I am a seer. But I am blind.
I can't see, even the dimmest light there is. Everything's blank. But I see colors.
"Ellionai, you won't believe how you look right now. You are truly a goddess."
"Really?" I can see colors of her sincerity. "I am a seer, Adira."
"Whatever. But seriously, you are amazingly beautiful." Rinig ko ang kalansing ng kanyang mga pulseras nang ayusin nitong muli ang aking suot.
"Even with these plain white eyes, Adira? Your twin told me its scary."
My eyes are plain white, no other colors. I see nothing but darkness and colors of every emotions. Abir, her twin brother told me it's scary knowing I am a seer but I can't see anything.
"Of course not. Your eyes are beautiful, Ellionai." Natawa na lang ako nang banggitin na naman ni Adira ang salitang beautiful.
"You told me that so many times now, sorceress. "
If I am a seer, Adira and her brother are sorcerers. They do spells and magic.
"Lets go na, Ell. My brother's already waiting outside." She held my hand, and we headed outside. "Be careful."
"Brother, what do you think?" Bungad ni Adira sa kapatid. Binitawan nito ang aking kamay, batid kong tumabi ito sa kapatid.
"Woah, Ellionai, you are very white." I heard a very exaggerated woah from him.
"Is that a compliment, Abir?" I asked him, not knowing if I should smile and thank him or get insulted by the white he says.
"No, I mean you look good. Amazing." I smiled. "Shall we go, ladies? The party's starting already."
Nasa labas pa lamang kami ng bulwagan pero rinig na sa aming kinaroroonan ang masiglang tugtugin. Nagsisimula na ang kasiyahan.
"Nais mo bang magsayaw, Ellion? Maaari kang isayaw ni Abir." Bulong sa akin ng aking kaibigan.
"Hindi na kailangan, Adira. Batid kong maraming dilag ang nais na maisayaw ang iyong kapatid." Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Alam kong sasalungatin niya ang aking sinabi kaya muli akong nagsalita.
"Nakatitiyak akong nasa loob rin ang Binibining Desma. Maaari niyo na akong iwan roon."
"Kung may kailangan ka, alam mo ang iyong gagawin."
"Tunay na ikaw ay nakabibighani, Ellionai." Muling saad ng manghuhulang kaharap ko.
We are sitting right now in one of the tables, settled in the corners. Kahit papaano ay nagkakarinigan pa rin kami, sa kabila ng malakas na tugtugin at hiyaw ng mga nilalang na naririto sa bulwagan.
"Tama na, Binibining Desma. Baka masuya na ako sa mga bulaklak ng iyong salita." Tumatawang saad ko.
"Maaari bang tigilan mo ang pagtawag sa akin ng binibini? Hindi naman ganoon kataas ang katungkulan ko rito sa ating bayan." Naging mabigat ang hangin sa pagitan namin nang matapos siya sa sinasabi. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.
"Ngunit ikaw ay isa nang apprentice, Desma. Hindi ba dapat ay magdiwang tayo? Mas maraming oportunidad ang maaaring kumatok sa iyong pintuan. Lalo pa't isa sa mga punong tagapamahala ang iyong guro."
Bumuntong hininga ito. Naaamoy ko ang alak sa kanyang hininga kaya paniguradong marami na siyang nainom.
"Ellionai, what do you think am I feeling right now?" Hinintay ko ang sunod na sasabihin nito.
"Can you tell if I'm okay?" No, I can tell that she's lying.
"You are not okay, Desma. I know, because I am your friend." Wala akong narinig na tugon rito kaya naisip kong tulog na siya.
Kinapa ko ang bulsa ng aking puting bestida, at inilabas roon ang isang bilog na lalagyang naglalaman ng tubig na may halong mahika. Inalog ko ang hawak bago itinapat sa aking mukha.
"Ellionai! May problema ba? Nasaan ang kaibigan mong manghuhula?" Bungad niya sa akin. Hindi ko mawari ngunit tila wala akong naririnig na tugtugin sa kung saan man siya ngayon.
"Maaari na ba tayong lumisan, Adira?"
"Antayin mo na lamang kami riyan, Ellion. Hahanapin ko lamang ang aking kapatid." Batid kong wala na ang aking kausap kaya muli kong isinilid sa bulsa ang hawak.
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang magkapatid. Tanging si Adira na lamang ang kasama ko ngayon dahil si Desma ay inihatid na namin sa kanyang silid.
"Adira, where were you a while ago?" I asked her, still walking.
"What do you mean?"
"When I called you, there were no noise."
"That's because I put magic on the ball I gave you. It can cancel unnecessary noise so we can hear each other clearly. You know how I love hearing your voice, Ellionai." Tumawa ito pagkatapos magsalita.
"Stop complimenting me then. Konti na lang ay iisipin kong niloloko niyo lamang ako." I joked.
"Come on. We both know I'm saying the truth." Hindi na ako sumagot nang marinig na nabuksan na nito ang aming silid.
The night ended, with both of us lying in each of our beds. I shrugged every thoughts of mine and slept peacefully.