Spoken Poetry 1: Sya parin

6 1 0
                                    

Ako ang minahal mo pero iba ang nasa puso mo.

Tinitiis ang bawat bigkas mo ng salitang matatamis na ubod ng kasinungalingan para maparamdam mo na minamahal mo ako.

Tanggap ko na sya parin ang nasa isip mo pero pano naman ako?

Paano yung taong isasakripisyo yung lahat para maging maayos ang tayo?

Ah, sigurado ako'y tanga sapagkat ako ay pinapaasa pero itutuloy pa kahit sobrang sakit na.

Ako yung nasasaktan dahil lahat ng ngiti mo para sakin ay hindi totoo.

Pero ang masasabi ko sayo ay salamat, salamat kasi kahit pinapaasa mo ako hindi mo ako pinapabayaan kahit kailan.

Sana balang araw mahalin mo ako katulad ng pagmamahal na binigay mo sa kanya para masaktan ka.

The end


PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon