Cross
Tumunog ang alarm clock ko. Pikit-matang inabot ko iyon sa aking uluhan upang patigilin sa paggawa ng ingay. I yawned as I stretched my whole body lazily. I glanced at my side and smiled at the sleeping form of my daughter. I snuggled close to her and breathe her heavenly scent. I kissed her on the cheek lightly, trying my best not to wake her up.
She's sleeping soundly and it made me giggle. She's too cute! Warmth flowed into the depths of my heart as I watched her chest rise and fall from deep slumber.
Waking up in the morning is my favorite part of the day. I love spending a few minutes just gazing at her lovely face. Tuwing umuuwi kasi ako sa gabi ay tulog na ito. And my body is dead tired from all-day work kaya pagkatapos ng nightly routine ko, I would usually just kiss her goodnight and whisper I love you at tulog na agad ako pagkalapat ng likod ko sa kama.
I heaved a deep sigh. Faye is my sole reason why I'm still breathing. My world was full of darkness and she was my only light. She brightened up my day. Kung wala ito, wala sigurong direksiyon ang buhay ko. Kaya sa kabila ng lahat ng masasakit na alaala ng nakaraan, ang araw na iniwan siya ni ate Becky sa akin ang pinaka-espesyal. When the first time she smiled at me, I knew she would be my hope. She would be my reason to overcome all the pain I had gone through. Ikakabaliw ko kung mawawala si Faye sa akin.
My girl will be five years old soon. I wish time would stop this time, so she won't grow up too soon.
Kinintalan ko ng magaan na halik ang kanyang noo bago ako bumangon. I pulled my hair up at gamit ang clamp, inipit ko iyon.
I tilted my head from left to right. Apat na oras lang ang naitulog ko. Well, lagi namang ganun. Ang pagiging server sa gabi ay isang trabaho na hindi ko kayang bitawan. Noong bagong salta pa lang ako dito sa Davao, nag-apply ako bilang waitress sa restautant ni Sir James. Malaki ang naitulong sa akin ang pagtatrabaho doon para makaraos sa pang araw-araw na gastos naming mag-anak.
At ngayong nagtatrabaho ako bilang events manager assistant sa isang di-kalakihang agency, pinili ko ang mag-partime sa ClubMix bar na pag-aari din ni Sir James. Mas convenient kasi sa time ko lalo na't madalas ay napapa-overtime ako sa opisina. Ang kagandahan kasi sa pagiging server sa ClubMix bar, pwede akong pumasok ng alas nueve ng gabi kung gugustuhin ko. My worktime usually ends at one o'clock in the morning. Malapit lang din ang bar sa tinitirhan naming apartment kaya by two o'clock masarap na ang tulog ko.
Nakapag-adjust na rin ako sa daily routine ko. Mula pa naman noon ay sanay na ako sa hectic schedule kaya hindi na ako nahirapan noong unang mga buwan ko dito sa Davao. Nakaya ko nga noon na maging carer ni.... I sighed and shook my head, shaking off the thoughts and memories of that person from the past.
"Good morning, la." Bati ko kay lola. Sa aming lahat ay siya ang pinakaunang nagigising.
Lola glanced at the wall clock. "Maligo ka na at baka ma-late ka na naman. Igagayak ko na ang mesa para makakain ka na agad."
Ngumiti ako at umikot sa kanyang likuran. I hugged her at tinukod ang baba sa kanyang balikat. "Salamat la sa pag-aalaga sa aming lahat."
"Lumubay ka, Beverly. Kumilos ka na. Naplantsa ko na ang uniporme mo at nakasabit sa loob iyong cabinet."
"Ito na nga la, kikilos na. Tulog pa si Nadine?"
"Gumagayak na yun. Maaga daw siyang papasok sa school."
Tumango ako. Speaking of her, lumabas ito mula sa kwarto nila ni lola. May nakabalot na tuwalya sa kanyang ulo pero naka-school uniform na ito.
"Magandang umaga, ate."
BINABASA MO ANG
Fortress Island Series 1 Alejandro: Love Just Ain't Enough (BOOK TWO)
RomanceFortress Island Series 1: BOOK 2