulo mo Kian!",He said out of frustration.

Parang sasabog ang utak ko sa mga nangyayari.Bumagsak si Loki sa kalsada,nabagok ang ulo niya at Kian?!

Kian ang tawag sa kaniya ng nurse.

Inayos nila si Loki sa stretcher at ipinasok sa loob ng ambulansiya.Akmang papasok na rin ang nurse nang pigilan ko siya.

"S-sasama ako"

Naupo ako sa pinakadulo habang nilalapatan nila ng first aid si Loki.Sa ngayon wala na akong pake kung Kian o kung ano pa man ang pangalan niya at nagsinungling siya sakin.The only that matters now is magising siya at maging okay siya.

Bahagyang bumukas ang bibig ko sa gulat nang gupitin nila ang hoodie ni Loki.Parang sasabog ang dibdib ko sa nakikita ko.

Now I know kung bakit ayaw niyang tanggalin ang cap niya at ang hoodie.Shaved ang ulo niya and he's so thin.

Dinala ko ang kamay sa bibig para pigilan ang pagiyak.Yung mga hampas ko sa kaniya kanina,naging mangitim-itim iyon.

May ideya na ko pero di ko magawang magtanong.Pakiramdam ko hindi ko kakayanin.

"Ate sino ka po?",tanong ng batang lalaki sa akin.

I smiled at him.He exactly look like his brother,a little Loki.

"Iya,your kuya's friend"

Simula nang dumating kami sa hospital ay di pa rin ako umaalis.I can't just left Loki.

Simula rin ng dumating ako dito ay hindi na tumigil ang bunsong kapatid ni Loki sa pag-interview sakin.

"Gelpren ka ni kuya ko?"

Tumaas ang kilay ko roon.Abat ang malisyoso ng batang ito.Inilapat ko ang likod sa backrest ng upuan.

"How I wanted to be his girlfriend..",kaso ayaw sakin ng kuya mo.

"...Magkaibigan lang kami ni kuya mo",I said patting his head.

"Thor halika dito"

Lumabas ang nanay ni Loki sa room niya.Napatayo ako dahil doon.

"Pasensiya na hija sa kakulitan ng batang to",She smiled weakly.

"Naaliw nga po ako sa kaniya",I smiled back.

Binuksan niya ng malaki ang pinto ng kwarto ni Loki.Napalunok ako roon.

"Gusto mo siyang makita?Halika pumasok ka"

Lumunok pa ulit ako bago nanginginig ang tuhod na pumasok sa kwarto.Unang bumungad sa akin ay ang siya at ang kama niyang may nakataling lobo sa paanan.

Parang akong sinasaksak nang makita ko siya.He's thin with the hospital gown,ang braso niya may mga pasa.Now I understand kung bakit may maliliit na tuldok sa kamay niya,probably dahil sa needles.

"Ang gwapo ng anak ko hano?"

Pumatak ang luha ko sa sinabi ng nanay niya.

"Sobra po.Ang crushable niya parin",I laughed.

Kasabay ng paglaglag ng mga luha ko ay ang tawa namin pareho.Kinuwentuhan ako ni Nay Mercedes pero Nay Mercy na lang daw ng mga bagay tungkol kay Loki.

Nahuhuli ko minsan na nagpupunas siya ng luha kahit na tumatawa.

"Mag-senior high school na siya nang na-diagnose siya ng Aplastic Anemia"

Kumalabog ang dibdib ko roon.So I am right,he is sick.And it hurts like hell na yung mga ginawa namin kanina ay yung mga gusto niyang gawin dahil hindi niya alam kung may bukas pa ba na mabubuhay siya.

"Medicine daw kukunin niya kase gusto raw mag-doctor.Baka daw sakaling humaba pa buhay niya.Gusto niyang mabuhay ng matagal pa"

Sabay kaming nag-iwas ng tingin at nagpunas ng luha.I laugh hysterically.

"Kayang kaya ni Loki yan Nay.He's strong,wala lang yan kay Loki"

Hinawaka niya ang kamay ko at nagkuwento pa siya ng nagkuwento.

Ilang sandali lang ay nagmulat si Loki.Natulos na lang ako sa kinauupuan ko nang marinig ko siyang tinatawag si Nay Mercy.

"Nauuhaw ka?",Tanong ni Nay Mercy.

Pina-inom niya si Loki.Seeing him like this hurts the hell out of me.Paano pa kaya ang nanay niya.

"Maiwan ko muna kayo.Kakausapin ko and doctor"

Lumabas si Nay Mercy at parang sumikip ang hangin sa loob ng kwarto.Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.

"Bakit nandito ka pa?"

Tumayo lahat ng balahibo ko sa lamig ng tanong niya.Parang binutas na naman ang puso ko sa pakikitungo niya sakin.

"Loki-.."

"Kian..",He cut me off.

He then faced me with his cold orbs.

"..Just leave alone",sabi niya sabay higa at nagtalukbong ng kumot.

Kumirot ang dibdib ko sa paraan ng pakikitungo niya sakin.

"Hindi ako aalis kasi mahal kita",I said firmly.

Kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya.

"Hindi mo ko mahal Iya,naaawa ka lang sakin at hindi ko yon kailangan kaya umalis ka na lang"

"Hindi ako naaawa sayo-"

"Wala na akong pakialam don Iya.Just.leave.me.alone",matigas niyang sabi.

My eyes fell to the floor as my tears streaming down.Agad akong tumayo at lumabas.

Paglabas ko ay dumiretsyo ako sa ladies room at doon umiyak ng umiyak.I wanted to ask him bakit niya ko kailangan ipagtulakan palayo sa kaniya?Bakit hindi na siya yung Loki na lagi akong inaasar?

Ayos lang sakin asarin niya ko ng asarin,magsawa pa siya.Ayos lang na sabihin niya ng paulit-ulit ang tae kahit na kumakain kami.Ayus lang lahat ng yon basta hayaan niya ko sa tabi niya.

Thats the least thing I can do para mapagaan ang sariling kalooban.Habang nandiyan siya I'll cherish every moment na pagsasaluhan namin kahit pa itaboy niya ako ng itaboy,kahit paulit-ulit niya kong ipagtulakan hindi ako aalis.Mananatili ako sa tabi niya.

Tinitigan ko ang sarili sa salamin.

My eyes are swollen and my nose is so red.One big blow on tissue and I washed my face.Haggard na haggard na ko,baka lalo pa akong ayawan ni Loki.But nevertheless maganda pa rin.

Naabutan ko sa labas ng kwarto si Nay Mercy at ang doctor.Ayokong marinig ang sasabihin ng doctor dahil bukod sa wala naman akong karapatan,ayoko ring malaman kung gaano kalala ang sitwasyon niya.

Wala rin naman akong magagawa kahit na malaman ko.Lalo lang noon pabibigatin ang didib ko.

He's my mere stranger that I don't want to lose.

DOCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon