Prologue

12 0 0
                                    


My life's been a series of impossibles...



Pilit akong umiiwas para hindi makuha ng kalaban ang bola na pilit ding humaharang sakin para maagaw sakin ang bola. Tinignan ko natitirang oras.




Ilang segundo nalang ay tapos na ang laro. Isa ang lamang namin laban sa opponent namin na St. Matthew University. At sa oras na maagaw nila ang bola na hawak hawak ko at maipasok nila ang bola sa ring ng dalawang puntos.

Talo kami. Tapos na ang laro.

Impossible is an opinion, not a fact...


Kaya naman isa lang ang goal ko. Ang maitira ito sa ring at maka shoot ng tatlong puntos. Kapag ganun ang mangyayari. Panalo kami.



Turning impossible to possible is tough...

It's filled with hard hits, often leaving behind scars...

Iwas ako ng iwas pero harang ng harang parin sakin ang mayabang na si Ken. I don't have any other choice kundi ipasa kay Seth ang bola at mabilis naman niya itong nasalo.


Sinenyasan ko siyang ipasa sakin maya maya ang bola. Pilit na inaagaw ng kalaban ang bola kaya naman napituhan sila ng foul dahil natamaan  sa panga ang myembro namin kaya natumba ito. Sinadya 'yun ni Drew dahil desperado siyang makuha ang bola at malamangan ang score namin para sila ang manalo. Palagi naman. Madumi sila maglaro.

But scars are signs of overcoming injuries...

Pumito na ilang sandali lang ang referee matapos makapag free throw si Tom. Pumalya sa unang shoot si Tom kaya isang puntos lang ang naidagdag sa score namin.

Nasa kabilang kampo binigay ng referee ang bola kaya mabilis akong kumilos para agawin kay Drew ang bola. Hinaharangan siya ni Tom kaya hindi niya ako napansin. Ang lalake namang humaharang sakin ay pilit kong iniiwasan.

Nakakuha ako ng magandang tyempo kaya naagaw ko ang bola. Nalingat kasi saglit si Drew kaya hindi siya nakakilos kaagad nung agawin ko na sakanya ang bola.

20 seconds nalang...


Only one thing has power to do that...



Nilingon ko ang babaeng buong lakas na isinisigaw ang pangalan ko at may dala dala pang isang malaking banner na ang nakasulat ay 'Go Shawn!'. Tumatalon at nakangiti saakin. Ang babaeng mahal ko. Nginitian ko siya pabalik. Para sayo 'to...


Tumigil ako't tumalon kasabay ng pagbitaw ng bola ko patungo sa ring. Napapikit ako. Sana pumasok.


Napasigaw ako ng pumasok sa ring ang bola. At nung makapasok ang bola sa ring ay saktong ubos na ang segundo na nalalabi.

And that's love...

Tinignan ko siya. Hindi siya magkamayaw kakasigaw sa pangalan ko. Naglakad ako papalapit sakanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sakanya at siniil siya ng isang matamis na halik.

That's how i gifted her the trophy.

---

"Aish. He's talking crap again."

"Baliw na ata 'to si sir...Tsk. Tsk..."

"There he go again..."

"Bakit ba siya pa ang naging P.E teacher natin?"

"Lul. Halikan ba naman ang racket ng badminton?"

Napatigil ako. Putcha. Nag iimagine na naman ako. Sa imagination ko, isang napakagandang babae ang hinalikan pero isang realisasyon ang tumama sakin. Racket pala ang hinahalikan ko. Taena.



Napaayos ako ng tayo. Napahiya na naman ako sa mga estudyante ko. Tsk. Eksaherado akong tumikhim para matanggal ang pagkapahiya ko ng konti.

"*Ehem! Ngayon na masyado na kayong na e-entertained, simulan na natin ang pauna niyong lesson!" Sigaw ko.

Kinuha ko ang shuttlecock at umakto na nag se-serve.

"Sir! Itigil niyo na 'yan!"

"Ang boring ng lesson niyo!"

"Oo nga. Wala bang thrill diyan?"

Reklamo ng mga estudyante ko.

"Sige na! 'Wag na maraming reklamo't baka mahampas ko sainyo 'tong racket! Magsimula na tayo! Spread out!" Bulyaw ko sakanila.

Nakakabadtrip. Palagi nalang silang ganito. Ang titigas ng ulo. Puro reklamo. Kesyo ang boring boring ng mga lesson ko. Mag quit na raw ako. Aba putcha. Baka sila ipa kick out ko dahil sa pagiging reklamador nila.

Napakamot sila ng ulo sabay sabay at sinunod ang utos ko. Matapos kong maituro sakanila ang basics sa tamang paglalaro ng badminton ay bumalik na ako sa faculty room dahil tapos na ang klase ko. Vacant na ang oras ko ngayon.


Pag upo ko sa upuan kung nasaan ang cubicle ko ay nahagip ng mata ko ang isang kulay pulang sobre na may kulay ginto pa na disenyo sa bawat gilid. Naglalaman ito ng isang imbitasyon. Imbitasyon niya.


Hinawakan ko ito't tinitigan.

🖤 Sam's wedding invitation🖤

You are invited(╹◡╹)♡

December 28, 2020

@St. Thomas Church

8:00 A.M

              

Hindi ko alam na mayroon palang isang babae na mamahalin ko ng lubusan ng higit pa sa inaakala ko. Hanggang sa dumating ang araw na 'yun....







Should I go to her wedding then?

____

End of prologue







On Your Wedding Day Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon