CHAPTER 4

247 192 87
                                    

The Interview 😎

"So, sinunod mo na talaga ang payo ko? At sigurado ka na ba talaga na magtratrabaho ka talaga sa restaurant ni Corl Nexus Wrights para lang mapansin niya?" tanong ni Glyrise ng ihatid siya nito malapit sa restaurant ng baby Corl niya.

Kung nagtataka kayo kung bakit niya kasama si Gly simple lang kasi nga ayaw niyang sumakay sa taxi.

Taxi na dapat makasanayan niya nang sakyan dahil kung matanggap man siya ay ito na ang pang araw-araw niyang sasakyan.

Kaya naman nagpahatid siya. Hindi niya kasi p'wedeng gamitin ang mga sasakyan niya. Tsaka sayang ang pera nandiyan naman sila Glyrise at Crystal eh.

"Oo naman yes," masayang wika niya dahil naalala niya ang pagtitigan nila kahapon ni Baby Corl niya.

"Galingan mo. Ideya ko yan kaya huwag kang papalpakpalpak. Kun'di pareho tayong malalagot kay Crystal kilala mo naman yun. Napaka bully kaya ayan wala pa ring papabells."

Tumawa siya. "Oo na. Gagalingan ko. Salamat lang talaga at umaayon sa plano ang lahat at wala pa akong project or pagmomodel-an ngayon. Makakapag focus ako sa pagiging waitress ngayon."

"Wait bago ka ba pumasok sa ganyan may alam ka ba kahit ka-unti sa pagwi-waitress?" Pang uusisa niya sa akin.

Natawa na lang siya at umiling-iling. "Gaano ba yun kahirap? I will just serve some foods and be nice to the costumers. Wala namang mukhang mahirap dun."

Tumigil ang sasakyan ni Glyrise sa hindi kalayuan sa restaurant ni Corl Wright. Inayos niyang maigi ang kanyang damit at buhok at muling lumingon kay Gly.

"Okay lang ba ang suot ko at ang itsura ko?" Tanong niya kay Gly na nakatitig din sa kanya.

Kukuhanin niya dapat ang pulbo sa bag at akmang gagamitin ito ng bigla siyang pigilan ni Gly.

"Huwag ka ng mag-pulbo. Dapat mukha kang haggard or hindi kayang mag achieve ng mga mamahaling make-up." Ani nito sa kanya.

Ibinalik niya tuloy ang pulbo sa bag niya na dala. "Okay sige."

Habang may hinahanap siya sa loob ng bag niya. May biglang inagaw si Glyrise sa loob ng mumurahing bag na dala niya.

"And don't you ever bring this. Dapat mag-mukha kang pulubi."

"But hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang aking pera? Kung kukunin mo yan! " Pagrereklamo niya...

"Sige dalhin mo yan at hayaan kang mabuko ng iba. Xy, your wallet cost $847 dollars for pete's sake."

"Fine. Hindi ko na dadalhin pero saan ko ilalagay ang pera ko?"

"Ilagay mo na lang diyan sa bag mo."

"Fine."

Kinalma niya ang ang sarili at lumabas ng kotse ni Gly. Habang naglalakad siya patungo sa restaurant, palakas ng palakas ang tibok ng puso niya Grabe ang kabang kanyang nararamdaman. Hindi siya mapakali na parang ewan.

Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob, agad niyang nakita si Mr. Janitor na hindi naman mukhang janitor.

"Bakit hindi mo sinunod ang sinabi ni Sir Corl? Na huwag kang magsusuot ng palda?" Bungad na tanong agad sa kanya ni Mr. Janitor ng makita siyang pumasok.

Tinignan niya ang sarili niya. Nakasuot lang siya ng isang simpleng kulay puti na blouse na pumapares sa suot nilang palda na hanggang tuhod dahil hindi siya sanay sa maiiksi o mahahabang palda.

"Anong mali sa suot ko? Ang importante, nandito ako at hindi naman siya maiksi ah!" pagtatanggol nito sa sarili.

Tinignan siya nito ng masama. "Bahala ka." Itinuro nito ang maliit na pasilyo na nasa kaliwa. "Tahakin mo ang pasilyong 'yan. Ang pinakahuling pintuan na kulay na Black ay ang opisina ni Sir Corl. He's expecting you to be ready."

Wala sa sariling napatango siya at sinunod ang sinabi ni Mr. Janitor.

Mas na doble tuloy ang kaba na nararamdaman niya ng mapansin na nasa harap na siya ng pintuan ng opisina ng baby Corl niya na sinasabi ni Mr. Janitor.

Maniniwala ba siya? Pero anong magagawa niya nandito na siya wala ng atrasan toh.

Huminga na lang siya ng malalim dahil nakikisabay pa ang utak niya sa problema niya. Kumatok siya sa pintuan ng apat na beses at binuksan ang pinto at pumasok.

Ipinaibot niya ang tingin sa kabuohan ng opisina ni Baby Corl niya. Napakagarang opisina ang tumambad sa kanya at halatang lalaki ang laging nandito dahil naamoy niya ang panglalaking pabango. Agad na pumukaw ng kanyang pansin ang mesa na maraming papel na nakakalat, isang mini bar sa gilid ng silid, isang malaking couch na kasya ang limang pamilya, isang maliit na refrigerator at isang pintuan na hindi niya alam kung ano ang nasa loob.

Then her eyes settle on a man sitting on the couch while watching her.

Wait? Watching her?

Yes his beautiful eyes were on her!

His eyes darted on her!

Ang Amber eyes nitong mga mata na nakapagpapahina ng kanyang tuhod ay nakatingin sa kanya. Pa simple siyang humawak sa pader para kumuha ng suporta na huwag matumba. Baka kapag biglang ngitian siya ng binata ay bigla na lang siyang mahulog sa sahig.

Hindi niya kayang makipag titigan dito ng matagal kaya naman agad siyang tumingin sa ibang bahagi ng opisina.

"Hi." Bati niya sa binata para hindi maging awkward.

"So. . .?" Bigla siya umunat na parang tamad na tamad tumayo sa couch na kinakaupuan. "Akala ko ba, hindi ka naghahanap ng trabaho?"

Shit! Naalala pa niya yun? Ano ng gagawin nya?

She started wriggle. "Ahm. . .ano kasi. . . . H-hindi. . .ko. . .nama---"

"It's okay. You don't need to answer me. Lahat naman yata nagiging despirado at nangangailangan ng trabaho," ani nito na nagpagaan ng kalooban niya.

Nakahinga tuloy siya ng maluwag sa binanggit ng lalaki. Mabuti na lang. . .

Revised ✨

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hanggang dito po munaaaaaa.......

Stay tune poooo


Falling For Callous Man [ON-HOLD]Where stories live. Discover now