Chapter 2: Krizzia Limeheart

28 0 0
                                    

Krizzia's POV

"ART! BAKIT HINDI MO AKO PINAGBUKSAN KANINA?!" galit akong nagtanong sa kanya habang nakasubsob na naman ang kanyang mukha sa desk.

"Uhn~ sorry..." dahan dahan niyang iniangat ang kanyang mukha sa kanyang desk at saka siya tumingin sa akin habang naghihikab at nagtatanggal ng muta.

"Sorry lang?! Antagal mong nawala tapos sorry lang masasabi mo?!" Pagalit kong sermon sa kanya pero parang hindi naman siya sa akin nakikinig.

As usual ganito naman talaga si Art eh... napakaunfair sa akin... hindi siya nakikinig sa kahit na anong sabihin ko... mawawala ng parang bula tapos susulpot na parang kabute -_- ga'h! Kakainis ka talaga Art!

"Haha sorry na Krizzia..." sabay nginitian niya ako at sapat na iyon para mawala ang inis ko sa kanya.

Hays... napakaunfair mo talaga Art... bakit ba kasi lagi mo akong iniiwan? Dahil ba sa pinili ko si James? Dahil ba alam mong may magaalaga sa akin kahit na wala ka? (T_T)

"Oh? Bakit ka umiiyak?" Nakangiti niyang tanong sa akin, hindi ko sinagot ang kanyang tanong at nanatili lang akong nakatitig sa kanya habang umiiyak.

I hate you Art... kahit si James hindi niya ako pinapaiyak ng ganito... bakit ka ba ganyan? Alam mo ba kung gaano ka kahalaga sa akin?

"Krizzia, sorry na okay? Ito may pasalubong ako sayo-" tumayo si Art at binunot ang maliit na box mula sa kanyang bulsa.

Hindi na ako nagsalita at agad kong sa kinuha sa kanyang kamay ang maliit na box, wala rin akong pake kung nakatingin na sa amin ang mga estudyante o kung ano man ang iniisip nila sa amin ni Art... Sanay na ako sa mga tsismis nila about sa amin...

"Haha! Alam kong babagay sayo yan kaya binili ko" at ngumiti na naman siya, his words and smile almost gave me a heart attack.

Tumalikod na ako at hindi na nagsalita, alam kong sobrang namumula ang mukha ko sa sinabi ni Art. Gusto ko pa din kasi siya at kailangan ko siya sa buhay ko...

I need him... without Arthrun... hindi ko alam ang gagawin ko... hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ng rason para ipagpatuloy itong normal kong buhay... I am Lucifer and I took countless lives... kaya alam ko na hindi ako nararapat para kay Art... ito rin ang dahilan kung bakit ko pinili si James...

---

-Flash Back-

10 years ago

"good morning!" bati sa akin ng batang lalaking seatmate ko, tinitigan ko lang siya habang nagkakalkal siya sa kanyang bag at kinukuha ang isang libro.

Siya yung anak ng bago naming kapit bahay na dating kaklase din ni mama. Isang linggo na ang nakakaraan noong lumipat sila ng bahay at naging kaklase ko at sa isang linggo ring iyon ni minsan hindi ko sinagot ang kanyang bati sa akin.

"hmmm? Bakit? may dumi ba sa mukha ko?" sabay ngumiti siya na inosente.

Hindi ko pa rin siya sinagot at tumingin na lang ulit ako sa labas ng bintana, maya maya ay nagbasa na siya ng libro hanggang sa makatulog siya... sa buong maghapon hanggang uwian...

Siya si Arthrun Blight, isang bata na mahilig matulog sa school na para bang palaging puyat... siguro sa kakalaro ng family computer na sikat sa mga kabataan ngayon... Hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan lang siya ng mga teacher namin pero naiirita ako sa pagiging goofy niya... Mahilig siyang mag daydream at ngumiting mag isa kaya tingin sa kanya ng ibang bata ay isang special child...

Pero... mas bumabagabag sa akin yung inosente niyang ngiti... Kahit na madalas ko itong nakikita sa ibang mga bata... hindi ko alam kung bakit yung ngiti niya yung tumatatak sa isip ko...

At Reaper's EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon