attack 9 : Awareness

847 20 4
                                    

EDITED

♥ACE♥

(FRANCINE)

 nagyaya mag truth or dare ang mga kaklase namin...sabi nila bawal daw kj at kaya din daw maglalaro para na din daw makilala pa namin ung isa't isa...so sumali na din kami....kahit naman gangster kami syempre normal na tao pa din naman kami at gusto namin makilala ung mga classmate namin...

pero mas curious kaming mga DRK dun sa walong transferee para kasing galit na galit sila sa amin...well alam ko naman na galit sila dahil kinalaban sila ni akira.. pero para kasing may iba pa dun..parang ang laki ng galit nila sa amin at di ko alam kung anu yun...well gangster ako syempre malakas ang pakiramdam ko...


habang nasa kalagitnaan kami ng paglalaro may nambastos kay karen kaya naman nagkagulo sa loob ng room nagulat ako dahil kayang makipagsabay nung kei kay kim pang rank 4 namin siya kaya di ako makapaniwala na ganun ganun lang nakakayang salagin nung lalaki si kim.

may sinabi si kim na pang iinsulto sa isang kasamahan nila kei nagulat na lang kaming DRK ng biglang bumagsak si kim at nasa harap niya yung isang lalaki. hindi namin nakita kung anu man ang gnawa niya.

agad na pumunta sina michael at zeke para buhatin si kim tumingin sila sa akin at tumango lang ako. alam na nila kung san dapat dalhin si Kim. pinasunod ko si euki sa kanila dahil alam niya ang tungkol sa mga medical treatment.


KIM's POV


ilang araw na din ang nakalipas nung nagkagulo. sinabi ko na din sa kanila dahilan kung bakit ako biglang nawalan ng malay.

humanda ka sa akin Kei. may araw ka din sa akin.



THIRD PERSON'S POV


habang ang DDK ay nasa K.A ... di kalayuan sa kanilang paaralan sa isang abandonadong buiding meron isang lalaki na may tinawagan....

"nagawa mo na ba ang pinaguutos ko?" sabi nito habang pinupunasan ang kaniyang double edged dagger na punong puno ng dugo gamit ang isang puting tela sabay tapak sa sa ulo ng bangkay na nasa paanan niya...

"yes boss...nagawa ko na.." sabi nung nasa kabilang linya...

pagkarinig niya nun ay agad na ngumiti sya ng pandemonyo...


CLOE's POV


pangtatlong araw na namin dito sa palace at ngayon ang uwi namin. inaayos lang ni ren ang sasakyan namin. chinecheck niya muna. syempre mahirap na kahit naman tago itong lugar na 'to madami pa rin ang nagkalat na mga halang na kaluluwa sa paligid.


lalo na ngayon na may isang under kami na gang na pinatay lahat. ito ang Golden Lords. papunta na daw sa hideout ang grupo ng bigla ang mga itong inambush. hindi naman mahina ang Golden Lords kaso nga lang wala na silang mga baril at granada pati na mga dagger dahil kakagaling lang daw nila sa gang fight.


muka daw pinagplanuhan ang pagpatay sa mga ito. nanlaban naman daw ang mga ito kaso sadyang mas marami ang kalaban nila. sabi ng Sengoku Clan inaalam na daw nila kung sino ang may pakana ng pagpatay sa grupo na iyon.

ang sengoku clan ang hawak naming clan na puro mga spy ng DDK. Bawat isa sa sengoku clan ay may kaniya kaniyang gang na sinalihan sa iba't ibang parte ng mundo at kung ang gang na iyon ay may pinaplano na masama sa DDK agad itong nirereport sa main office namin.

Love Attacks The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon