Nakaraan

3 0 0
                                    

Paulit-ulit kong sinabi sa aking sarili na huwag na akong bumalik pa
Na hayaan ko na syang maging masaya
Pero kailangan kong gawin ito para hindi na ako mabagabag pa
May pinagsamahan naman kaming dalawa kaya kung anong mangyari sa aking pagpunta
Hahayaan ko na lang, ang mahalaga ay akoy napatanag na
Kaya di na akong nag-atubili pa
Kasalukuyang bukas ang lagusan sa kanilang mundo
Ito ang sikretong hindi ko sinasabi sa tinuturing kong pamilya ngayon.

Noong mga panahon na 10 taong gulang ako, natagpuan ako ng pamilyang De San Miguel na walang malay sa kagubatan
Nang magising at tinanong sa akin kung sino ako ay sinabi kong wala akong maaalala sa lahat
Ang pamilya ko kasi noon ay kasama sa mga namatay sa digmaan ng kaharian ng Equinox at ng mga Dark Invaders.
Upang makalimot at bumuo ng panibagong alaala lumayas ako sa aming lugar at napadpad ako sa isang baryo ng mga Mortal
Dahil sa gutom ay tuluyan na sumuko ang aking katawan at natagpuan ko na lang ang aking sarili sa pangangalaga nila

Dahil sinabi ko sa kanilang wala akong maalala ay pinangalanan nila akong Felice
May isa silang anak si Serene, mabait naman sya at nakasundo ko sya noon
kaso lumipas ang mga taon, nag-iba na ang pakikitungo nya
Alam ko ang dahilan kung bakit nagkakaganyan sya
Dahil sa akin. Iniisip nya kasi na mas pinahahalagahan ako ng magulang nya kesa sa kanya

Pero doon sya nagkakamali,
Mahal sya ng mga magulang nya, alam ko yun.
Sa tuwing nakikita ko kasing malulungkot ang magulang nya, si Serene ang nasa isip nila.
Ayaw kasi nilang manatiling mahirap kaya nagpupursige silang magtrabaho kahit pagod ay tuloy parin sila.

Kaya pagkakarating nila sa bahay, niyayakap ko sila,
Nagpapasalamat ako kasi kinupkop nila ako kahit di nila ako kaano ano.
Pero sa pagyakap ko sa kanila, iba na ang ibig sabihin kay Serene
Doon na nagsimula ang pagtamlay nya ng pakikitungo nya
Hanggang sa umabot na nawalan na sya ng control at nasabi nya ito:

"Bakit nyo kasi kinukop pa yan!
Hindi naman natin yan kaano ano.
Ampon lang naman yan si Felice!
Sampid lang naman yan dito.
Anak nyo ko pero parang tinuturing nyo parin syang tunay anak kesa sa tunay na anak nyo!"

Kahit ilang beses man akong magpaliwanag sa kanya
Wala rin namang kwenta hindi nya rin naman paniniwalaan ang sasabihin ko
Kaya noong hindi na sya umuwi pagkatapos ng mga sandaling yun Nagdesisyon akong umalis na hanapin sya
Baka napadpad sya sa Yggdrasil Tree at aksidenteng napunta sa kabilang mundo nang di nya alam.

Alam kong mas importante si Serene kay Kael.
Kaya sinabi ko sa mga magulang ko na hahanapin ko si Serene
At babalik ako na kasama sya.

Sa pag-usal ng mga katagang "Aperi ianuam. Comple petitionem meam", bumukas ang lagusan
At dinala ako sa aming paboritong lugar,ang kalawakan
Maganda pa rin ito, puno pa rin ng nagniningning na mga bituin, at sinama pa ang buwan na nagliliwanag sa kadiliman

Ngunit sa mga oras na ito biglang kinuha ang aking ulirat at napadpad ako sa nakaraan kasama si Kael na dati kong kasintahan

---
Author's Note:
Its been a long time since I wrote this poetry but still I want to complete the whole Kalawakan Book 1-Part 2 and Book 2. I will try to complete this series on my free time.

Aperi ianuam. Comple petitionem meam
(This is a google translated one from tagalog to latin and it means: buksan ang lagusan tuparin ang aking kahilingan)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 KALAWAKAN, IKALAWAWhere stories live. Discover now