Pag ibig.
Isang salitang hindi mo masasabi kung kelan at kung sino ang tatamaan nito at kung kelan ka sasaktan nito.
Salitang traydor kaya kang saktan patalikod tila masarap sa pakiramdam pero masakit pag naramdaman na oo magulo dahil iyon naman talaga.
Ako si Icy wala lang pinakilala ko lang ang sarili ko.
-
Nakatitig ako sa cellphone tama bang ako ang unang nag aya manood ng sine sa isang lalaki? nakakaba tuloy nahihiya tuloy ako!Typing...
ay pota! typing na sya! pero biglang nawala ang typing na sinasabi ng messenger nakakahiya talaga! bawiin ko na lang nga! kahit kelan talaga! napaka tanga mo talaga icy!
To : Jeyem
Hello sorry! okay lang naman kung-
From Jeyem
G. kelan ba? Gusto ko din mapanood yun eh
Impit akong napatili sa sobra kilig at nagpagulong gulong ako sa kama .
Pumayag sya! Pumayag sya!
To : Jeyem
Ahm sige ichat kita kung kelan ha Thank you! wala lang talaga ako kasama eh thank you!
Hay! ano kaya magandang panoodin? teka-ah yung horror na lang kaya para ano.. impit nanaman ako napatili sa kalandiang nasa isip ko hindi kaya gusto din nya ako kaya sya pumayag?
Ihh.
And iyon ang simula namin ng bestfriend kong si Jeyem nafriendzone ako pero may feelings ako saknya mga ilan years na den.
Wala naman ako magawa akala ko gusto din nya ako pero friends lang daw kami at pinakilala nya akong bestfriend nya ako sa mga kaibigan din nya.
Tumunog ang cellphone ko
From Jeyem
Bes. Tuloy tayo mamaya ah? Sunduin na lang kita sa kanto ha 6pm ang start ng Parada wag kang malate! Ingat ka bes text ka pag papunta kana Ingat ka.
Napabuntong hininga ako ng mabasa ang text mula saknya
To Jeyem
Okay bes copy
Maaga akong nag out ng trabaho mga 5pm siguro sumakay ako ng bus medyo marami ng sakay dahil rush hour na napatingin ako sa orasan hindi kaya malate ako Hay nako! hayaan ko na nga magalit sya.
Habang nagpupuno ang bus lihim akong nakikinig sa magkaibigang nag uusap sa harapan ko dalawang estudyante.
"Ayoko umamin sa knya natatakot ako baka layuan nya ako mas okay na ito kahit masakit ang mahalaga nakakasama ko sya"
"Sure ka? Malay mo naman pareho kayo ng nararamdaman"
"Hindi lahat ng bagay pareho ang mga nararamdaman. Ayoko Ayokong lalong mawala sya mas okay na to nakakasama ko naman sya"
Naramdaman ko ang sakit ni Ate girl.
Same ate, pareho tayomartir yun ang tawag saatin.
Mas okay na itong tago ang nararamdaman ko ang mahalaga nakakasama ko sya.
Jeyem calling
Hello! nasaan kana ba? quarter to 6 na wala ka pa? wika nya sa kabilang linya bakas ang inis sa kabilang linya.
"ito na po nakasakay na nga po diba? teka nag mamadali ka naligo ka na ba?"
" Maliligo pa lang"
YOU ARE READING
Happy Ending After All
Romance"Siguro kahit ibigay mo pa ang lahat sa taong mahal mo kung hindi ka nya gusto kahit ano pang hintay ang gawin mo kung wala wala talaga sobra mo lang sinasaktan ang sarili mong merong magiging kayo.. Pero sa Huli malalaman mo rin kung bakit Kung ba...