ACL:Chapter 12

43 8 0
                                    

Nico POV

Ng makalapit ako kay kierrah ay mas narinig ko lalo ang mga hikbi nya.
At dahil sa nag alala ako ay niyakap ko sya sa likodan. Pero may narinig ako na lalong nagpalakas ng kuryusidad ko.

"Tulong! Tulong! Wag mo akong sasaktan"rinig ko sakanya na lalong humikbi sa pagiyak."Maawa ka saakin? Waggg!!!"huli nyang sigaw tsaka nawalan ng malay. Buti nga at agad ko syang nasalo. Pansin ko rin na namutla sya. Kaya naman naalala ko ang nangyari sa gym ng dumating sya na puno ng galos at punit punit ang uniform.

Dahil sa nag alala ako sa pweding mangyari sakanya ay kinarga ko na sya ng pa bridal style. Napatitig tuloy ako sa maamo nyang mukha kapag tulog. Napakaganda nya pala talaga sa malapitan matatangos na ilong at...

Napadako naman ako sa labi nyang namumula kaya napahinto ako sa paglalakad. Hindi pwedi to hindi maayos ang kalagayan nya ngayon.
Kaya lalo ko pang binilisan ang pag lakad papuntang parking lot dahil kung sa clinic lang ay hindi pwedi ngayon dahil day off nila ngayon. Nakarinig pa ako ng mga ilan ilan nilang bulungan.

"Anong nangyari sa babae?"

"Oo nga at ang ganda ganda nya!"

"Tingnan mo at buhat buhat pa sya ni papa nico,kakaingit!"

Diko na sila pinansin at naglakad na ulit hanggang makarating ako sa parking lot. Sinakay ko na sya sa kotse tsaka tiningan ang phone nya. At baka may matawagan ako na relatives nya. Suwerti naman at walang password ang phone nya.

Tiningnan ko na agad sa contacts nya at napahinto ako ng makita ang pangalan ng kaibigan nya na si yana. Oo nga pala at diko pa nasasabi sakanila ang kalagayan ni kierrah tinext ko nalang sya at pumasok na sa loob ng kotse. Napatingin naman ako ulit kay kierrah na lalong namutla. Kaya nataranta ako at binilisan medyo ang takbo ng sasakyan.

Ace POV

Nagtaka naman ako kanina kay nico dahil nag paalam lang ng walang dahilan. Tsaka umalis na. Kumakain parin kami hanggang ngayon at kasama ko parin si xy. Panay lang silang kwentuhan ni nowa,pero minsan ay nakikisali naman ako sa mga kwento nila.

Tinapos na namin ang pagkain at napagpasyahang maglakad lakad muna.
"Ang lawak pala ng school nyo?"manghang sabi saakin ni xy napangiti naman ako sa iniasta nya at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta sana sa field ng may narinig kaming mga bulungan pero hindi ito para saamin.

"Alam mo bang buhat buhat daw ni nico yung babaeng maganda kanina?"..

"Yung kierrah? "

"Kawawa naman,ang sabi pa sa nakakita ay maputla daw ito?"

Nagtaka naman ako,si nico binuhat si kierrah? bat ba ako nangingialam sakanya. Karma nya na siguro yun dahil sa pagsapak nya saakin. Tsaka sa kamalditahan nya. Diko nalang sila pinansin tsaka naglakad ulit.
Naglalakad kami ng biglang napasigaw si xy.

"Aray!"kaya napatingin ako sa gawi nya. Nakita ko syang natumba. Dali dali ko naman syang tinulungang makatayo at tiningnan ang nakabanggga sakanya. Ito yung kaibigan ni amazona ah.

Napansin ko sakanya na natataranta sya."pwedi ba padaanin nyo muna ako?"singhal nya ba naman saamin. Sya na nga nakabangga sya pa may ganang magalit."Aba dika pa nga nag so-sorry sakanya at aalis kana?"sabi ko sakanya. Tama naman ang sinabi ko sya pa talaga ang may ganang magalit."Tama na ace,si nya naman sinasadya."huminahon naman ako sa sinabing yun ni xy. Tsaka napadapo ang tingin ko ulit sa kaibigan nya."Ano bang probleme mo sa diko sinasadyang pagbangga dyan sa babaeng yan,kailangan kung magmadali dahil nasa masamang kondisyon si kierrah. Kaya padaanin mo ako!"singhal nya.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon