1

116 1 7
                                    


I'm Amber,owner ako ng isang restaurant.Si Mama talaga ang may ari nito pero kaya ko naman na imanage kaya ako na.Saka nanghihina na rin s'ya e.May katandaan na rin kasi s'ya.

May anak na rin akong dalawa.15 years old ang panganay at 12 years old naman ang bunso.

Gusto ko lang ikwento sainyo 'to.A true story of an old woman.Her name is Aly.Feel ko mas bata s'ya ng isang taon kay Mama.Nakilala ko s'ya 10 years ago.


Una,hindi ko pa s'ya gaanong napapansin.Kada Sabado s'ya pumupunta dito sa restaurant.Nasabi ko pa nga sa sarili ko  na wow yayamanin si Lola.

Pero may isang bagay na nakakuha ng atensyon ko.

Kapag umoorder s'ya laging doble.Tapos nilalagay n'ya sa tapat n'ya yung pagkain.Na parang may kasama s'ya,may ka date s'ya kahit wala naman.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kasi medyo dakilang chismosa ako.Nilapitan ko s'ya.

"La?Bakit po dalawa yung palagi n'yong inoorder?Wala naman po kayong kasama."pero hindi n'ya ako sinagot.Para lang akong hangin.Hindi n'ya napansin."Ah pasensya na po sa abala."akmang aalis na ako nang nagsalita s'ya.

"It was 40 years ago,when the person I loved the most left me."sabi n'ya."At etong restaurant na'to,dito kami palaging kumakain.Parang dating place ganun."dugtong n'ya.

Napakunot naman ang noo ko.Sabagay,matagal na rin naman 'tong restaurant ni Mama.

"Sobrang saya namin kapag nandito kami."dagdag n'ya.Napaupo naman ako sa katapat na upuan n'ya.

"Nasan na po s'ya ngayon?"hindi ko na naman napigilang magtanong.

Ngumiti s'ya ng malungkot."Kasama na ng taong tunay na para sakanya.Kami pa dapat hanggang ngayon.Pero hindi pwede.Kasi isa 'yung pagkakamali.Mahal namin pareho ang isa't isa pero hindi kami pwede."napansin ko ang pamumuo ng mga luha n'ya.

"Bakit po?Tutol po ba ang pamilya n'ya sa inyo?"tanong ko.Kasi ganon naman minsan ang rason kung bakit hindi nagkakatuluyan ang dalawang taong nagmamahalan ng lubos diba?

"Tanggap ng pamilya namin,pero ang tadhana?Yun ang tutol sa amin."pansin ko ang lungkot sa tono ng kanyang pananalita."Kahit pa pilitin naming lumaban para sa pagmamahalan namin na walang hanggan,balewala rin.Kaya pareho na kaming bumitaw.Pero bago yun,nag iwan muna kami ng mga pangako."nanatali akong walang imik.Hindi ko alam kung bakit parang nararamdaman ko din yung sakit na nararamdaman n'ya."Maghiwalay man kaming dalawa,hindi man kami hanggang dulo,patuloy naming babalikan ang simula.Pero alam mo kung ano yung masakit?"tumulo na ang luha na kanina ko pa napapansin na alam kong pinipigilan n'yang lumabas.

"Ano po?"tanong ko.

"Tumupad ako sa usapan.Kaya nga eto ako ngayon,nandito.Pabalik balik sa aming tagpuan.Pero s'ya?Hindi.Nakalimutan na n'ya siguro ako.Kasi natuto na s'yang sumaya kahit wala na ako."sabi n'ya habang patuloy lang sa pagtulo ang kanyang mga luha.Hindi man lang s'ya nag abalang punasan ito.

Sino kaya ang lalaking iyon?

"Kilala mo at malapit sayo ang tinutukoy ko."sabi n'ya na para bang nababasa ang nasa isip ko.Nagulat naman ako sa sinabi n'ya.

Isang tao kaagad ang pumasok sa isip ko.

"Si Papa-"pinutol n'ya ang sasabihin ko.

"Hindi."sambit n'ya kasabay ng pag iling."It was your mother."dugtong n'ya.

Mas lalo akong nagulat sa narinig ko.

"S-si Mama?"nasambit ko nalang sa gulat.

Shit.

"We can't be lovers.Kaya ayun,we walked away from each other.Pinili n'ya ang Papa mo kaysa sa'kin.At alam mo kung ano yung mas masakit?"hindi na ako nakasagot.Mas lalo ring nagsituluan ang luha n'ya."Your father is my bestfriend.Pero ang pinakamasakit..."pinunasan na n'ya ang mga luha n'ya bago nagpatuloy sa pagsasalita."Nahuli ko ang Papa mo kasama ang ibang babae.Niloko n'ya ang babaeng isinantabi ako,para lang sakanya.Napakaswerte n'ya kasi 'yung taong gusto kong makasama habang buhay,sakanya binigay.But don't worry,past is past.Let's move forward."

Iyong na ang huling mga salitang narinig ko mula sakanya.Iyon na rin ang huling kita ko sakanya.Hindi na rin s'ya bumalik dito.

Even though,love has no gender.But still,they can't be together.Because fate is so cruel.

My Mother's first love is a woman.And I salute her,why?Because she replaced her happiness just to choose what is right,even if it hurts a lot.

One ShotWhere stories live. Discover now