I am Yssabelle and i had a boyfriend named Niko.We've been together for almost 5 years.
2 years ago nung namatay s'ya.Mahal na mahal ko s'ya.He became my world.To the point na lahat tinitiis ko at sinacrifice ko para lang maging masaya s'ya.
Sobrang sakit mawalan ng tao na naging part na ng buhay at pagkatao mo.Yung tipong sa bawat pagtulog mo,walang pangamba.Kasi alam mong sa bawat paggising mo sa umaga ay meron kang s'ya.S'ya na mahal na mahal ka.
At akala ko yun na ang pinakamasakit na nangyari sa'kin.Pero mali ako kasi may mas masakit pa pala.
Birthday n'ya,nakaratay s'ya sa kama.Nakikita ko na yung panghihina n'ya.Kaya sabi ko sa sarili ko na kailangan kahit ganon dapat may magawa pa rin ako.Dapat mapasaya ko s'ya.Gagawin ko ang lahat maging masaya lang s'ya sa huling mga araw n'ya.
Bumili ako ng chocolate cake kasi favorite n'ya yun at saka mga prutas.I made a letter,gumawa rin ako ng explosion box at dinikit ko doon yung mga picture namin na magkasama.Sobrang saya namin doon sa mga picture,makikita mo talaga na mahal na mahal namin ang isa't isa.
Yun ang regalo ko sakanya.Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi n'ya.Pero alam kong iba ang sinasabi ng mga mata n'ya.
"Happy Birthday Love,make a wish first."sabi ko sakanya habang dala dala ko ang cake.
Pumikit muna s'ya bago hinipan ang kandila.Pagdilat n'ya ay kaagad ko s'yang tinanong.
"Anong wish mo?"nakangiting tanong ko.
Tumingin s'ya sa'kin at ginantihan ako ng ngiti."Ang maikasal sa babaeng mahal ko,bago ko lisanin ang mundo."
Hindi ko pa rin mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko kapag naalala ko ang araw na 'yun.I granted his wish kahit ikakadurog ko pa.
Bago s'ya namatay,he bacame the most happiest man on earth.He made promises and got married to someone he truly love.
Nakakalungkot man sabihin,pero hindi ako ang babaeng 'yun.Hindi ako ang babaeng iniharap n'ya sa altar.Dahil hindi naman ako ang tinutukoy n'ya sa wish n'ya.
He was pertaining to Dhelarie.His crush and his ideal woman.Yung babaeng sinasabi n'ya na hindi ko daw dapat pagselosan.
Mahal nila ang isa't isa.May relasyon sila habang kami pa.They cheated on me.Gusto kong manumbat,magalit at magtanong.Pero di ko na ginawa.Mas pinili ko na lang na madurog ng palihim at masaktan ng palihim.Pinalaya ko nalang s'ya kasi doon s'ya masaya e.Sakanya s'ya masaya.Hinayaan ko nalang kung saan s'ya masaya kahit hindi na ako ang dahilan pa.
Masisilayan ang matatamis n'yang ngiti na nagdulot naman sa'kin ng hapdi.
Ako dapat yun e.Ako dapat ang huli n'yang mahahalikan,mayayakap,at maikikita bago s'ya magpahinga.
Pero wala e.Ayoko na rin lumaban pa kasi alam ko naman na talo na ako e.Wala na akong laban.Ang sakit lang kasi sa binubuo namin na kwento,wala na pala ako.
Maybe this is the right time to let go everything.Lalo na yung mga masasakit na alaala.In order for me to grow and to move forward,for the better.
"Kaya't isasara ko na ang ating libro,mahal ko.Ito na ang huling pahina.Dahil tanggap ko na tayo ang umpisa pero ikaw at s'ya ang wakas."
Paalam.
YOU ARE READING
One Shot
Short StoryMy one shot stories collection.Iba't ibang uri ng maikling kwento.