KABANATA 14

25 3 0
                                    

Aya POV

"LOLA!!!!!"sigaw yun lang ang kaya kong gawin habang dahan-dahang nilalagyan ng bigat.

Dumudugo ang dapat kong daliri at ramdam ko ang hapdi,sakit at halos nanginginig na ang buong katawan ko.

Isang liwanag ang humupa ng kutsilyo at dumugo lang ang mga daliri ko. Hindi pa naman nadali yung buto pero dahil kanina pa ako umiiyak at sumisigaw kaya paus na paus na ako.

Si Iya naman pala ay unti-unting binabali ang mga daliri niya sigaw lang siya ng sigaw hindi ko napansin kanina yun dahil sa iyak na din ako ng iyak.

Hindi ako makapagbago ng katawan dahil wala na kaming lakas.

Lalo pang lumiwanag kaya nagtakbuhan yung mga nagpaparusa sa amin. Kalaunan ay lumitaw si Lola kasama yung babaeng hindi ko mamukhaan pero pamilyar siya.

Ang ganda ng mga damit nila at napaka liwanag kaya angat na angat sila samahan mo pa na maganda sila kahit matanda.

"Lola!"iyak ko kay lola na halos gulat na gulat.

Lumapit agad siya sa amin at hinawakan ang kamay ko. Nakaramdam ako ng hapdi dahil apat na malalim na sugat yun.

"AHHHH WAG MASAKITTT!!!!"iyak at halos manluko sila. Nilabas ni lola ang isang gem at punagaling ang sugat ko unti-unti itong humilom sa labas pero pero sigurado sa loob ay hihilom pa toh.

"Im so glad I made it one time kung hindi wala na kayong mga kamay."sabi ni lola umiyak na lang ako ulit kasi wala akong magagawa. Masakit pa toh at napakahapdi.

Tumuon naman ang atensyon ni Lola kay Iya na maglupasay sa kakayak. Ginamot din ni lola yun at bumalik sa ayus ang kamay ni Iya pero hindi niya pa rin ito magalaw.

Yung babae naman na kasama ni lola lumapit kay Amini na nagaagaw buhay ito at naliligo sa sariling dugo . Naglabas din ito ng gem at mukhang mas malakas yun kaya unti-unti naghilom ang mga sugat ni Amini.

"SINONG LAPASTANGAN ANG NAGPARUSA SA MGA BATANG BATHALUMAN!"galit na sigaw ni lola at halos magdilim ang langit at nagkaroon ng kulog at mga kidlat.

May mga sumabog kung saan-saan at halos ang dilim ng aura ni lola.

Nagsilapitan ang mga kawal at pinrotektahan ang mga sultan halos gulat na gulat ang mga sultan at yung asawa niya.

Pinilit kong tumahan at pinapatahan ko din si Iya.

Hinawi ni lola ang mga kawal at halos may malakas na hangin magpadapa sa mga tao na nakatingin.

"ALIYA MAGSALITA KA SINO ANG NAGBIGAY NG PARUSA!"galit na sabi ni lola mas natatakot kami kay lola keysa sa parusa kanina.

Marahas na lumingon si lola sa harap kung saan yung babae at ang mga sultan nakaupo.

Nawala si lola at halos lumitaw siya harap ng matandang lalaki at sinakal.

"IKAW ANG SULTAN PINATAWAD KITA KAHIT NA HINDI KA KARAPATDAPAT PATAWARIN PERO NGAYON GUSTO HARAPIN ANG GALIT KO!"madiin at punong puno ng puot na sabi ni Lola unti-unting diniin ang pagkakasakal.

"LOLA PLEASE STOP IT!"sigaw ko at halos patakbo akong pjnipigilan siya sa kanyang paa.

Nasa form of young child pa din ako pero winasiwas lang ako ni lola at tumalsik sa gilid. Hinagis niya ang matanda at tumuon sa kasalukuyang Sultan halos kidlatan lang ito ni lola at halos na abo ang katawan ni Caniba.

"W...wag ka...kang lala...pit da...pat lang... yun sa kan...ila!"utal-utal na sabi ng babae.

Sinakal siya ni lola at halos kuryentehin nagpupumiglas ito at halos nausok na ang katawan. Nasunog ang katawan nito at katulad ng asawa niyang si Caniba ay namatay ito.

The Anathema War: The Birth Of Darkness  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon