Hahaha. Lol with the previous chap. I accidentally posted that thing. So yeah, here's the continuation :D enjoy
---*---*---*---*---*---
Nang magising si nanay, agad na din kaming umuwi. Inalis ko muna sa isip ko yung babae kanina.
Habang nag lalakad kami, nadaanan namin yung isang tumpok ng lalaki. Mga kaibigan ni papa. Lahat sila kilala kame, kaya sigurado kaming hindi kami mapapahamak pag dumaan kami.
Papalagpas na kami, nang mapansin ko ang isang hindi pamilyar na mukha. Nakatitig kasi siya sakin. Maya maya lang narinig ko ang kantyawan nila Mang Olan, at Mang Victor.
"Pare, titig na titig ah?"
"Pare, baka sa kulungan punta mo niyan pag pinatulan mo yang si Lara? Hahaha"
"Mga ugok!" Pang bawi ng lalaki, sa mga kainuman.
----
Katatapos lang namin kumain. Nag dadalawang isip ako kung pano ko sasabihin kila nanay.
"Ate? May problema ka ba?" Napabalik ako sa realidad ng tawahin ako ni Abby.
"H-ha? Wala ah! Ikaw talaga. Kumain ka na lang." Nakatingin lang samin si Nanay, pinagmamasdan niya lang kami.
"Nak, kami na lang pamilya mo, samin ka pa ba mag lilihim?" Malalim ang boses ni Nanay kaya di ko alam kung ano gagawin ko. Kung sasabihin ko ba o ano.
"Ma, kasi ano, ganito yun. M-may nahanap na a-akong t-trabaho." Pero napagpasyahan ko na ding sabihin, pero hindi lahat.
Bigla namang nagliwanag ang mukha nilang dalawa ni Abby,
"Talaga ate? Matutuloy na ba yung operasyon ni Nanay?"
"Oo, pag ipunan ko lang ng konti, matutuloy yun :)"
"Anak, pasensya ka na, dahil sakin, kinailangan mo pang mag trabaho." Bigla namang lumungkot si Nanay.
"Nay, ikaw na nag sabi diba? Kayo na lang pamilya ko. Papabayaan ko pa ba?" Nginitian ko na lang si nanay. Hindi ko alam kung tama pero bahala na, kapit sa patalim kung baga.
Hindi ko alam kung tama, pero kahit mali, para sa kanila gagawin ko.
BINABASA MO ANG
The Forbidden Love Story
RandomI didn't expect that he'll find me in my hopeless state, and we never thought of falling in love in such a hopeless place.