Binato sa pader ni Vic 'yung bola kaya tumalon ako't inabot ito. Kasalukuyan kasi kaming naglalaro ng bola ng basketball ni Vic sa hallway.
Pero nadulas ako at mabilis na tumalikod ng nakadapa ng makita si Sam na naglalakad palapit samin. Hawak hawak ko parin ang bola.
"Huy. Anong problema?" Takang tanong sakin ni Vic at akmang lalapitan ako pero mabilis din akong tumayo at sumandal sa wall. Ng nasa tapat ko na siya ay tumalikod ako't yumuko at tinago ang mukha ko gamit ang siko ko.
"No quickie today?" Mabilis pa sa alas kwatro akong humarap sakanya.
"Itigil mo nga 'yan!" Namumula kong sabi. Potangina naman kasi. Simula kasi kahapon. Hindi na tumigil si Sam kaka-asar sakin tungkol sa quickie na 'yun. Pota lang.
Tumalikod din siya kaagad ng may nang aasar na ngiti sa labi.
"Quickie!?" Gulat na tanong sakin ni Vic. Mabilis akong lumapit kay Vic at tinakpan ang bibig ni Vic.
"Tumigil ka!" Sigaw ko. Nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ko sa bibig niya. Pilit din niyang inaabot 'yung bibig ko.
Nilingon ko si Sam na naglalakad na papasok sa classroom namin.
"Kailan mo ginawa 'yun?!" Sigaw niya't pilit na tinatanggal ang kamay ko sa bibig niya.
"Shut up!" Sigaw ko sakanya.
"Shut the hell up!"
___
(Sam's pov)
Papasok na sana ako sa loob ng makita ko si Kiel na nakaupo sa upuan ko. May nakalagay na isang malaking teddy bear na parang kuneho sa mesa ko.
Napairap nalang ako't hindi nalang tinuloy ang pagpasok ko sa loob ng classroom.
Dumiretso nalang ako pababa patungo sa pinaka-likuran ng campus. Andun kasi 'yung dinaanan namin ni Shawn kahapon nung tumakas kami. Magka-cutting ako mag isa. Nabo-bore kasi ako. Palabas na sana ako ng mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot sa harapan ko sina Shawn at 'yung kaibigan niyang si Vic ata.
Nagsusuntukan sila.
"Hindi pa ako tapos, asshole!" Sigaw ni Vic at sinuntok sa mukha si Shawn.
Napaatras pa ako ng sumuntok pabalik si Shawn kay Vic. Maglalakad na ulit sana ako at hindi sila papansinin pero lumingon ulit ako sakanila. Seryoso? Magkaibigan ba talaga sila? Bakit nagsusuntukan sila?
Sakal sakal ni Shawn si Vic gamit ang siko niya. Si Vic naman ay pilit ding nagpupumiglas sa pagkakasakal mula kay Shawn.
___
(Shawn's pov)
Napatingin ako kay Sam habang hawak hawak at sakal sakal ko si Vic. Pero dahil sa kakatitig ko sakanya ay hindi ko namalayan na naluwagan ko pala ang pagkakahawak ko kay Vic kaya mabilis siyang nakawala at sinuntok ako sa panga. Napatalikod ako sa suntok niya pero mabilis din akong nakabawi. Susuntukin ulit sana ako ni Vic pero niyakap ko siya.
Sinabihan ko si Vic na time out na muna at bumalik na muna siya ng classroom kaya sinunod naman ako nung gago. Tinaliman pa niya ko ng tingin at binantaan na magtu-tuos pa kami.
Ganito talaga kami ni Vic. Suntukan at gulo is life. Sanay na kami sa ganito. Immune na kumbaga. Kaya walang kaso saming dalawa ang magkasakitan.
Sinundan ko si Sam. Naabutan ko siyang sinusubukang umakyat sa sementadong bakod. Para siguro tumakas na naman ulit.
Dalawang upuan ang ginamit niya para may mapatungan siya. Pilit niyang inaabot ang dulo ng bakod pero nadulas ang isang upuan kay mabilis akong lumapit sakanya at sinalo siya bago pa man siya bumagsak.
BINABASA MO ANG
On Your Wedding Day
RomanceWhat if the girl you loved the most for how many years, the girl you've always following and looking for... And the girl that once been yours... Came back after 5 years and tells you that she's getting married soon and that she invited you to their...