Hanggang sa tuluyan na nga kameng hinde nag usap..,
Pero hinde yun dahilan upang mawala ang nararamdaman ko para sa kanya..
Kaya kahit alam kong wala nakong pag asa sa kanya ay patuloy padin akong naghihintay at umaasa na maibabalik ko pa ang dating samahan namen ..
Nagbabakasakali nadin...
Pero mukang malabo na mangyare yun ehh... kaya hanggang ASA na lang talaga ako..
----------------
Dumaan ang isang buwan, tila may milagrong nangyare.. nabalitaan ko na nagkalabuan sila, bigla akong nabuhayaan ng loob dahil sa pangyayare yun..
Nagdaan ang araw, naging close na ulit kame, unti unti ng bumalik ang dati naming samahan.. hnde ko ma ipaliwanag kung gano ko kasaya na kasama ko ulit siya..
Pero panandalian lang pala ang kasiyahan na naramdaman ko..
Napansin ko na nilalayuan padin niya ako at hindi na siya tulad ng dati..
hinde ko alam kung ano ang dahilan ng paglayo niya sakin.. Ilang beses ko na siyang tinanong , ni isang sagot wala akong natanggap..
Kaya ngayon napagpasyahan ko na sumuko nalang, wala nadin namang mangyayare eh.. alam kong mahirap tong gagawin ko pero para din sa ikabubuti ko to,.. at siya narin mismo ang nagsabi na hindi pa siya handang magmahal.. Kaya wala na tlga akong magagawa..
------------------
bakit nga ba hindi ko naisip na lumaban?? bakit hanggang salita lang ako??
eto kasi ako ehh, isang pipe na takot sa mga bagay na walang kasiguraduhan.. isang taong takot sa katotohanan..
---------------
Kung na una lang sana ako, hindi mangyayare to sa akin ehh.. kung hindi ko pinairal ang katorpehan ko edi sana masaya kameng magkasama...
Pero wala na ehh, nangyare na.. hnde na natin kaya pang ibalik ang mga oras na nawala at nasayang.. dahil ang buhay hnde yan parang DVD player na may REWIND at FASTFORWARD..
---------------
Tulad nga ng sinabi nila, nasa huli ang pag sisisi..
Kaya sa mga TORPE diyan na tulad ko.,
Sabihin nyo na habang may oras pa,
Sabihin nyo na habang maaga pa,
Dahil hindi sa lahat ng oras ay nandyan yang babaeng yan na naghihintay lang na umamin ka..
--------------
THE END xD
wala ng wentaa.. :/