From Jeyem
Bes. punta ka mamaya ha may handa kami para sa fiesta sunduin na lang kita mamaya sa kanto
Chat message nya ang bumungad sakin pag gising ko medyo puyat na ako dahil ano oras na ako nakauwi kagabi.
Nag inat ako at bumango na ako naghilamos ako - maligo na kaya ako kinuha ko na ang tuwalya ko.
"Aalis ka nanaman?" bungad sakin ni mama paglabas ko ng kwarto
"Makiki fiesta mama hehe"
Napailing na lang si mama.
Naligo na ako at umalis na tulad ng dati sa 7/11 parin ako naghintay
To Jeyem
Hoy dito nako 7/11 wait na lang kita
From Tito Miguel
Icy Start kana bukas sa Office lilipat kana sa dorm malapit sa office sa Makati
Akala ko si Jeyem na lilipat na pala ako bukas sa makati mag uuwian naman ako every week end. Nagresign narin ako sa past work ko kaya ayun.
Ilan minuto na ang lumipas pero wala parin reply si Jeyem napansin ko ang isang babae na tila may hinihintay din pero ilan sandali pa nakita kong lumabas ng kanto ang pinsan ni Jeyem nagulat sya ng makita ako
" Icy nandito ka pala? naliligo pa si Jeyem gusto mo na sumabay samin?" tanong ng pinsan nya
"Osige napaka walang hiya talaga ng pinsan mo eh"
"Hi ako nga pala si Marie girlfriend ka ba ni Jeyem?" tanong sakin ng kasamang babae ng pinsan nya habang naglalakad kami.
Napaubo si Goya pinsan ni Jeyem.
Natigilan naman ako.
"Hind-"
"Ah! ikaw siguro yung kasama nya kagabi no? dun sa ilog?"
"Ah hehe oo ako nga yun pero hindi nya ako girlfriend best friend lang nya ako by the way Im Icy"
"Nice meeting you Icy" nakangiting sabi ni Marie.
Pagdating sa kanila tumaas ang kilay ko ng dumating ako dahil nakita ko si Jeyem na hindi pa nakabihis at nakangisi sakin.
Napaka walang hiya talaga.
" Bes sorry na tinanghali ako gising eh saka bakit ang aga mo kasi hindi ka man lang nagtext"
"Hoy nagtext ako sayo"
Nagmamadali nyang sinilip yung cellphone nya.
"Ay gastog sorry bes hindi ko nabasa kanina busy kasi kami kanina magprepare ng handa"
"Well ano pa ba maasahan ko sayo? tara na san ba tayo pupunta?" tanong ko saknya
"Hm manonood tayo ng parada mamaya kasama natin sila Goya at Marie"
Nagkibit balikat na lang ako at naupo muna ako naupo rin siya sa tabi ko
"Bes may sasabihin ako sayo mamaya" natigilan ako at napatingin ako saknya
kumunot ang noo ko
" Ano yon? parang seryoso yata yan ah"
"Nalala mo yung sinabi ko sayo kagabi na pag nag wish ka magkaka totoo"
"Oh tapos?"
"Sa tingin ko magkakatotoo yung wish ko mamaya ko na sasabihin sayo "
Bigla akong napaisip at hindi mapakali ano kaya yung sinasabi nya ano yung wish nya.
YOU ARE READING
Happy Ending After All
Romance"Siguro kahit ibigay mo pa ang lahat sa taong mahal mo kung hindi ka nya gusto kahit ano pang hintay ang gawin mo kung wala wala talaga sobra mo lang sinasaktan ang sarili mong merong magiging kayo.. Pero sa Huli malalaman mo rin kung bakit Kung ba...