02: The School

430 16 2
                                    

Chixie POV

In biology, evolution is the change in the characteristics of a species over several generations and relies on the process of natural selection. Over time, nagbabago ang lahat kahit na gustuhin mo man o hindi. Walang sinuman ang makakapagsabi kung kailan mangyayari o kung sa paanong paraan mangyayari.

Hindi tao ang mga nakita namin kanina. Iyan na ang na-conclude ko sa isip ko. Kakaiba sila at tila ba wala silang kahit na anong emosyon. Wala sila sa mga sarili nila.

"Hindi tayo makakadaan hangga't hindi sila umaalis sa entrance." Mahinang sabi sa akin ni Paulo habang nandito kami nagtatago sa tapat lang ng School.

Hindi ko alam kung paano ko i-explain ang mga taong nakasalubong namin kanina. On the way papunta dito, may babaeng humingi ng tulong sa amin kanina na nakaupo sa gilid ng isang store. We helped her of course dahil hindi ma-tao sa gilid na iyon.

We asked her about what happened. Ang sabi niya ay hindi na daw tao ang mga iyon. Ang asawa niya, iyon ang kumagat sa kanya. Yes, kinagat siya. Something like an animal would do.

Tinapalan namin ng cloth yung sugat niya para hindi umagos ang dugo. Hindi nagtagal ay nawalan siya ng malay at bumalik bilang kagaya nung mga iyon. Halimaw na lang ang itatawag ko sa kanila.

She tried to attack me. Muntikan na niya ako kagatin sa braso. Buti na lamang ay sinipa siya ni Paulo palayo sa akin.

Tumayo ako at tinignan ang babae. Hindi siya natinag. Tumayo din siya at lumakad palapit sa amin. Hindi namin alam ang gagawin kaya pag atras lang ang nagawa namin.

"Miss! Huwag kang lalapit!" Sigaw namin ni Paulo pero hindi niya kami naririnig.

Malapitan kong naobserbahan ang itsura niya. Mukha siyang patay. Pale skin. Dead eyes. Dried lips. Hindi siya nagsasalita at pawang ingay lang ang nagagawa niya.

We don't know what to do kaya ang ginawa nalang namin ay tumakbo palayo sa kanya. While running away, binalikan ko siya ng tingin. May isang babae ang dumaan malapit sa kanya at nasagi siya. Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa niya. Inatake niya ang babae at kinagat ito sa likod. Hindi nakalaban ang babae dahil nakadagan ito sa likod niya.

"Paulo, doon tayo dumaan sa likod." Bulong ko sa kanya at tinuro ang daan patungo sa likod kung nasaan ang field.

Lalakad na sana ako pero pinigilan niya ako kaya tinignan. "Teka sino si Paulo? Francis ang pangalan ko."

Natahimik kami. Walang nagsasalita sa amin dalawa at nagtitigan lang.

Bakit ba kasi Paulo ang sinabi ko? Sabi ko na nga ba Francis ang pangalan niya eh! Nakakahiya tuloy.

Ilang saglit pa ay bigla siyang tumawa ng pigil pinagtaka ko. Para hindi awkward ay tumawa na din ako dahil nakakatawa din naman.

"Okay, Francis. Alam ko pangalan mo nagkamali lang ako ng sabi." Pagdadahilan ko.

May pagdududa niya akong tinitigan na may ngiti. "Weh? Sino si Paulo?"

Hala? Sino nga ba? Mukha kasing Paulo ang itsura niya kaya iyon ang nasabi ko. You know, may muscles yung katawan at buo ang boses.

"Ah.. eh... Kapitbahay ko."

Akala ko magtatanong pa siya eh buti nalang at tumawa lang siya. He's a good guy. Nag-blend yung personality naming dalawa sa loob lang ng isang araw.

"Let's go".

----

We got inside the school. Wala sa sarili kong tinakpan ang bunganga ko nang makita ko ang itsura ng hallway. Madaming dugo sa sahig at makalat pero walang tao.

Dahan-dahan lang kaming lumakad. Ayaw naming lumikha ng ingay dahil baka marinig ito ng mga halimaw. Hindi pa naman namin alam kung paano sila labanan. Nakikita ko kasi sila as humans at ni minsan ay hindi ko inisip ang manakit ng tao.

Huminto kami sa paglakad nang may marinig kaming hindi malinaw na tunog mula sa pintuan na lalagpasan pa lamang sana namin. Dali dali kami na nagtago sa gilid ng pader kung nasaan ang pintuan.

"May halimaw ata dito." Sabi ko kay Francis.

Sumilip naman siya ng maingat at bumalik ng tingin sakin. "Oo. Isa lang at mukhang teacher dito ang halimaw."

I froze. Hindi kaya si Ms. Kaye iyon? Ang anak ko..

Walang ano-ano ay tumakbo ako patungo sa kung nasaan ang room ng anak ko. Wala na akong paki sa ingay. Gusto kong makita si Sophie.

When I got there, may isang tao ang nakatalikod na nakaharap sa bintana. Mukhang student siya dito dahil naka High school uniform siya.

"Boy?" Tawag ko dito. "Nasaan na ang mga students dito? Ang anak ko kasi--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay hindi ko na natuloy pa dahil pagharap niya ay natikom ko ang bunganga ko.

Umatras ako. Hindi na siya tao. Gusto kong maiyak sa awa nang humarap siya. Ang kaliwa niyang mata ay wala na. Paano pa siya nakakagalaw ng walang iniindang sakit?

"Rrrr"

Mabilis siyang nakalapit sa akin at akmang yayakapin ako. Buti na lamang at nakailag ako at napunta sa kung nasaan siya naka pwesto kanina. Umatras ako hanggang sa dumikit na ang likod ko sa bintana. I tried to open it pero hindi ko mabuksan.

He grabbed my arms at akmang kakagatin pero mabilis ko siyang sinuntok sa mukha na nagpalayo sa kanya. I felt so sorry sa kanya dahil mukhang masakit ang suntok ko. Lord sorry po at nananakit ako ng bata!

Saglit lang siyang huminto sa pag atake sa akin at bumalik agad sa akin. Tinulak niya ako na ikinaurong ng upuan na nasa gilid ko kanina. I kept on resisting pero masyado siyang desidido na kagatin ako. 

Hindi nagtagal ay napadapa na ako sa sahig. Ang sakit pagbagsak ko dahil ang tigas ng sahig dahil marmol ito.

"Alis.... Tulong!" Impit kong sigaw.

Inilapit ng lalaki ang mukha niya sa akin at binuka ang bunganga upang kagatin ako. Tinulak ko ang mukha niya palayo sa akin at nilakasan ko ito na ikinatalsik niya sa gilid. Mabilis akong tumayo at  tumakbo dahil mabilis din itong tumayo.

Nagulat ako sa sumulpot na tao mula sa pinto na may hawak ng matulis na stick. Akala ko ay sa akin ni ito isasaksak dahil nakatutok ito sa akin kaya napayuko ako.

Ilang saglit pa ay may narinig akong lumapag na katawan sa sahig. Tinignan ko ito at ito ang lalaking estudyante na gustong kumagat sa akin. May nakasaksak na stick sa bunganga nito.

Magpapasalamat sana ako sa tumulong sa akin pero nagulat ako nang makita kong si Ms. Kaye ito. Mula sa likod niya ay lumabas si Sophie na agad na yumakap sa akin.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang saya ko ngayon. Umiiyak si Sophie kaya niyakap ko siya ng sobrang higpit at hinalikan sa pisngi. Hinawi ko ang buhok na humarang sa mukha niya upang makita ko ng buo ang mukha niya.

"Sophie, anak, buti ligtas ka." Sabi ko sa kanya.

Tumayo ako at humarap kay Ms. Kaye na muntikan ko na hindi mamukhaan dahil madungis siya. May namumuong luha sa mga mata niya at parang anytime ay iiyak siya. I gave her a hug. It took us ten seconds bago ako bumitaw sa kanya.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

She started crying habang kinukwento ang lahat. "Pumasok sila sa entrance at pinatay ang mga students. Nasa classroom kami that time dahil dito kaming dalawa nag-lunch. Hindi namin alam ang gagawin nang pumasok sila dito at inatake ang ibang mga students ko. Hinila ko si Sophie at nagtago kami sa storage sa ilalim ng hagdan."

Niyakap ko siya ulit. "Thank you, Ms. Kaye."

Bumitaw na ako at inayos ang sarili ko. Ano na ang gagawin namin. May mga halimaw din dito at hindi kami ligtas. Kailangan namin ng matataguan.

"Ano na ngayon?" Tanong ni Francis.

Parehas silang nakatingin sa akin na hindi nagpakomportable sa akin. Tumingin ako sa direksyon kung saan kami dumaan. 

"Maghanap muna tayo ng matataguan."

Zombie Outbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon