Kabanata 15

25 7 0
                                    


Johanna's POV

Kinabukasan, kumakain na ang pamilya pero wala pa din si sir Levi. Hindi ko alam kong papasok siya o hindi. Maya-maya dumating siya, late na sigurong nagising. Pinagsilbihan siya ng ibang katulong at pagkatapos nilang kumain umalis na silang magkakapatid papuntang university.

"Ang sarap ng pagkain dito, JonJon."

Binigyan ko pa si Macho ng pagkain ko. Minsan lang kami kumain ng masasarap ng pagkain samin.

"Huwag mong ibigay sakin lahat."

"Ayos lang. Gusto kong busog na busog ka."

Napangiti ako ng mas pinabilis niya ang pagkain.

"Johanna."

Napatingin kami sa pumasok, si Manang Lucil. Ngingiti sana ako pero mukha siyang seryosong nakatingin sa amin ni Macho.

Napatayo ako.

"Po?"

"Puwede ba tayong mag-usap."

Tumango ako't sumunod sa kanya. Nilagyan ko muna ng tubig ang baso ni Macho bago sumunod kay Manang.

"Hindi ko gusto na ganyan ka kalapit sa hardinero kapag nandiyan si sir Levi. Naiintindihan mo ba ako, Johanna?"

Tumango ako.

Bakit ba hindi puwede?


------------------------------------------------------------

 Kabanata 15.........Fin~ 

Aischell Love / AischellMendez

In Their ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon