Prolouge

1 0 0
                                    

"Talagang lilipat kana talaga ng school?" Tifanny asked.


"Oo nga. Sure na sure na. Kinausap ko na rin sila Mommy na lilipat ako sa dati kong School nung elementary ako and pumayag naman sila" sagot ko naman.


"Bakit ka ba kase lilipat pa? Para kang tanga ikaw lang tuloy mahihiwalay samin! " nakakunot na sabi naman ni Kaycee sakin.

Eh bakit ba?! Sa trip ko ngang lumipat.

Pero imbes na sagutin ko sakanila yun ay tinawanan ko lang sila.


Nasa 2nd year na ako ng High School ngayon ngayon dito sa Bridgestone High School. Masaya naman ako dito sa School na ito.  Madami akong kaibigan at syempre meron din akong kaibigan na sobrang kaclose ko. Si tifanny at kaycee ay dalawa sa mga pinaka masasabi kong pinaka-close ko.

At kahit may nararamdaman man akong lungkot dahil sa paglipat ko sa nalalapit na susunod na taon. I'm pretty sure about it.  Gusto ko kase ng bagong environment. Masyado na akong sawa sa mga tao'ng nakikita at sa paligid. Gusto ko ng bagong tao, New set of friends and nahihirapan at tinatamad na din ako sumabay sa klase ngayon dahil sa mga classmates ko na kanya kanyang kumpetensya dahil nag aagawan lang ng honors. Nakakawala talaga ng gana isama mo pa yung mga teachers na puro pa Activity lang pero walang discuss discuss.

And the main point why I am transferring is because I am always left out. In every things. Hindi ko nalang pinapansin nga pero you know there are times that it will hit you.


Nagising ako kinabukasan dahil sa tunog ng nakakabwisit na alarm ng cellphone ko.

Nakakainis! Argh! Gusto ko pang matulog.

Dumilat ako at tinignan ang aking cellphone.

"Hala! pasado alas onse na! Bakit hindi manlang ako ginising!"

Hindi na ako nag patumpiktumpik pa at pumasok nako sa banyo. Ang klase namin ay nagsisimula ng 12:30 ng tanghali dahil ako ay panghapon. Pero dahil mahirap sumakay dahil sa dami ng studyante na nagaabang din ng jeep na sasakyan e talaga namang matatagalan ka. Kaya dapat ay maaga talaga ako.

Pagtapos ng lumipas na 20 minutes ng  aking pagligo ay lumabas na din ako. Nagbihis nadin ako agad at bumaba na para kumain. Hindi naman nako nagaayos at naglalagay ng kung ano ano sa muka kaya ayos lang na kumain muna ako.

"Mommy naman?! Bakit hindi nyo ako ginising! Late na ako tuloy! " sabi ko kay mommy pagkakita na pagkakita ko sakanya sa baba.

"Aba't hindi ko na responsibilidad yan? Ikaw dapat ang alam ang oras mo. Atsaka ano pa bang bago late ka naman lagi? Tanghali na nga yang pasok mo late ka pa. " sagot naman nya habang nakadekwatrong nakaupo sa sofa namin habang nanonood ng t.v.

Hindi nako sumagot at nagkamot ulo nalang. Umupo narin ako para kumain.

Wow sarap ulam ah. Chicken nuggets!

"Ano bang ginagawa mo pag gabi ha? at tanghali kana nagising? " biglang tanong ni mommy.

Napalingon naman ako bigla sakanya.

"Wala my ah! Natulog nanga ako agad eh. " sagot ko naman.

Pero ang totoo napuyat ako kakadrama at inarte dahil yung kaisa isa kong crush eh hindi nako kinausap! Wala naman akong ginagawa sakanya. Wala naman akong nasabi. Kaklase ko sya pero hindi kami nagpapansinan sa klase. Ang pangalan nya ay Kendrick. Kaklase ko rin pati ang kapatid niyang si Kendra. Nagchachat kami dati siguro umabot din yun ng tatlong buwan pero ewan ko ba don hindi na ako kinausap at bigla bigla nalang nag reremove ng nickname at pati chat colors namin na pink eh binalik sa blue!

Nalaman ko din na may gf pala ang loko sinabi ng kapatid nya sakin! Ang sinabi sakin wala! Sinungaling na payatot!

Pagkatapos kong kumain ay lumapit na ako kay mommy para magpaalam at humingi ng baon syempre.

Halos magtatakbo na ako ng nakarating ako sa building namin pero wala hindi ako umabot mag 1:00 pm na ng nakarating ako sa room.
At bumungad sakin ay yung kaklase kong late din at ang adviser ko na englishera!


"You guys know the drill." Sabi naman ni maam. Ang ibig nyang sabihin ay pag late kami tatayo kami sa harap at sasabihin namin kung bakit kami late.

"Eh kasi ma'am hirap-"sasabihin ko sana kaso pinutol nya ang sinabi ko.

"English" biglang sabi ni ma'am.

"Uhm ano" sabi ko at nagtawanan naman mga kaklase ko.

"It's so hard to find a jeep ma'am and I waited for my mother to come home to give me my allowance." sagot ko naman.

Liar! ang sabihin mo late kang nagising.

"Okay, You may take your seat but next time you are late I will talk to your parents. " sagot nya sa akin at bumalik na sya sa pag didiscuss.

Kaylangan ko na talaga magising ng umaga. Hindi na pwedeng patulog tulog ka sa pansitan Chantal Loraine Falco!


Nang tumunog na ang bell para sa recess ay nagtayuan na kami.

"Grabe dalawang linggo nalang pala at tapos na ang klase! Mamimiss ko kayo! " Madramang sabi ni Shane isa din sa malapit kong kaibigan.


"Excuse me." Napatingin ako sa nagsalitang si Kendrick.

Nakaharang kasi kami sa pintuan at hindi sya makadaan.

2 weeks nalang at magtatapos ng ang klase.  Hindi na kita makikita. Hindi mo padin ako nirereplyan maski sa personal hindi moko kinakausap kahit tinatanong kita kung bakit biglang ganon? Ang unfair.

I sigh.

Natapos ang taon yun na hindi ako Kinausap ni Kendrick. Sobrang lungkot ko nun dahil sya ang unang crush ko tapos ganon. Napapaisip ako ano bang mali sakin. Bakit ganon? Panget ba ako? Hay buhay.

Maayos naman ako ah? I have a fair skin tone. My hair is straight and black and hanggang balikat ko lang. Mapayat ako at nasa 5'4 siguro ang height ko. Ang ilong ko ay maliit pero matangos naman pero sa tuwing ngumingiti ako ay nababanat ang ilong ko ay muka na syang hindi matangos. Ang sabi naman nila mommy ay magbabago pa ang itsura ko pag nagdalaga. Recently palang kase ako nag karoon ng menstruation kaya hindi pa ako tinatamaan ng tinatawag nilang puberty.


The first 2 week of vacation was peaceful. I'm still happy even though my friends and I didn't talked that much.


But it's okay.  I am looking forward this incoming School Year. I hope it's going to be a good year.







I hope so.....















Aiming The Old FlameWhere stories live. Discover now