Jaw-dropping question.

75 0 0
                                    

————————————————————————————————————-(A/N: Heto na... heto naaa..... hetooo naaaaaah.... Waaaaaaaahh.. hahahaha!!! Hi guys, me again! Enjoy the super sabaw update, hehehehihihi.. :") )————————————————————————————————————————————————————-




Chapter 3: Jaw-dropping question.



Nasa loob ng kwarto si Aria at kasalukuyang kinakalikot ang kanyang laptop habang nakadapa sa kama. Sabado kasi ngayon at wala siyang makakapag-abalahang assignments kaya bored na bored na siya sa loob ng bahay...


"Don't pretend you're sorry...

I know you're not...

You know you got the power...

To make me weak inside..."


Narinig niya ang paborito niyang kanta ng Backstreetboys na "Drowning in you're Love". Ito ang isa sa pinakanagustuhan niyang kanta kahit na medyo makaluma na dahil sa nakaka-inlove na boses at magandang message nito..


——————————————————————————————————- (A/N: Honestly, that's my fav.. Inilagay ko lang dito... hihihi :") Maganda siya.. SWEAR.. Try niyo lang pakinggan kung hindi niyo pa naririnig.. hehe..)---——————————————————————————————————————————————————


Kinuha niya ang kanyang cellphone dahil ginawa niya ang kantang ito na caller ringtone niya.. Nang makuha ang cp niya ay agad niyang tiningnan ang caller I.D.


"Siomaiii!!!!!!!!"muntik na niyang maihagis ang kanyang cp sa sobrang gulat niya matapos mabasa ang pangalang nakarehistro sa caller I.D.


It's Josh! OMGEE! aning isip niya.


Ilang araw na rin niya itong iniiwasan dahil sa nangyari noong isang linggo. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin niya alam kung paano ito pakikitunguhan pagkatapos ng insidenteng iyon.


"Kasi naman eh.." Maktol ng isip niya. "First kiss ko yun... nakakainis! Naging aksidente pa... Huhuhu!" Nakalabi niyang saad habang nagpapadyak sa kama niya. "May pagka-Hopeless romantic pa naman ako tapos... Aiiiisssshhh!!!"


Nagring ulit ang kanyang cp pero instead na sagutin ay ini-off niya lang ito at tinanggal ang baterya saka humilata sa kanyang kama. Nagpapasalamat siya at weekend na ngayon at hindi na niya kailangang gumawa ng mga masterplan at mag ala ninja upang maiwasan lang ang hunghang na Josh na iyon.


Ilang sandali pa ay may narinig siyang mga kalabog sa labas ng kanyang kwarto. Tapos nakarinig na siya ng sunud-sunod na hampas sa pinto ng kwarto niya.


"Aria, naglaslas ka na ba?? Hoy! labas na diyan!!!" Sigaw ng nasa labas.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boys, Love and ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon