Poem #4

9 1 0
                                    


//ⓔⓡⓡⓞⓡⓢ ⓐⓗⓔⓐⓓ//

Akala ko tapos na
Mga gulo na naganap

Hindi paba sapat?
Mga paninisi at paninira
Kapwa ko, Kaibigan ko
Asan na kayo?

Mga taong nagsasabing
'Ika'y aking dadamayan
Hanggang dulo ako'y nariyan'

akala ko'y totoo
Mga pangako
Na napako

Pag-aalala'y na dapat wala
Kaibigan ko'y naghanap ng iba
Kapwa ko na nagbubulag-bulagan

Anong nangyayari na sa inyo?
Hindi paba sapat?
Lahat ng ebidensiya'y binabalewala

Buksan niyo mga mata niyo
Hindi paba kayo naniniwala?

Andami dami nang nangyayari
Ngunit patuloy na nag nagmamaang maangan.

Hindi paba sapat?
Mundo'y nasisira
Mga taong naghahatakan pababa.
Wala ba kayong mga konsensya?

Patuloy na binabalewala ang katotohanan
Pilit na nagbubulagbulagan
Mga tenga'y nakatakip
Mga bibig ay nakatikom

Paano na ang sinasabi
niyong pag-unlad ng ating mundo?

___________________________
🌻helianthus

¿POEMS¿Where stories live. Discover now