Chapter 2

21 3 0
                                    

Mabilis lang tumakbo ang mga araw at hindi ko namalayan na anniversary na pala namin ni Zach.

Nandito kami ni Aubrey ngayon sa La Cathedral Café dahil dito ko sosorpresahin si Zach. Eto kasi yung favorite place namin and memorable one dahil dito ko sya sinagot.

"Alam mo cous bilib na talaga ako sayo. Sobrang effort mo. I rent mo ba naman tong buong café tapos tayo pa ang mag dedecorate. Iba ka talaga. Sobrang swerte sayo ni Zach." Sabi ni Aubrey habang nag sasabit ng mga picture namin ni Zach.

Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. "Pero mas werte ako sa kanya. Bihira ka na kasi makakahanap ng lalaki na mamahalin ka at hindi ka lolokohin kaya dapat lahat ng best ibibigay ko sa kanya."

I want this anniversary to be memorable and romantic. Simple lang naman yung design na ginawa namin. Sinabit ko lang yung mga candid pictures ni Zach and yung mga pictures namin tapos may table lang sa center at maraming bulaklak. Nag pagawa rin ako ng lettering na Happy 2nd Anniversary at may ilaw sabay itinayo namin sa left corner para kitang kita agad.

Nang macontento kami sa itsura ng kinalabasan ay nagpasya na kaming kumain sa labas at umuwi. Agad ko namang tinext si Zach.

To: Baby
See you later at 6pm handsome. I love you.

From: Baby
Can't want to see you. I love you more.

Nang mag alas kwatro ay nag pasya na akong mag ayos. I wear a beige cowl neck satin silk midi dress and I paired it with my chic nude ankle strap heels, a messy bun hair and a light make up. Nang makuntento na ako sa ayos ako ay agad na akong nag pahatid kay Manong Robert.

Halos 1 oras din ang naging byahe namin. Nang makapasok ako sa loob ay wala pa si Zach. Agad kong tingnan ang plane ticket namin papuntang Ice Land. Pinayagan na ako ni daddy na mag travel kaming dalawa and I can't wait.

Pag tingin ko sa orasan ay alas siete na pala pero wala parin si Zach. I tried to call him many times pero walang sumasagot. Inisip ko na baka natraffic lang sya pero nakalipas na ulit ang isang oras ay wala pa sya. Kaya tinawagan ko ulit sya dahil kinakabahan na ako. Wala parin akong sagot na nakuha sa kanya.

Nagbukas na ako ng mga social media account ko nag babakasakaling may mensahe sya or sila tita pero wala. Tatawagan ko na sana ulit sya ng makita ko ang post ni Shantal na magkakasama sila pero ang kinabigla ko ay bakit sya nakakandong kay Zach? Anong ibig sabihin nito? Nag eenjoy sya sa condo nya kasama ang mga kaibigan nya samantalang ako nag mumukhang tanga dito?

Agad akong bumaba at hinarang pa ako ng waiter.

"Pakiligpit nalang lahat. Di na sya darating. Salamat." Agad din akong umalis.

Nagtaxi lang ako papuntang condo ni Zach. Nagmamadali akong umakyat pero parang ayaw ko na ding tumuloy. Nanginginig ang kamay kong binubuksan ang pinto gamit ang spare key ko.

Agad na tumambad sakin si Shantal at Zach na nag hahalikan. Para akong naestatwa. Hindi ako makagalaw at makapag salita. Tatalikod na sana ako ng mag tama ang mga mata namin ni Zach at agad nyang tinulak si Shantal.

"Baby! Let me explain." Humahabol na sabi ni Zach.

"Ano pa yung kailangan mong iexplain Zach? Nakita na ng dalawang mata ko. Niloko mo ko!!!" Pinipigilan ko ang pag tulo ng luha ko.

"Lillian I'm so sorry! Hindi ko sinasadya na umabot sa ganito. Hindi ko iniexpect na mag tatagal tayo ng dalawang taon." Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Wh-what do you mean?" Nauutal na sabi ko?

"I'm really sorry Lillian. I think its time for you to know the truth. Ginawa ko lang lahat ng ito para masalba yung pamilya ko at yung negosyo namin. Ikaw lang yung naisip ko na makakatulong samin. Alam ko kasi na kapag naging girlfriend kita at nakita nilang maayos tayo na masaya tayo magiging okay ulit ang negosyo namin at unti unti ngang nangyare yon. Tinulungan mo kaming bumangon ulit. Gusto ko na talagang makipag hiwalay sayo kasi hindi mo deserve to. Sobrang buti mong tao Lillian. Pero inisip ko na kailangan muna namin maging stable. Lillian I'm so sorry pero lahat ng pinakita ko sayo ay hindi totoo. Napaka sama kong tao pero wala na akong ibang choice. Hindi ko kayang makitang nahihirapan yung mga magulang ko. Sorry talaga pero si Shantal yung mahal ko mula noon hanggang ngayon. Humahanap lang talaga kami ng tyempo para sabihin sayo ang totoo. Sana mapatawad mo ko Lillian. Wag mong kunin yung negosyo namin. Maawa ka." Sabi nya habang nakaluhod at umiiyak.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nag simula ng tumulo ang mga luha ko. Yung lalaking minahal ko ng totoo ay ang lalaking niloloko lang pala ako. Ang tagal ko palang nag mukhang tanga. Ang tagal nila akong pinag mukhang tanga. Ginawa ko naman lahat ng best ko para sa kanya pero eto yung isusukli nya sakin. Do I deserve this kind of pain and treatment? 

Agad kong pinunasan ang luha ko bago mag salita.

"Thank you for showing me that you care. Thank you for letting me feel loved even it is just for a show. I thought that we are really meant for each other but I was wrong. I hope that you are happy now that you break my heart. I hope that you and Shantal is happy that you make me look like a fool. Sana sinabi mo nalang sakin nung una palang para hindi naman ako nagmukhang tanga hindi yung pinaabot mo pa ng dalawang taon. Ikaw yung lalaking gustong gusto ko makasama habang buhay pero lahat lang pala ng to ay palabas para sayo. I wish for your happiness and don't worry I will not bother you or your business." Tumakbo na ako agad ako papalayo.



He's supposed to be my happy ending..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Supposed To Be Where stories live. Discover now