16. | Lowee's

254 16 4
                                    

___

Lowee's

Tulad nga ng sinabi ni Tiana, umuwi rin ako sa condo namin ni Yedam. Pag uwi ko tama ulit si Tiana bumungad sa akin si Yedam pero tulog na siya, tama kayo ng nabasa nakatulog siya sa may sofa habang nakabukas parin yung laptop sa maliit na table ano ba iyan lalo tuloy ako naguguilty. Agad ko naman hinubad yung sapatos ko at nilagay sa tamang lagayan, alangan naman sa maling lagayan ni napunta na nga ako sa maling tao noon. 

Pagkatapos nun nilapitan ko agad siya at sinilip ko naman kung ano yung pinagkakaabalahan niya sa laptop niya bungad ba naman sa akin chapter 2 thesis. Kung kanina guilty lang, ngayon sobrang guilty na, gusto ko sana siya tulungan kaso hindi naman ako kasing talino niya kaya naman sinave ko na muna yung file na ginagawa niya bago ko iekis at i-off yung laptop niya. Napansin ko naman na natulog siya na walang kumot at dahil may natitira pa naman na bait sa puso ko kumuha narin ako ng kumot niya sa kwarto niya at nilagay ko sa kanya iyon, pero nagulat nalang ako nang bigla nalang namulat yung mata niya ano ba ito multo?! nananakot eh. 

"Lowee? akala ko minumulto na ako dito." Puta. Ikaw nga ang nananakot dito hindi ba uso sayo dahan dahan pagmulat ng mata. 

"Teka, hindi ka na galit sa akin?" Tanong niya sa akin, inirapan ko muna siya.

"Ba't ako magagalit?" 

"Pero yung chat natin...tapos-" hindi ko na tinuloy yung sinabi niya. 

"Sorry." Pagkasabi ko nan umiwas na ako ng tingin sa kanya at dali dali ako pumunta sa kwarto ko at ni-lock iyon. Oo magkahiwalay kami ng kwarto pero aish hindi ako sanay mag sorry talaga at tsaka ngayon ko lang narealize na aware na siya na nilagyan ko siya ng kumot. 

___

Closer | Bang YedamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon