AKO ANG NAGWAGI

406 11 4
                                    

“TO ALL VOLUNTEERS! MAGPUNTA KAYO DITO SA MAY STAGE. MAY SASABIHIN KAMING IMPORTANTE. BILISAN NIYO. DOUBLE TIME TAYO”

Nagpunta nadin agad ang mga volunteers sa stage. Dun nadin nagkakita-kita yung magkakaibigan. Nagkakwentuhan muna nang saglit tungkol sa mga nagawa nila bilang isang volunteer.

“SABI NI SUPT. HAROLD, PAPALAPIT NA DAW SILA. NASA SOLIDERS NA SILA”

(Soldiers- lugar na malapit nadin sa school)

“KAYA KAYONG LAHAT NA VOLUNTEERS, KUNG AYOS LANG SAINYO MAGBABANTAY TAYO SA MAY GATE. PERO NANDITO PADIN NAMAN TAYO SA LOOB NANG SCHOOL. PERO YUNG MGA MAY AYAW, PWEDE NADIN KAYONG MAGPAIWAN DITO SA LOOB.”

“Owmaay. Grabe namaaan. Ano? Sama tayo sakanilang magbantay?” – Raquel

“Sige ba. Ano sasama ba tayo?” -Trisha

“Siguro kahit wag na muna. Wala naman kasi talaga tayong alam sa mga Zombies na yan. Tsaka baka hindi pa naman yan dito makakapasok, Tiwala lang. ” - Angel

“Oo nga. Siguro tama din si Angel. Kahit kami nalang din namn ni Mitzi, ayos lang e.” -Joy

“Sige. Pano bay an, punta na kami ni Joy sa Gate.” -Mitzi

Nagkaintindihan nadin silang magkakaibigan. Nagpunta nadin silang dalawa agad sa may gate.

Habang nagbabantay sila, hindi nila maiwasang may marinig na nagsisigawan. Yung mga hiyaw na halatang takot na takot sila, yung mga iyak na nanghihingi ng tulong. Tuwing naririnig nila yon, tumatayo lang yung mga balahibo nila at syempre nangangati nading tumulong pero hindi pa maaari.

“SHEEEYT!  ANDYAN NA SILAAA!” sigaw ni joy

“Omeygash. Papunta ata sila dito! Masyado silang mukang  mga brutal eh.” Sabi nang isa nilang kasamahan na volunteer.

“Sige. Takpan natin to ng kahoy or hollow blocks. Basta kahit anong pwedeng ipangharang.” Habang nakapwesto sa may gate

Natakpan man nila ang buong gate nang pagkataas-taas, ayaw padin paawat nung mga Zombies. Umaakyat sila sa may taas. At hindi nagtagal ay may nakapasok nadin. Tatlo sila, yung isa tanatanggal yung mga harang para makapasok yung iba pa nilang mga kasamang Zombies. Habang yung dalawa naman ay nagsimula nang mag-kalat ng mga venoms nila.

“OOY! FRANCES THEA MITZI MAMUYAAC! UMALIS NA MUNA TAYO DITO. KAILANGAN NA NATING PUNTAHAN SILA JOAN!”

“TEKA LANG! MAUNA KA NA!”

“ANONG MAUNA? TUMIGIL KA NGA JAN! SUMAMA KA SAKIN!”

Nagiging intense nadin yung usapan nila dahil nung mga oras na yon, masyado nang nagkakagulo.

“ALAM KONG MAKAKA-TULONG AKO SA PAGLABAN DITO SA KANILA! KAYA MAUNA KA NA. KITAKITS NALANG MAMAYA!”

Wala nadin namang  nagawa si Joy dahil niluwa siya galing sa mga grupo ng maraming tao, puro Slamman kasi.

-Sheeemay! -_- Sana maging Okay lang si Mitzi dun. Asan na kaya ang aking mga Frendsistas? – yan ngayon ang tumatakbo sa isip ni Joy ngayon.

MITZI’S POV

Wooo! Di ko alam kung ano ba talaga yung dapat kong maramdaman ngayon. Dapat ba akong maging masaya? Dahil  nangyayari na saakin yung mga dating napapanood ko lang tapos ngayon ako na yung lalaban sa mga hayop na Zombies na to. O malungkot dahil madami nang taong mga nasasaktan?

Sa totoo lang, pinagdarasal ko to dati pa e. Gusto ko kasi talaga na maging sikat ako sa larangan ng ganito. Yung tipong ang headline sa mga News ay “ISANG BABAE, MINALIIT LANG ANG ZOMBIE” at ako yung babaeng yon. Pero parang ang selfish ko lang pala nung mga panahong yon, hindi ko manlang inisip na madaming masasaktan dahil dito.

At ngayon, eto ako, isa sa mga tumutulong sa mga tao dito. Hindi ako nagmamatapang, may alam talaga ako dito kahit na sabihin nilang wala naman akong experience. Masyado nang madami akong napanood na ganito, at sa tingin ko sapat na yon para matalo ko tong mga to.

ITS MY TIMEE TO SHIIINE!!

Wala ring nagawa yung mga paghaharang namin sa gate, madami na silang na-infect. Kaya naman  yung mga ibang taong nagpapanic, binuksan nalang yung isa pang gate. Masyado akong nabahala sa ginawa nila, lalo kaming lahat mapapahamak. Pero sino nga ba ako? Sino nga ba ako para tigilan ko sila? Buhay na nila ang kapalit neto. Madaming tao ang nagkakatulakan palabas, dahilan para magkaroon ng stampede.

TAEE! Eto yung kinakatakutan ko e. Ayuun, madami nang mga papasok na Zombies! At syempre, hindi lang naman nila basta bastang dinadaanan lang yung mga tao, KINAKAGAT nila to sa iba’t ibang parte ng katawan. MADAMI NANG MGA TAONG NAINFECT!

HINDI LANG AKO DAPAT NAKA-TAYO DITO AT MAAWA LANG SAKANILA, KAILANGAN MAY GAWIN DIN AKO!

*shiiiiing* (insert bulb effect)  BRIGHT IDEAA!

Sakto! May ginagawang building dito sa may tapat nang gate. At ayun, agad na akong nagpunta doon. Kumuha ko nang ilang buhangin tsaka grava, agad ko nadin ito agad nilagay sa bag ko. Sa may hindi kalayuan ay may nakita akong pala (shovel) Taee! Ang nasabi ko lang nung kinuha ko siya “MABIGAT!”. Nahirapan din akong bitbitin yon kasi napakaliit ko lang para magbitbit nang ganong bagay.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa may ginagawang building. Naghahanap lang nang iba pang bagay na magagamit ko sa pakikipaglaban ko sa kanila.

Habang naglalakad ako…

May iba akong nararamdaman….

Parang feeling ko….

May kung sino man na nasa likod ko…

Na papunta pa palapit saakin..

Hinigpitan ko na yung kapit ko sa pala. Kumuha ako nang pnting buhangin sa bag ko.

Pagkaikot ko..

Nagulat ako sa nakita ko!!

May papalapit saaking Zombie!  Tatlo sila.

Nung nakalapit na sila saakin, sinabuyan ko yung mga mata nila nang buhangin. At dahil don, medyo nawala sila sa concentration nila. Hinigpitan ko na lalo ang pagkaka-kapit ko sa pala at inisa-isa ko silang pinukpok sa ulo.

Tumumba nadin silang tatlo at nakita ko pa ang ibang kasamahan nilang Zombies na papalapit sakin…

Syempreee, ginawa ko nalang din yung nagawa ko nung una at siyempreees.. NATALO KO SILAA ! >: ))))))

I WON!!

Pero teka, kamusta na kaya yung mga kaibigan ko sa loob?

Encounters with the Zombies in the CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon