•PROLOUGE•

8 0 0
                                    

Jade's POV

Nagising ako sa ingay ng mga sasakyang dumadaan sa harap ng bahay namin.Teka?Ano bang meron?Wala naman akong natatandaan na may mangyayari ngayon ah..

Tumayo na ako at pumunta sa bathroom para magmumog at maghilamos.Pagkatapos ay bumaba na ako ng hagdan para magalmusal.

"Oh..gising ka na pala,halika maupo ka. " sabi ni dad.Umupo na ko sa tabi niya at kumuha ako ng tinapay pagkatapos ay isinawsaw ko yun sa kape.Simpleng almusal lang solb na.

"Kamusta na kayo?" Biglang sambit ni dad.Kayo?Sino ang tinutukoy niya?

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko habang nginunguya ang tinapay.

"Alam mo anak,sa tagal nating di nagsama kahit na wala ako sa tabi mo , alam ko ang mga nangyayari sayo" sabi niya ,spy ba 'tong si dad?

"Ah eh , ano po kasi ...di pa po kami maayos dahil nga po sa nangyari " sabi ko.Tumango tango lang si dad sa sinabi ko.

"Sige dad, pasok na po ko" kiniss ko muna si dad sa cheeks atsaka umakyat sa taas para mag-ayos.

Habang nagbibihis ako di ko maalis sa isipan ko yung sinabi niya.

'I dont want to see your face anymore!'

Kapag naaalala ko kasi yun mas lalo akong nasasaktan.Wala naman talaga akong kasalanan sa aksidente.Sigurado akong buong pamilyang Wadner ay galit sa akin kung kailan maayos na kami ni Brinth tsaka pa nadagdagan ng problema.Hindi ko nga inexpect na sasabihin sakin yun ni Dexter lahat ng masasakit na salita .

Bumaba na ko ng hagdan.Di ko na pinuntahan si dad dahil nakapagpaalam na namn ako sa kanya.Kinuha ko na ang car key ko.Nakita kong may pangalan yung car key,may alaala na namang pumasok sa isip ko.Yun yung regalo niya sa akin,isang kotse.Nakakatawang isipin kasi binigyan niya ko ng kotse kahit di kami close.

Pagkasakay ko ng kotse nakita ko yung teddy bear na bigay din sa kin ni Dexter.Ughhh!!Bat ba puro bigay ni Dexter yung mga nandito?!

Habang nasa kotse ako.Di ko talaga maalis sa isipan ko yung nangyari.Hindi naman talaga ako ang may kasalanan kung bakit naaksidente si Ms.Nicole pero bat ako ang sinisisi nila?

Mamaya maya biglang tumunog yung phone ko.Tinignan ko muna kung sino yung nag message sa kin.Pagkatingin ko galing kay michael yung message.

From:Michael
Pinapapunta po kayo dito sa hospital.

Ano?!may nangyari ata?

To: Michael
O sige OTWna:)

Agad kong pinaandar ng mabilis ang kotse ko.Pero habang nagmamaneho ako may liwanag na bumungad sa harap ko.Napapikit na lang ako dahil nakakasilaw talaga.

Mamaya maya ay parang nawawala na ang nakakasilaw na liwanag.Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.Pero laking gulat ko ng may makita akong truck na papalapit sa kinaroroonan ko.

"Ahhhhhh!!!!!!!!"

Itutuloy................

💚💚💚anirmylover

From The Bottom Of My Heart(Homo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon