Tip #6

14 4 0
                                    


STORY FLOW

Sa pagsusulat ng isang istorya, dapat ay sundan ang tinatawag na story flow. Ito ang mga elemento ng plot.

1. Exposition
2. Rising Action
3. Climax
4. Falling Action
5. Resolution

Exposition - ito ang parte ng istorya kung saan ipinapakilala ang pangunahing karakter at ang iba na ring karakter pa sa akda. Nangyayari ito sa umpisa ng kwento.

Rising Action - sa parteng ito, dito na nangyayari ang mga kapana-panabik na pangyayari sa akda na maaaring makapagpabago sa kwento

Climax - ito ang kasukdulan ng kwento. Dito nagaganap ang mga kagimbal-gimbal na pangyayari sa akda.

Falling Action - sa bahaging ito ng kwento, humupa na ang emosyon. Medyo nabibigyan na ng solusyon ang pangyayari at ito ang daan patungo sa wakas.

Resolution - tinatawag din na denouement o ang wakas ng akda. Nareresolba na ang problema at dito malalaman kung masaya ba o malungkot ang kahihinatnan.

###

A Shimmering You: A Guide for Teen Fiction WritersWhere stories live. Discover now