Chapter: 1 Chase

7 5 4
                                    

Chapter 1

"Oh ano?.. ganto na naman tayo, maghahabol sa mokong nayan!"

"Sino bang may sabing kasama ka'ng maghabol?" Pansasarkastiko ko. Nasa mood ako ngayon at ayaw kong hayaang masira

"Ugok ka! Sige pa.. sinasabi ko sayo masasaktan ka lang.. wag mona kasing habulin teh" Ani nya pa. Hays Ayan na naman tayo! Araw araw nalang

"Bahala ka! Jan kana wag ka nang sumama" inismiran ko sya saka naglakas papuntang library Kung saan namamalagi si Dhan.

Pagka pasok ko palang sumilip silip ako baka sakaling mahanap si Dhan.
Wala sa sariling ngumiti ako. Magisa Lang sya sa isang table, maybe he don't mind if I seat.

Kumuha ako ng Biology Book saka walang pasabing umupo sa harap nya at binuklat ang libro. Kahit pang ramdam ko ang presensya ng tingin nya ay pilit na binalewala ko iyon.

Ilang minuto pa ang lumipas matapos syang tumikhim, hindi kona talaga matiis at nagangat ng tingin.

"A-ahh.." nasabi ko lang. Nagtaas Lang sya ng kilay napailing iling na ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Tch! Anu bayan.

Laglag balikat akong lumabas ng library. Natapos nakot lahat lahat sa binabasa ala,  dedma parin sya.

"Oh napala mo Cee?" Ayan na naman si Eeyah. "Huwat?!" Inis na sabi ko't ipinalandakan sa dibdib nya ang librong ipinakukuha nya. Badtrip naman eh oh!

"Dika pinansin, hayy. Eh pano naman papansinin eh hindi naman dapat pinapansin yang mga papansin" parinig nya pa. Kakaltukan ko to e!

"Bahala ka, nagugutom ako tara"

"Ano wala kabang balak baguhin yang feelings mo, come on hindi kaba natatangahan sa sarili mo? Kase ako tangang tanga na sayo" singhal nya.

'Hindi pa eh, siguro pag gumawa sya ng ikatatanga ko, susuko nako' sagot ng isip ko.

"Sabagay it's a normal para sayo, pero sa balat ng tao.. abnormal na.. 'ex' hahaha Sabi konga.. eh yang ex mo? Wala nang feelings sayo diba? Pero.. gora ka paden!" Pano ba ako nagkaibigan ng ganito ka tino. Inismiran kolang sya at nagtuloy ng kain.

Yeah right. He's my ex! A -Decerex Dhan Alliquir. The famous and smartest man i met. Hindi ko akalaing magiiba sya na hindi na sya yung dating Dhan na maaalahanin. Kahit yata mahimatay ako sa daan ngayon ay wala syang pake, at wala na syang ikapapake pa.

"Arayyy- naman Eeyah oh!" Inis na bulyaw ko.

"Stupidd!! Look at them.." natulala ako sa nasaksihan. Pigil hininga ko silang pinanood, ang sweet.. sweetness na Hindi ko naramdamang ipinaramdam nya. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan.

"O-ok ka l-lang?"
"H-huy,"
"Cee..."

"A-ahh-huh?"

"Umiiyak ka oh" agad Kong pinahid Ang luha ko ng mapansin nya iyon. Dammit! Why do I feel such pain.. hindi kona dapat maramdaman ito. It's been 2 years since I felt this pain.

Nang diko matiis ang sakit namalayan ko Ang sariling nanakbo papuntang cubicle at doon inilabas ang sama ng loob..

Nararamdaman ko ulit... Pakiramdam ko bumalik ako sa nakaraan... Hindi ko yata makakayanang tangapin Ang reyalidad.

Sabagay.. kailan ba ako nagpakatotoo.. niloloko kolang Ang sarili ko alam ko.. pero bakit ayaw kong tangapin ang katotohanang.. past is past.

Ang hirap intindihin Ang sarili ko, hirap na hirap ako lalo na't kalaban ko ang nararamdaman ko, nawala na ito eh, bumalik na naman.

"Cee.. are you ok there?" Rinig Kong tawag ni Eeyah Kaya dali Dali akong naghilamos sa sink at pinatungan ng pulbo ang muka bago sya hinarap.

"Oh! Ok lang nanakit kase yung t-tyan ko sa dami ng nakain ko" pagdadahilan ko

"Oh really" nakatagilid ang muka nya, pinagaaralan ako.

Hindi ako pwedeng magpahuli sa kanya kahit pa kilalang kilala na nya ako.

"T-tss.. Tara na paparating na ang prof"

Matapos ang discussion dumeretso ako agad sa Mini bar kung tawagin parte parin iyon ng campus.

"Uhy. Napadalaw ka ah. Kumusta?" Masayang bungad agad sakin ni Andly pagkapasok ko. Nginitian kolang sya saka dumeretso sa bakanteng table at umupo sa stool.

Ipinatong ko ang siko sa mesa at nirelax ang sarili. Hayy. Mas higit pa yatang napagod ang isip ko kaysa sa katawan ko.

"Lalim ng iniisip ah"

"Edi sisirin mo" asar ko."Beer nga"

"Hoy! Hala, Bawal Yan, 'ipinababawal' " pagdidiin nya. Inirapan kolang sya. "Oo nga pala.. sino Yung.. iniisip mo, o sya ba o iba na?" Nanunukso nya pang Sabi.

"Ipagtimpla moko ng kape mabuti pa" ilang segundo Lang ay bumalik na sya dala ang espresso.

"So sino nga?" Naupo sya sa harap ko

"Hmm.. sya nga" tatangu-tango ko pa.

Katahimikan ang nangibabaw saming dalawa. Inaamin ko, nasaktan ako ng sobra, oo ex ko sya at wala akong karatang ipaglaban man Lang sya, kailan man ay wala na akong karapatan pa.

Nangingirot ang puso ko, pakiramdam ko daan daang tinik ang bumaon dito.

"Cee.. baka kailangan mo ng stress reliever.. s-sige bibigyan kita ng beer" sabat nya. Umiling lang ako't pinahiran ang luha. 2 years na.. 2years na ang nakalipas sariwang sariwa parin ang nakaraan, kinukwestiyon ko ang sarili. Bakit ngaba? Bakit kosya pinakawalan? Akala ko madali lang ang lahat, akala ko magiging masaya ako pag nagkaganon, kabaliktaran lang ang lahat.

I'm blaming myself, tanga ko nun inaamin ko.. naniniwala nako sa kasabihang

Hangat hawak mopa wag mong bitawan.. bitawan mo ng may sapat kang dahilan upang sa huli ay dika magsisi.

Hinayaan ko ang sariling makapag isip at makapagpahinga. Hindi ako pumasok sa ilang nalalabing subject. I need time for my self dahil iyon ang dapat.. pinagiisipan korin kung aasa paba ako? May pagasa paba ako? Sa tingin ko ay mayron pa mayron pang nalalabing pride sa loob ko.. ngunit sasaidin koba ang butil nayon?

Wala akong masagot, Alam kong pagsapit ng iba pang araw masasagot korin ang mga katanungan sa isip ko

"Oh? Sanka galing hah! At bat paga ang mata mo? Umiyak kaba? Huh?" Sunod sunod na tanong sakin ni Eeyah
Maaalahanin syang kaibigan BESTFRIEND
Hindi ganon ang turing ko sakanya dahil natatakot akong mangyari ang maaring kahinatnan sa huli ng salitang iyon, BETRAYAL

Naupo ako samay bawl chair at ikinuwento lahat ng problema, kailangan kong ilabas lahat ng ito Hindi ko pwedeng kimkimin dahil ako lang ang mahihirapan.

"Hahahahaha..." Nagtawanan kami matapos syang magsingit ng ibang kwento

"Ahh.. nga pala about sa.." ilang nyang Sabi. Nagtatanong ko syang tinignan

"Dun sa.. inoffer sayo na maging.. secretary approve na" sa huli ay ngumiti sya

WTF!

"Hah! Tumangi nako diba.. sinabi Kona sa Dean! The hell ayoko!" Naisigaw ko

"Ha? Eh naiannounce na! Bat kase umalis kapa.. kaya nga tinanong Kita! Hinahanap ka kaya kanina. Diba Sabi mopa ito Yung way para makasama mo sya this is it!"

Gusto kong sabihing.. Ayoko binabawi Kona! But how?

"Wala na, huli na eh!.. saka-heyy wait"

Nanakbo ako palabas ng door..

I need to convince him.. kahit na anopang mangyari..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing of an President(On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon