"COMEBACK"
"Kuya..." Tawag niya sa pansin ng kapatid na busy sa pagligpit ng kanyang pinagkainan.
Last week lang siya nakauwi galing ospital and thankfully, her baby survived. Her OB advised her to take a complete bed rest dahil delikado ang kanyang pagbubuntis. Mahina ang kapit ng bata sa kanyang sinapupunan at bahagya na umanong nakabukas ang kanyang cervix kaya delikado sa kanya ang anumang mabibigat na gawain.
"May iba ka pang kailangan?" Tanong ni Bryce sa masiglang tinig na labis niyang ipinagtataka. Simula kasi noong birthday nito at ma-ospital siyang muli ay may nag-iba talaga sa mga ikinikilos ng kanyang kapatid.
"I'm talaga sorry kung nilihim ko ang p-pagbubuntis ko." Paghingi niya muli rito ng tawad.
Bagamat nakahingi na siya dito ng paumanhin at sa kanyang ama noong nasa ospital siya ay nais niyang malaman nito na hindi niya talaga nais na maglihim.
Her brother sighed.
"We've talked about this, right? I totally understand why you had to hide about it. Natakot ka sa magiging reaksiyon ko at ni Dad, tama?"
Marahan siyang tumango.
Hindi pa rin siya makapaniwala na mabilis lang natanggap ng kanyang pamilya ang lahat. At mukhang ayos na din para sa mga ito na maging sila ni Steven.
Hindi pa nga lang niya nasasabing kasal na sila ng asawa ngunit ramdam niyang dahil sa hindi magandang nangyari kay Steven sa Mexico ay gumaan na muli ang loob dito ng kanyang Kuya Bryce.
"A-ano na palang balita kay Steven?" Nag-aalala niyang tanong.
Bagamat nasabi na sa kanila ng Hidden Forces na ligtas na ito at nasa maayos ng kalagayan ay hindi pa rin siya mapalagay hangga't hindi ito nakakausap. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya ng tawag ng asawa ngunit walang dumarating kahit simpleng mensahe man lang mula rito.
"Wala pa as of now. Palagi rin akong naghihingi ng update sa HFHQ dahil kailangan ko rin siyang makausap sa lalong madaling panahon. We have a lot of things to talk about." Seryoso na nitong ani.
Natahimik siya at napalunok. Mukhang nagkamali yata siya ng akala na tanggap na nito ang kanyang asawa.
"I'll go ahead. I'll try na makabalik mamayang lunch. Pero 'pag wala pa ko ng eleven, eat alone na lang ha." Paalam ni Bryce sa kanya. Sabay kasi niya lagi itong kumakain para daw ganahan siya. Nakakalungkot nga naman kasi kumain mag-isa.
Ngumiti na lamang siya bilang tugon dito.
Nag-inat siya at bumaba sa kanyang kama. Marahan siyang lumakad papunta sa kanyang balkonahe para sumagap ng pang-umagang hangin at kumuha na rin ng sinag ng araw. Hindi kasi siya maaaring bumaba at lumabas nang hindi binubuhat o kaya ay naka-wheelchair dahil kahit anong pilit niya na kaya niya ay hindi talaga pumapayag ang Dad niya at si Bryce kaya wala siyang choice kundi magtiis sa kanyang silid.
Umupo siya sa reclining chair pagkarating sa balkonahe at tinanaw ang kanilang malawak na bakuran. Ganoon pa rin ito. Nagkalat pa rin ang mga bodyguards na nagbabantay sa kanila. Sa sobrang inip niya ay binilang niya isa-isa ang mga ito mula sa balkonahe.
Ang sumunod naman niyang binilang ay ang sports car collection ng kanyang kapatid sa kanilang garahe na nagmukha ng parking lot dahil sa dami ng nakaparada doon. Hindi pa kasama roon ang mga motorsiklo nito na nasa DK Pittstop.
BINABASA MO ANG
The Secret Agent
RomanceMATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Edward Steven Walker Edward Steven Walker is a spy and a secret agent who works for the FBI. His latest mission brought him to the Philippines. There he met Beialeigh Gamboa, a senator's daughter. But as a secre...