Dati'y nagustuhan na kita
Ngunit may iba ka na
Sa panahong iyon unti unting nawawala
Ang aking nararamdamang paghangaNgayo'y muling nagbalik
Sa dating pwestong nagsimula
Ngayo'y wala na ang iyong iba
Ako'y umaasang may pag asaSa bawat araw na ika'y kakulitan
Pintig ng puso ko'y di mapigilan
At sa tuwing nagkakatitigan
Agad agad nag iiwasanNgayo'y inamin mo na
Na ika'y humahanga sa iba
Sa babaeng hindi kailanman mapapantayan
Sa kanyang taglay na kagandahanNgunit ako pa rin ay naguguluhan
Dahil sa aking nararamdaman
Pagkat ikaw ay laging nariyan
Upang ako'y damayan.________________________________
🌻helianthus