Kabanata 9

27 10 0
                                    


Johanna's POV

      Nandito ako sa kuwarto ni sir Levi, Pinahatid pa niya ako sa isa sa mga kapatid niya. Puwera kay sir Shawn. Naghatid pa ng maraming pagkain si Manang Lucil sakin, hindi siya nagsalita at umalis lang siya.

       Napaupo naman ako sa malambot na higaan ni sir Levi. Naalala ko na lang ulit yung nangyari dito sa higaan, muntik na ako nun.

       Kumalam naman ang tiyan ko. Gutom na ako. Tnignan ko naman ang basket ng pagkain. May mga nakakatakam na putahe, may dessert pa at...alak?

      Walang tubig?

     Lalabas sana ako para kumuha ng tubig pero hindi ko mabuksan. Nakalock. Bakit?

    Kinain ko na lang ang mga pagkain. Hindi ko naman mauubos ito. Hindi ko iinumin ang alak, baka malasing pa ako.

     Maya-maya, hindi ko kinaya ang uhaw kaya ininom ko ang nag-iisang inumin sa basket. Ang alak.

     Ang init sa lalamunan. At ang sarap. Sa sobrang sarap hindi ko namamalayan kaunti na lang ang laman. Umiikot na rin ang paningin ko. ang init ng paligid.

     Humiga ako sa kama at nagpaypay ng kamay. Binuksan ko ang butones ng uniporme ko. Narinig ko pa ang tunog ng pagbukas ng pinto.

      "You're really seducing me, are you?"



-------------------------------

Kabanata 9....Fin~

Aischell Love / AischellMendez

In Their ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon