November 30, 2020

1 0 0
                                    

Malapit na pala magdalawang buwan simula nang tayo'y maghiwalay, dalawang araw mula rito, mahal.

Tuwing gabi'y lagi na lang ako umiiyak, walang katanungan sa aking puso't isip basta't ang aking nararamdaman ay pagkawala at kalungkutan, pangungulila at pagdaramdam.

Tanging pagkimkim ng aking nararamdaman habang pinagmamasdan kang masaya, sa iba, sa kan'ya, sa taong pinagseselosan ko pa.

Ngunit anong magagawa ko? Wala.

Ang tanging hiling ko lang naman ay sumaya ka, sumaya ka sa'kin ngunit malabo. Dahil lagi kong ramdam ang lungkot kapag ika'y na sa'king piling.

Gusto kong magtanong pero ngayon, walang katanungang sumasagi.

Sapagkat ngayon, ang tanging masasabi ko lamang ay kinuha mo ang aking kasiyahan.

At ikaw 'yon, ang kasiyahan ko.

Kinuha mo ang iyong sarili sa akin.

Siguro nga'y mali, na sa'yo nakadepende ang aking kasiyahan.

Dahil ngayon, nang mawala ka.

Hindi na ako naging masaya pa, purong pait at kalungkutan na lang ang nararamdaman, sinta.

Mahal na mahal pa rin kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Open Words For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon