SECRETS OF SECRET AGENTS
Steven's
"Are we clear, agents?" Tanong ng kanilang big boss.
"Yes, Sir!" Sabay-sabay naman na sagot ng kanyang mga kasama.
Siya naman ay nananatiling pinaglalaruan ang cellphone sa kanyang kamay at ipinaiikot-ikot iyon sa kanyang palad.
"Agent Bubble!"
Napapitlag siya nang malakas na tawagin ang kanyang code name ng kanilang big boss.
Nakatanggap tuloy siya ng mga nakakalokong ngisi sa kanyang mga kasama sa briefing na mga kapwa din niya secret agent ng FBI.
"Your spacing out, dude." Siniko pa siya ng kanyang katabing agent. Si Lucas Newman a.k.a Agent Fox. Isa rin ito sa may nakakalokong ngisi. Ngali-ngali niya tuloy itong bigwasan. At anong karapatan nitong sikuhin siya!? Nakatikim tuloy ito ng nagbabantang tingin mula sa kanya. Tatawa-tawa naman itong lumayo sa kanya.
"Leave us." Maawtoridad na utos ng kanilang big boss. Mabilis namang nagsipulasan ang mga agents.
Siya naman ay bumalik sa pagpapaikot ng kanyang cellphone.
"Anong nangyayari sayo, Steve, hijo?" Tanong ng kanyang Uncle Martin. Katulad niya ay may dugo din itong Filipino. Kapatid ito ng kanyang ina. Ito rin ang tumayo nilang ama na magkakapatid simula noong brutal na pinatay ang kanilang ama. Kaya naman hindi siya nahihiyang ipakita dito ang isa kanyang kahinaan. Ito rin ang personal na nag-train sa kanya upang maging isa sa pinaka-magaling sa kaniyang team.
"We didn't have enough time for your debriefing when you arrived here last week." Seryosong saad ni Martin sa kanya. And yes, isang linggo na siyang nakakabalik ng America. At basta na lamang niya iniwan si Beialeigh sa Maldives at ang naging buhay niya sa Pinas.
Huminga siya ng malalim. Hindi kasi siya makapag-concentrate matapos makatanggap ng mensahe mula kay Bryce.
Where r u? Beia's missing! I need your help!
Nabahala talaga siya ng mabasa niya iyon. It's his fault. Kung hindi niya iniwan ang dalaga sa Maldives disin sana hindi ito mawawala ngayon.
Kaagad niya noong tinawagan si Bryce at sinabihan ng gagawin. Humingi rin siya ng dispensa dito sa biglaan niyang pagkawala. Tumawag na din siya sa *HFHQ para tulungan si Bryce sa paghahanap.
He heard a tsked from his Uncle Martin na nakaupo sa dulong bahagi ng kanilang conference table.
"Spill it out, son." Kalmado nitong sabi.
"Can I go back to Philippines?" Diretsa niyang tanong.
Hindi siya patatahimikin ng kanyang konsensiya kung hindi niya personal na makikita si Beialeigh at masigurong nasa maayos na kalagayan.
Inihanda na niya ang kanyang tenga sa panenermon ng kausap ngunit nanatili lamang itong nakatitig sa kanyang mukha na animoy inaanalisa ang kanyang nasa isipan. Magaling itong bumasa ng isang tao kaya naman mabilis siyang umiwas ng tingin dito sapagkat natatakot siya sa maaaring mabasa nito sa kanyang mga mata.
"Oh, man. You're whipped!" Iiling-iling at nakangiting wika muli ni Martin matapos siyang titigan.
Bahagya naman nanlaki ang kanyang mga mata at napaawang ang kanyang bibig.
"What are you saying, Uncle!?" Hindi makapaniwalang asik niya. Kahit na sabihin pang boss niya ito ay hindi talaga siya nangingiming sagut-sagutin ito minsan.
"Oh, c'mon! Alam mo ang ibig kong sabihin, Steven. And don't you dare deny it. Pinagdaanan ko din 'yan. Pero may mga rules tayong sinusunod, alam mo 'yan--
BINABASA MO ANG
The Secret Agent
RomanceMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Edward Steven Walker Edward Steven Walker is a spy and a secret agent who works for the FBI. His latest mission brought him to the Philippines. There he met Beialeigh Gamboa, a senator's daughter. But as a secre...