Kabanata 1
Mysteries
Nakaupo ako sa harap ng aking tukador at pinagmamasdan ang aking sarili. Matang punong puno ng emosyon at mga labing matamis na nakangiti.
"Margaux! Anak, bumaba ka na riyan at kakain na tayo!", tawag sakin ni mama mula sa kusina.
" Yes,mom!"
Muli kong pinagmasdan ang aking sarili sa salamin bago ako tumayo at lumabas ng kwarto. Habang pababa ng hagdan ay pinagmamasdan ko ang mga painting na nakasabit sa pader. Mga obra na araw araw kong tinitignan ng walang mintis. Ang kwento sa akin ni mama noon, mga gawa pa raw ito ng lolo at lola ko na matagal ng yumao. Mga larawan ito ng mga lugar na hindi pamilyar sa akin.
Napahinto ako sa huling larawan na nakasabit at pinakatitigan ito. Ang obrang nasa harap ay ngayon ko lang nakita. Sa araw araw na pagtingin-tingin sa mga painting pababa ng hagdanan ay kabisado ko na lahat ang mga ito pero ang isang ito ay bago at kakaiba. Para itong buhay na larawan at kumikinang na para bang natatamaan ng sinag ng araw. Unti-unti kong itinaas ang aking kamay para sana hawakan ito ng biglang may humawak sa mga ito. Gulat akong napalingon kay mama na may seryosong mga mata.
"Kanina pa kita tinatawag anak. Halina't mag-umagahan na tayo", saka niya ako marahang iginiya sa lamesa.
Muli ko pang binalingan ng tingin ang painting na iyon saka ako dumiretso ng lakad.
" May lakad ka?", pang-uusisa ni mama habang hinahagod ng tingin ang suot ko.
I'm wearing a yellow floral dress paired with a white stilettoes kaya di na ako nagtaka ng magtanong ito.
"Mall. Just gonna kill some time mom and also to buy some new clothes for my upcoming birthday", I said.
Natigilan si mama sa pagkain at bahagyang tinitigan ako.
I raised my brow. " Is there any problem?".
"N-nothing anak. Careful, ok?" Sandali ko pa siyang tinignan at tinapos na ang pagkain.
"Mom, I'll go now. Don't worry about me." and then I made my way to our garage.
Our family is one of the richest tycoons here in La Corta.We owns a chains of restaurant which is in international level. Villareal Chains of Restaurants is always been on top for the past years since it became known in the business world. My lolo and lola are the founders of Villareal empire and my parents are the one who continue it that's why it boomed amazingly. And now that my legality is coming, they already preparing me little by little to manage our business, which is not a problem with me. I am being home-schooled from grade school up to middle school but that doesn't mean no one know me. Margaux Red Villareal is a cruel bitch,that's what they call me. I'm always in a family gatherings and parties that's why I'm a bit famous. I do have a big circle of friends whose a bit older than me that's why I think the reason why I'm a bit matured from my age.
Upon entering the car, I immediately maneuver it to the nearest mall. Muli ko na namang naalala yung bagong painting na yun. Something's odd about that painting and also mom's reaction. She's so serious at medyo mahigpit ang paghablot niya sa kamay ko kanina.
Nabigla ako ng may biglang bumunggo sa likod ng sasakyan ko. Shit!! My Porche!!
Gigil kong binuksan ang pinto ng sasakyan ko at namumulang bumaba.
"Bumaba ka dyan!", sigaw ko sabay hampas sa bintana ng kung sino mang bumangga sa sasakyan ko.
Muli kong nilingon ang likuran ng sasakyan ko. Shit... ang laki ng yupi.
"Ano ba!!", sabay sipa sa gulong niya.
"Calm down Miss, okay? I'm gonna pay for the repair of your car. Damn! I'm late!", dire-diretsong sabi niya sabay abot ng calling card niya.
" Just like that?", di makapaniwalang sabi ko. I can't believe him! He just bump his car to mine and all he could do is give me this goddamn card?
"Hey-!"
Di pa man ako nakakabawi ay nilayasan nako ng hinayupak. Natawa na lang ako ng wala sa oras sa sobrang inis.
"Ahhhhh!! Sh*t ka!!!", sabay sakay sa sasakyan at pinaharurot ito.
What a great way to ruin my day, huh. Napangisi na lang ako habang sinusulyapan ang card na binigay niya.
YOU ARE READING
Endless Love
FantasiaThis is a stand-alone story. Hope you guys give it a try❤ Spread LOVE not HATE