01

15 1 0
                                    

"Why"History/Mystery

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Why"
History/Mystery

May mga bagay na hindi natin alam ang mga kasagutan, mga dahilan na malabo sa katotohanan. Ang mga walang motibo tao pa mismo ang magdadala sayo sa delubyo.

"Nakakapagod, alam mo ba yung pakiramdam na wala ka namang ginagawa pero pakiramdam mo pagod na pagod ka, ubos na ubos ka."

"Alam mo kulang ka lang sa gawa, try mo kayang mag-exercise!" Suhestiyon ng kaibigan ko.

Mula kababata hanggang magkaisip siya ang aking kasama. Sa tawanan at lungkot lagi ko siyang kasama. Hindi ko nga maimagine ang buhay ko pag wala siya.

"Dex, sana ayos ka lang gabing-gabi na  mage-exercise ako?" Takang tanong ko sa kanya.

"Kailangan ba mag-jogging para mag-exercise pwede naman maglakad-lakad lang dyan sa tabi." Paliwanag pa niya.

Lahat ng sinasabi niya pinaniniwalaan ko kase ng bespren ko siya. Pareho kaming bakla, may kapayatan lang ako sa kanya. Hindi naman siya sa sobrang taba sakto lang ang katawan niya. Minsan umiiyak siya sa akin dahil sa sukat ng katawan niya. Palagi ko siyang pinapakalma habang nakakaramdam siya ng insecurity.

"Ayoko pa din sandali tawagan ko lang ang boyfriend ko." Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang boyfriend. Kanina pa akong naghihintay ng tawag niya pero ako akong natatanggap. Kaya ako na ang tumawag baka kung ano ang nagyare sa kanya.

Calling Kevin...

[Hello babe? Bakit wala kang tawag simula umaga?] May pagaalala kong wika.

[Sorry, babe busy lang bawi ako sayo bukas ha, goodnight I love you.]

[I love you too don't stress your self.]

[Ingat ka babe see you soon.]

Call ended.

Natapos ang tawag na may kakaibang kutob sa aking puso. Hindi ko maintindihan alam kong may tinatago siya. Alam kong nagloloko na siya. Alam ko naman na hahanap siya ng mas higit sa akin. Yung tunay na babae at hindi pusong babae. Sobrang sakit ng katotohanan pero kailangan natin tanggapin.

Ang alam ko lang mahal ko siya at hanggang mahal niya pa ako kahit kaunti mamahalin ko siya ng sobra. Yung walang labis at walang kulang. Binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya para maging enough. Pero kahit anong gawin ko alam kong hindi ako magiging enough sa kanya. Basta ang alam ko hanggat gusto pa niya mamahalin ko lang siya.

"Max, ang lungkot ng awra mo ngayon! Tara rumampa!"

"Malungkot lang, si Kevin kase parang may tinatago sa akin."

INSIDE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon