SALAMAT BAGONG BAYANI

1.1K 12 3
                                    

Magiting na aking kababayan Sumasaludo ako sa inyong katapangan Pamilya ay inyong nilisan Para sa hindi kaano-anong kaligtasan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Magiting na aking kababayan
Sumasaludo ako sa inyong katapangan
Pamilya ay inyong nilisan
Para sa hindi kaano-anong kaligtasan

Covid 19 ay mapangahas
Dapat sana tayo ay umiwas
Ngunit, kayo sa amin ay nagbigay ng bukas
Buhay namin ay hindi pa magwawakas

Kadiliman ay bumalot sa sanlibutan
Ngunit bagong pag-asa aming naranasan 
Pagod, hirap at pagkabahala
Kailan man ay hindi ninyo inalintana

Sa larangan ng digmaan
Kayo ay patuloy na lumalaban
Sa isang gyerang hindi itak, baril at pluma ang dala ng hukbong sandatahan
Medisina, bakuna at desiplina
Inyong patuloy na ginagawa at ipinaalala

Salamat sa inyong kagitingan
Mga bagong bayani ng bayan
Tanging hangad nino man
Bayang sinilangan ay muling makamtan
Kalayaan mula sa mapangahas na kalaban

Kalaban na mapanganib at mabagsik
Hindi mo makikita hangang mata mo ay tumitirik
Pero magkagayonman, nanatili sa puso ninyo ang katapangan, sakripisyo at kabayanihan

Saludo ko ay nasa inyo magpakailanman!

SALAMAT BAGONG BAYANIWhere stories live. Discover now