Skeptical 🤨
"Oh babae, bakit ka umalis sa locker room? Diba sabi ko sayo do'n ka lang," nang gagalaiti na sabi nito.
"Ang boring sa loob ng locker room, kaya lumabas ako. Tsaka hindi ko kayang maging display dito, pinapasahod ako dito tapos uupo- upo lang ako dun. Isn't it unfair?" pagtatanong ko dito.
"Hindi naman, kasi parang hindi ka sanay sa trabaho namin. Tsaka alam mo ba kanina pa kita tinitignan habang nagtratrabaho ka kaya alam kung nahihirapan ka talaga."
"Nako, kaya pala parang ang weird kanina tumutingin ka pala," pang-aasar niya dito.
"Kadiri ka talaga sis." Halata ang pagkabagot nito.
Kahit sa salita pala Logan talo ka na! Natawa tuloy siya sa kanyang naisip.
"Ano sis, nabaliw ka na diyan? Tara dito tulungan mo na lang ako sa orders since si Cheska na ang nagseserve."
Tanging tango lang isinagot nito. Ilang oras lang ang lumipas, halos mapuno nang kantyawan ang buong counter dahil sa pang- aasar ng mga guest sa kanila ni Logan.
"Bagay kayong dalawa!"
"Wow so sweet!"
"Stay strong mga babies!"
Ilan lang yan sa mga naririnig niya. Kaya tuloy tawang tawa siya sa nagiging reaction ni Logan na katabi niya.
"Grabe ka naman sa akin beks. Ayaw mo talaga sa akin noh? Hayaan mo ayaw ko rin naman sayo kay baby Corl lang ako."
"Ayan na naman siya. Ilang beses ko bang uulitin babae ka na talong! Talong nais ko hindi T.A.H.O.N.G! Iniimbyerna mo na naman ako eh! Do'n ka nga sa tabi! Napagkakamalan tayong mag-jowa eh. Chuuu!" Pagtataboy nito sa akin.
"Kesa magharutan kayo diyan, magtrabaho kayong dalawa!" Rinig kong sigaw ni baby Corl ko mula sa opisina nito. Kaya lahat ng tao ay nakatingin sa kanya dahil sa pagsigaw nito.
Ano na namang ibig sabihin nito? Kami ba ang sinasabihan niya? Kami ba? Ani nito sa kanyang isip.
Pinagtitinginan tuloy ito ng mga tao habang dahan- dahang bumababa mula sa opisina nito. Bawat hakbang nito pababa ay iba't ibang emosyon ang kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung sila ba ni Logan ang sinasabihan nito o ang ibang empleyado nito. Ngunit nagulat na lang siya ng makita sa harapan nila ang boss nilang si Corl na parang galit na galit.
"Mr. Buenavista, please come to my office." Rinig kong sabi sa amin ni baby Corl.
Nagkatinginan muna kami ni Logan na parang nagtataka kung bakit siya nito ipinatawag. Logan gave her a shocked look bago ito tuluyang sumunod sa galit nilang amo. Sometimes his baby Corl is surprising her with his reaction.
"Sorry for interrupting. Sige na po, kumain na po kayo pasensiya na po ulit sa panggugulo," pagpapaumanhin nito sa lahat ng guest.
Pagka-rinig naming nun ay nagkanya- kanya na kaming balik sa aming inaatupag. Mahirap din pala dito sa counter maraming ica-caculate dahil sa dami ng guest pero the best din dahil malaki ang tip though hindi ako sanay na ganito ang kita pero siguro naman may mapaglalaanan naman itong sahod ko.
Lumipas pa ang ilang oras bago tuluyang lumabas ang beking logan. Ano kayang pinag-usapan nila? Bakit parang tumamlay ang mukha niya? May sinabi ba sa kanyang masama si baby Corl?
"Hi beks! Anong sinabi sayo ni baby Corl?" bungad ko sa kanya. Ngunit wala pa ring nagbago sa itsura niya.
"Sis, sorry pero kailangan kitang layuan."
YOU ARE READING
Falling For Callous Man [ON-HOLD]
Художественная прозаIn the bar full of maudlin people, one person captivated my attention. *** Alyssa Xyria Davis, an elegant woman whose occupation is being a rich model and well-known actress. She taught that life is wonderful, marvelous and great even without men...