01|

6 1 1
                                    


𝗘𝗹𝗹𝘆𝗷𝗲𝗻 𝗟𝗼𝘂 𝗔𝘁𝗶𝗲𝗻𝘇𝗮

"Babe? Please... I-I can't resist it anymore... trust me I'll be gentle..."

Shete! Sa wattpad ko lang naririnig yun ah! At tae! Gwapong nilalang lang ang nagsasabi niyon!

"Tss! Tigilan moko Jefferson! At pwede ba?! Lingkis ka ng lingkis saken! Bitiwan moko! We're done!" inis na sabi ko at tumayo kaagad para umalis sa bar na kinaroroonan ko ngayon. I don't even mind if I make himself embarrassed in front of his friends. Ha! Tatak Ellyjen to! Walang pumipilit sakin!

Malapit na sana akong makalabas ng biglang may humila sa braso ko. Shete! Muntik pakong masubsob!

"Hoy! Jefferson! Sabi ko we're done, kung hindi mo yun na gets, then tatagalugin ko! Tapos na tayo!" Sigaw ko pa.

"Ano? Ganun ganun nalang yun? Kakasagot mo lang sakin kahapon tas ngayon makikipagbreak ka?!" Galit na sigaw niya, kahit maingay dito sa loob at busy sa kanya kanyang ginagawa ang mga tao, ay nakakakuha pa din kami ng atensyon. Futik na Jefferson kasi to. Di nalang mag move on. Tena.

"Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo ngayon you dumb ass." nanlilisik ang matang saad ko na. Ts! Walang sinuman ang pwedeng pumilit kay Ellyjen sa mga bagay na ayaw niya.

"Hindi ako papaya---

Naputol ang sasabihin niya ng biglang may sumulpot mula sa likuran ko at tinapik ang kamay ni Jefferson na mahigpit na naka hawak sa braso ko namumula na nga iyon eh.

"Bro, Kapag nakipag break na sayo, let go mo na." rinig kong saad ng kung sinuman.

Pagtingin ko dito ay agad ko itong nakilala.

It was Xian Armane! One of my exes!

Naging kami dahil naawa ako sa kanya. Grabe yung effort eh, kaya ayon sinagot ko pero hanggang 3 days lang kami. Kasi naman, I don't wanna get attached. Isa pa----

"EDI TANGINA MO PALA KUNG GANUN?!"

Naputol ako sa pag-iisip ng marinig ko ang sigaw na yon ni Jefferson at agad sinugod si Xian ng suntok kaya nabitawan niya ako.

Ts! Nakakastress to, shete makaalis na nga lang.

kaya ayon, iniwan ko silang nag pambuno doon. Mga lalaki talaga, dinadaan ang lahat sa init ng ulo.

Nang marinig kong may pumito, sigurado akong mga bouncer yun ng bar lumingon ako saglit at nakita ko ang pag-aargue nila kaya nag patuloy nalang ako sa magsibat patungo sa kotse ko.

Nakakastress nga talaga ang maging maganda. Akalain ko yun? Ang ganda ko talaga.


"ELLYJEN LOU ATIENZA!"

agad akong napabalikwas nang dahil sa lakas ng boses ng unggoy kung kapatid. Tsk.

Mas idiniin ko nalang sa mukha ko ang unan ko at tinry na matulog ulit. Grabe alas kwatro na ng madaling araw na ako nakatulog kagabi kakaimagine sa mga ginawa ko kay Xian dati.

Tapos napanaginipan ko pa siyang nakipag away sa isang tao kasi binastos ako. At eto pa, sa bar! Pede ba yun?

At dahil nga alas kwatro na nun, kulang yung tulog ko.

May klase pako mamayang mga alas syete.

Naman! Terror panaman yung gurang na yun. Tena.

Ts. Isa pa yung kupal na Cerrid yun---------

*SPLASH!

"Takte!"

tanging nasambit ko at agad na napatayo.

When She met Him (Book 1 of When Trilogy)Where stories live. Discover now