Lumipas narin ang dalawang buwan ng bakasyon at kinabukas ay ang First day ng aking klase sa Avery International School.
Sa dalawang buwang bakasyon ay ginugol ko lang ang oras ko sa bahay. Hindi naman kami umalis dahil sobrang busy ni mommy at ni daddy sa aming mga Businesses.
Ang gagawin ko nalang ngayon ay magpahinga. Dahil naiayos ko na yung mga gamit ko nung nakaraan pa dahil sa sobrang excited ko. Mabuti nanga lang din at nakuha ko agad yung uniform ko, dahil kung hindi ay mag si-civilian ako bukas.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Sa sobrang excited ko ay nauna pa ako nagising sa alarm clock ko. Tumingin ako sa oras at 5:00 pa lang ng umaga pero ang pasok ko ay mamaya pang 8:00. Tumayo na ako agad at dumiretso sa banyo para maligo.
Hindi na rin ako nagtagal dahil sa lamig at lumabas na ako para magbihis. Sinuot ko na ang bagong bago na uniform. I looked at myself in the mirror wearing the white short sleeve polo that has a small logo of AIS on my right chest and tucked in my above the knee maroon fitted skirt.
Infairness bumagay sakin.
Sinuklay ko lang ang buhok ko at bumaba na ako para mag breakfast. Hindi na ako nagtataka na tanging si ate Alice lang na kasama namin sa bahay ang gising na. Dahil panigurado tulog pa sila mommy.
"Aga natin ah? " Bungad ni ate Alice sabay tawa.
"Syempre ate haha! Kumain kana? " tanong ko kay ate alice.
"Ah oo. Kakatapos kolang kani-kanina lang. Sige, Kumain kana jan at maglilinis muna ako. " Sabi ni ate at sabay umalis na sa kusina.
Pagkatapos kong mag breakfast ay bumalik muna ako sa kwarto. At dahil maaga pa ay naisipan ko munang mag check ng social media ko. Chinat ko na din si Irene na dati kong kaklase sa AIS na magkita nalang kami sa gate.
Buti nga at etong nilipatan ko ay School ko nung elementary. Ang mga iba kong dating kaklase ay kaklase ko pa din. Si Irene ay isa doon. Isa rin sya sa malapit saakin kaya na eexcite ulit akong makita sya.
Nang nag 7:00 na ay umalis na ako ng bahay. Tulog parin sila mommy ng umalis ako kaya hindi na ako nakapag paalam, naibigay narin nila ang allowance ko kagabi kaya hindi ko na sila inistorbo. Hindi na din ako nagpahatid sa sasakyan at nagcommute nalang ako papunta sa AIS.
Exact 7:45 ay nakarating na ako sa School. Nasa may gate na nga si Irene kagaya ng napagusapan namin. Marami na ring estudyante ng pumasok kami sa loob.
Dumiretso kami sa loob ng Auditorium para daw sa pag welcome sa Students at sa School Year na ito.
"Again, Welcome Students! You may proceed to you deignated rooms" Paalam ng aming Principal bago kami umalis.
Pero hindi pa kami nakakalabas ni Irene at may narinig na kaming tili.
"Chaaaaaaa!!!!!! " sigaw nito.
Kahit kelan talaga ang ingay ng bunganga hahaha!
"Ang ingay mo naman Amara! Nakakahiya andami daming tao oh?! " sabi ni Irene sakanya pagkalapit nya pero binelat-an lang sya nito.
"Gaga ka! Namiss kita! Bastos karin e no? Hindi ka nagsabi na magbabalik ka dito " sabi ni Amara sa akin.
"hahaha! Nakalimutan ko eh? Si Irene lang nasabihan ko. Ayaw mo nun? Surprise. " sagot ko habang tumatawa.
Lumabas na kami ng Auditorium at parang bata naman sila ni Irene na kumapit sa dalawa kong braso. Dumiretso muna kaming canteen para kumain saglit bago umakyat sa room. Dahil ang mga bulate nila sa tyan e hindi makalma.
Ang room namin ay nasa 3rd Floor. Doon kasi ang room ng Seniors at 3rd and 4th Year. Sa baba naman ang iba pang Juniors at sa ibang building naman ang elementary.
Pagkatapos namin kumain ay umakyat na din kami agad. Pag dating namin sa 3rd Floor ay kumatok na kami sa may pangalawang room. Kami nalang ata ang kulang at kumpleto sa sila sa loob. Nagfoodtrip pa kase itong dalawang to eh.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay pumasok na kami. Nakatayo kami sa harapan at naghahanap ng upuan. Hindi panaman nagsisimula ang teacher namin magsalita. Ni libot ko ang mata ko sa mga kaklase ko. Andito parin ang mga kumag. Napatingin ako sa may bandang gitna sa kanan ng may napansin akong hindi pamilyar saakin.
Hmm pogi.
Iniwas ko ang aking mata. At inaya kona sila Amara pagkakita ko sa mga bakanteng upuan sa dulo. Sakto tabi-tabi hehehe.
"Good Morning Class! I'm Mrs. Eleanor Mendoza, your Class Adviser this School year and your teacher in English " sabi ni Ma'am.
Ganon parin naman ang mga kaklase ko dati. Nakakatawa pero ang nag-iba ay naging mga sira-ulo na. Diniscuss lang ni ma'am yung mga Rules and Regulations sa School at pinag-pakilala na kami. Marami din akong hindi kilala mga trasferee at mga nagtransfer siguro nung umalis ako nung elementary.
"Hi I'm Amara louise Navarro, 15 years old. I like to play volleyball " sabi ni Amara.
Ako na ang susunod Grrrrrr.
Tumayo na ako at pumunta sa harapan para magpakilala.
"Hi. I'm Chantal Loraine Falco, 15. I came from Brigdestone High School and I love to watch series or movies " pakilala ko.
Pagkatapos ko ay bumalik na ako sa upuan. Ang mga nagpapakilala naman ngayon ay mga lalaki.
"Hello! I am Austin Caelan Javier, 16 years old. You guys can call me AC Hindi transferee. I love to play Basketball. Ball is life " nakangiting pakilala ni AC.
Ang pinaka makulit samin nung elementary. Matangkad, maputi, maganda ang pangangatawan at may agaw pansin na dimples pag ngumingiti sya. Inshort, Gwapo si AC pero parang sinasaniban ng benteng kabayo na nagaamok sa sobrang kakulitan.
Umupo na si AC at tumayo naman ang susunod na mag papakilala.
Napatitig ako sakanya habang naglalakad ng nakapamulsa papunta sa harap. Maputi, Matangkad. May matangos ang ilong. His eyes are so deep that it looks so fierce. His hair is messy but it makes him attractive. He has a thick brows and long eyelashes. His lips are red and plump that make it looks kissable. And even with those uniform you can say that he has a nice body.
"Blaze Raegan Dela Fuente, 16. I love playing Basketball " tipid na pakilala nya ng may ngisi sa labi.
Playboy.
That means nagtrasfer sya siguro nung umalis ako ng AIS.
Bago sya umalis ng harapan ay nagtama ang tingin namin at bigla syang ngumiti sakin. Nakaramdam bigla ako ng kabog ng dibdib. Siguro dahil nakakaintimidate sya. Pero ano ba to? parang may naikot sa tyan ko.
Hindi naman siguro ako natatae?
