Chapter 14

2.4K 136 4
                                    

Tatlong araw ang mabilis na gumulong. Ang tanging update ni Jojie sa kinaroroonan ni Jrex ay ang balitang napapanood niya sa local news. Wala siyang maayos na tulog sa gabi dahil sa pag-aalala pero hindi na tulad ng dati, magaan ang puso niya habang hinihintay ang pag-uwi ng binata.

"Hindi ka pa matutulog?" tanong ng nanay niya at sinilip nito ang tinitipa niya sa laptop.

Nasa study area siya at ginawan ng summary report ang inventory ng supply procurement ng kanyang opisina para maipasa na niya iyon bukas sa General Services Department ng MacroSeven.

"Kunti na lang ito, Nay. Malapit na akong matapos," sinulyapan niya ang ina at dinampot ang mug. Inubos niya ang gatas na laman niyon.

"Gabi-gabi ka nang nagpupuyat, hindi iyan maganda sa kalusugan mo."

"Okay lang ako, Nay."

"Alam kong nag-aalala ka kay, Jrex." Hinaplos nito ang kanyang buhok.

"Normal lang naman po ito, Nay. Mahal ko po siya."

"Alam mo, anak, ang pagiging police at sundalo ay para ring pagkakaroon ng dalawang kasintahan. Nakakaselos. Demanding kasi sa oras ang tungkulin nila." Inipit nito ang takas na buhok sa kanyang tainga. "Alin ba ang mas gusto mo, nasa malayo siya pero alam mong hawak mo ang kanyang puso o ang kasama mo siya rito pero ang puso niya ay nasa iba? Kapag itinuring mong karibal ang mga bala at baril, hindi ka magiging isang mabuting asawa at magkakasakit ka lang."

Tumitig siya sa ina. Nagsasalita ito base marahil sa sarili nitong karanasan. Humahanga siya sa tatag at tibay ng loob nito. Ngunit hindi lang naman ang tungkol sa takot niya ang issue. Gusto rin niyang protektahan si Jrex. Kaya itutuloy niya ang pagpasok sa Special Action Force pagkatapos ng kasal nila. Sasamahan niya ang binata sa bawat laban na susuungin nito.

Ang kaso, may nakatakda na bang petsa para sa kasal nila? Hindi pa yata nila napag-usapan iyon ng maayos.

Natigil siya sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ng kasintahan na iniwan nito sa kanya roon sa hotel. Agad niyang dinampot iyon at sinagot ang tawag.

"Jrex?"

"Sinta, nandito ako sa labas."

Halos malaglag siya sa kanyang upuan sa pagmamadali. Kumaripas siya patungong pintuan at binuksan iyon. Natanaw niya ang lalaki na nakapasok na ng gate at naglalakad sa driveway. Lumabas siya ng bahay at sinalubong ito.

"Jrex!" Palundag siyang yumakap dito.

He's laughing.

"Dumaan lang ako para makita ka."

Tumango siya. "Nagugutom ka ba, gusto mo ng cup noodles?" Hinatak niya ito patungo sa loob.

"I could use up some sweet kiss instead," hinapit siya nito at mapusok na hinalikan sa labi.

Tumingkayad siya at ini-angkla ang mga braso sa batok nito habang gumaganti ng halik. Hindi pa sila tapos sa lambingan nila ay dumating na ang military service truck.

"I have to go," humaplos ang kamay nito sa kanyang balakang at pinisil ang kanyang pang-upo. "I love you."

"I love you," dinampian niya ng halik ang umiigting nitong panga.

Paurong na naglakad palabas ng gate si Jrex at pagsapit sa nakahintong truck ay sumampa sa front seat.

Tanaw niya ang papalayong sasakyan hanggang sa nilamon iyon ng dilim. Kinapa niya ang labi at ngumiti ng tipid. Kahit gahol sa oras pinuntahan pa rin siya ng binata. Tumakbo siya patungo sa gitna ng kalsada at sumigaw ng ubod-lakas.

NS 11: BREAKING THE MACHINE HEART ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon