Meeting Him

871 34 0
                                    

Hi. Ako nga pala si Rachelle Nojadera. Chinita. Honor Student. Grade 7. Mahiyain? Next time nalang ang pagpapakilala ng mahaba haba.

"Naniniwala ka ba sa forever? " tanong naman sakin ni Yna. My bestfriend. Eto yung pinakamasungit samin. Sya kasi yung minsan lang magpapatawa. Mababaw lang yung kaligayahan nya pero madali tong magtampo. Seryoso lagi. Laging may advice tungkol sa love, relationship, friendship, airship. Basta lahat ng may ship. Haha.

"Walang Forever! " pangongontra naman nila Aira at Melissa. Pinakamadaldal to samin. Hays. Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko to eh. Silang dalawa ang pinaka may sayad ang utak sa amin.

"Pano mo naman nasabing walang forever aber? " pagtataray ni RoAnn. Believer din kasi to sa forever eh. Eto namang babaeng to laging nagpapatawa. In short joker samin. Seryoso din naman to. Minsan nga lang.

Bumalik na ko sa katinuan ng maalala ko yung tinatanong sakin ni Yna. Maniniwala ba ko sa forever? Meron ba talaga nun?

Natigil ako sa katinuan nang tumunog ang bell. Yes! Break time na.

Naglalakad kami papuntang canteen ng biglang ...

"Magsitabi kayo!"

Napaupo naman ako dahil dinunggo ako ng isang nilalang na nakakunot ang noo.

"Miss sorry. Nagmamadali talaga ako. Bye. Sorry ulit." Sabi sakin nung bumangga na lalaki. Infairness. Ang cute sya. Leshe. Ang sakit kaya napaupo kaya ako tapos sorry lang? Dapat may kiss.

Huh? Anong sabi ko? Mali ata. Erase. Erase. Erase.

"Ui! Friend! Ang pogi ano? Hindi mo ba kilala yun? " sabi ni Melissa.

"Hindi eh. Sino ba yun? Classmate ba natin yun? " tanong ko sa kanya.

"Duhh. Si Fredo Reyes hindi mo kilala? Hahaha. Para kang batang inosente ah. Famous kaya yan. And yup classmate natin yun nga lang hindi mo makikita sa room kasi palaging nagcucutting." Sabi sakin ni Melissa.

"May pogi bang mahaba yung baba?" Pasarkastikong tanong ni Yna. Aaminin ko mahaba talaga yung baba nya. Pero bagay naman sa kanya eh. Ugh. Crush ko na ata sya.

Nagtatawanan nalang kami at namili ng pagkain sa canteen.

--JanRodrine

7 Days To Break My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon