Ayun magka-ibigan este magkaibigan na kami ni Fredo. Kaibigan nalang ba talaga? Hindi na ba kayang i-level up yun? friendzoned ako ah.
"Alam mo Rachelle malulunod na kami sa sobrang lalim ng iniisip mo. kanina ka pa tahimik dyan. Dont tell me gusto mong magmala-Yna Hahaha. " pagbibiro sakin ni Melissa.
Hindi ko kasi sila pinapansin kanina pa eh. Ewan. Wala ako sa mood makipagdaldalan sa kanila.
"Ms. Nojadera! " pagtatawag sakin ng prof namin.
Tumayo ako bilang paggalang sa kanya.
"Sir. Bakit po? " tanong ko kay sir habang nakayuko. Nakakahiya na eh. Yung mukha kasi ni sir mukhang naiinis na. Nakakahiya na to. Leshe. Nakatingin sakin ngayon si Fredo."Ang ingay-ingay mo dyan. Masyado kang madaldal dyan sa pwesto na yan kaya kailangan kang malipat. Baka mahawa pa ang mga katabi mo dyan. At oyy Ms. Nojadera baka pag nagpaquiz ako, zero ang makuha mo. Hala! dun ka sa tabi ni Mr. Reyes. " sabi sakin ni Sir.
What the? Totoo ba to? Hindi 'to pwede. Talagang mazezero ako pag nakatabi ko si Fredo. Panigurado akong lulutang lang ang utak ko. Hindi talaga pupwede.
"Dun ka sa tabi ni Mr. Lance Reyes. " sabi ulit ni Sir.
Putcha. Expectations eh. Assuming ka talaga Rachelle. Bakit ba umaasa kang makakatabi mo si Fredo. Nakakainis ka Rachelle.
Tumayo na ko at pumunta sa tabi ni Lance. Tinignan ko muna sila Aira. Ayun ang mga baliw nakangiti ng nakakaasar. Hays. Awkward.
Natapos na yung discussion. Break time!
"Hala. Dun ka sa tabi ni Mr. Reyes."
"Hala. Dun ka sa tabi ni Mr. Reyes. "
"Hala. Dun ka sa tabi ni Mr. Reyes."Ugh! Nababaliw na ko!
"Friend! Alam ko yang nararamdaman mo. Hahaha! " sabi sakin ni RoAnn.
"Rachelle, Hindi ka magkakaganyan kung hindi ka umasa. Kaya alam mo na. Wag ka nang aasa, masasaktan ka lang. " sabi ni Yna habang nakangiti ng nakakaloko. Kaiba din tong babaeng to eh. Ang lakas makahugot ng mga sinasabi.
"Sige! Unahin mo muna yang pagdodota mo. Tutal past time mo lang ako. " narinig namin si Aira na may kausap sa cellphone. Panigurado yung boyfriend nya yun. Hay. Buhay. Kailangan ba laging babae ang nagaasume at nasasaktan?
Hey guys! Gusto ko lang sabihin na magkakaroon ng story si Aira. :) Pagtapos na po tong story na to. Hahaha! Di pa to tapos may nakaschedule ka kagad. :D
--JanRodrine
BINABASA MO ANG
7 Days To Break My Heart
Ficção AdolescenteNakaranas ka na ba ng isang linggong pagibig? Masyadong masakit yung ganun no? Malalaman mo nalang sa huli na hindi nagwowork yung pagmamahalan nyo kaya in the end .... Maghihiwalay nalang kayo. --JanRodrine