ONE: "So Am I"

5.7K 117 11
                                    

   

   

"Bridal shower pa ba talaga ang pupuntahan natin o barkada bonding lang?" kanina ko pang pangungulit kay ate Kim at Mela. Nasa back seat ako, si Mela ang nagdra-drive at pa chill chill lang na nakikipagusap sa amin si ate Kim.

"Bridal shower ni Carol syempre." natatawang sagot ni ate Kim sakin saka ako inabutan ng isang tupperware ng roasted peanuts.

Papunta kami ngayon sa beach house nina Carol sa Zambales, anlayo nga eh. Kinailangan pa naming mag leave sa trabaho dahil Limang araw kaming mag-iistay dun. For Carol's 'bridal shower' daw na kaming magbarkada lang naman ang magcecelebrate at para na rin sa mismong kasal nila 3 days after today. Konting sakripisyo lang din para sa kaibigan namin. 6 years na mula nung mag graduate kami sa La Salle, at sa aming bullies, si Carol pa lang ang nakapag decide na magsettle down na.

"Hay nako, kung iisipin nga parang welcome party na rin ito ni FO!" napatingin ako sa gawi ni Mela. Ano daw?

"Anong welcome party ang pinagsasabi mo, Mela?" singit ko sa kanila.

"Oh? Di ka na inform?" gulat na tanong ni ate Kim. "Dadating si Vic, Ye."

Hindi ako nasagot. May kung anong kirot na lang akong naramdaman sa dibdib ko.

6 years...

Napakahabang panahon na pala ang lumipas simula nung huling beses ko siyang nakausap, huling beses na nahawakan, huling beses na nayakap, huling beses na nahalikan.

Graduation day pa namin nun.

She was my bestfriend back in college. Or maybe she still is, I'm not sure. In fact, I'm not sure about anything that had something to do with her anymore.

No, never naging kami. 'KaRa' existed, yes... But that so-called ship never existed to be real couples. I wish it did, though. I mean, we were there... almost. But 'we' never happened. Ako lang tong patay na patay sa kanya, I think. Of course I felt special when I'm with her. I'm her bestfriend.

But that was it. 

Yung mga common scenarios ba na, may bestfriend ka, na fall ka dahil sobrang sweet niya sayo, inaalagan ka, may makakausap ka, may mahihingan ng advice, may masasandalan, pero yun lang. In love siya sa iba, may girlfriend siya. Hinding hindi magiging kayo kasi hindi pwede. Hinding hindi siya maiinlove sayo dahil nakalaan para sa iba ang puso niya. Mas pinapahalagahan daw ang friendship. Mga tipong ganun.

And that was the story. My story. Sobrang common. But that's what happened to us.

To me.

"Ye, wala talagang nagsabi sayo? I mean, di ka pa ni-contact ni FO?" panguusisa ni Mela.

"Nope. Never naman nagparamdam sakin yun eh." mahina kong sagot. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Hindi pa rin ako makapaniwala na uuwi siya, na nandito na siya, na makikita ko pa pala siya.

"Never naman nagparamdam yun sa lahat eh." sabat ni ate Kim. "Pero last week nagcontact kila Cienne eh. Nagpaalam na uuwi daw para--"

"Para kay Carol." pagtapos ko ng sasabihin ni ate Kim. "I know, para kay Carol."

   

    

-------

    

    

"Dumating na din kayo, kanina pa kami dito!" niyakap kami isa-isa ni Carol. "Thank you sa pagpunta, alam ko namang busy na kayo masyado at di na ma reach!"

KaRa One Shots: A Promise to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon