69. | Yedam's

409 17 23
                                    

———

9:21 am

Lowee: Baby :(

Lowee: busy ka ba? Imissyousomuch :( ❤💙💜💙💙💚💛💚💚❤💞💞💝💝💗💗💕💕💖💖

Yedam: period mo ngayon... | backspace

Yedam is typing...

Yedam: I miss you more.

Yedam: hindi ako busy. nasaan ka?

Lowee: nasa bahay diba wala naman pasok dahil sabado, pero ikaw andyan parin sa school :(

Lowee: ganito pala ganap sayo sana pinapahinga ka nila diba 😭😭😭😭😭😭

Yedam: sorry baby ang dami lang talaga pinapagawa sa akin, pero uuwi na ako ngayon. may gusto ka bang kainin?

Lowee: ikaw

Yedam: ha?

Lowee is typing...

Lowee: ikaw bahala...alam mo na iyon...melkti (milktea), protas (fruits), borger (burger) and frays (fries) nye hope all.

Yedam: PUTA HAHAHAHAHAHA.

Yedam: sige baby bibili muna pala ako bago umuwi.

Lowee: ingat...lalo na sa mga babae dyan. nakakapandilim sila sa paningin :(

Yedam: Opo ikaw lang naman hehe, ikaw matulog ka muna dyan. I love you.

Lowee: pero gusto kita hintayin eh-

Yedam: matutulog ka o dito lang ako sa school.

Lowee: subukan mo lang bumalik, kahit ganito kalagayan ko babardagulin kita pero hmp

Lowee: sige na nga. I love you too :(

Yedam's

Inayos ko na mga gamit ko at palabas na sana ako ng Student Council Room nang dumating si Yoshi hyung na Vice President.

"Yedam, may binigay na bagong gagawin." Napabuntong hininga naman ako sa narinig ko.

"Hyung, pwede ko bang gawin nalang iyan sa bahay? Masama pakiramdam ng asawa ko." Nanlaki naman mga mata niya sa sinabi ko, bakit totoo naman na asawa ko siya ay- oo nga pala ang alam nila mag jowa kami ni Lowee.

"Ikaw?...tapos si Lowee? Mag asawa..." Tumango ako sa kanya, kinuha ko naman yung papel sa kamay niya "lahat ba ito pinapagawa sa akin?" tanong ko sa kanya at siya naman ngayon ang tumango, pinat ko nalang yung balikat niya at sinabi kong,

"Salamat hyung."

Pagkatapos ko dumaan sa maraming shops para bilhin yung mga sinabi ni Lowee ay andito na ako sa condo namin.

4 months na ang nakalipas...sa loob ng apat na buwan mas nakilala namin ang isa't isa. Sa totoo lang, iba si Lowee kapag period niya, sensitive siya tapos masama pakiramdam niya kaya every time na napapansin ko na iyon lagi agad ako pumupunta sa kanya para alagaan siya.

Sumilip muna ako sa kwarto niya at nakikita kong natutulog siya ng mahimbing, mabuti nalang. Pumunta muna ako sa kwarto ko para magbihis at pagkatapos nun ay pumunta naman ako sa may mesa para ihanda ko yung mga pagkain na binili ko, at pagkatapos nun ay pumunta ulit ako sa kwarto niya at nilapitan siya.

"Baby...Nabili ko na yung lahat ng gusto mo" sabi ko sabay tapik sa balikat niya para gisingin siya, dahan dahan naman nagmulat mata niya at ngumiti siya sa akin.

Closer | Bang YedamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon