#MUFTPOU1
"Ate Kim tara na daanan nalang daw natin si Ate Vix" pag aya sa akin ni Aly. Manonood kami ngayon ng sine at nagpapa vip na naamn si Ate Vix, susunduin pa talaga. "Tsss ang layo layo ng bahay nila, kaasar tara na nga”
Si ate Vix yung tipong mahilig gumala pero kailangan disundo kaya nakakaasar, katamad kaya maglakad.
"Oy gurl tara na, bilis baka utusan pa ako ulit" pagmamadaling aya ni ate Vix, wow matapos naming maglakad ng pagkalayo layo aalis agad? Hindi ba pwedeng pahinga muna konti?
"Wait lang naman te, ang layo- layo ng nilakad namin tapos gogora tayo agad?" Pagpigil ko sakanya sa paghila sa amin.
"Hindi ka naman na niyan uutusan kapag nalaman nilang may bisita ka" singit naman ni Aly. Kaya nga, ito talaga si Ate Vix eh.
Walang nagawa si Ate Vix kundi tumigil at pinaupo kami nito sa upuan sa labas ng bahay nila at saka kami ikinuha ng inumin.
"Hay salamat, akala ko need pa magparinig eh" tawa ni Aly. Madalas kasi kapag nandito kami nagpaparinig pa kami ni Aly bago kami bigyan ng tubig ni Ate Vix. "Syempre gurl para malaman talaga nilang may bisita ako" tawa naman nito pabalik. Hay nako ate Vix, ginamit mo pa talaga kami.
"Tara na baka hindi natin maabutan yung papanoorin natin" pag aaya ni Aly, halos kalahating minuto na rin kasi kaming nakatambay dito sa labas ng bahay nila Ate Vix. " Oo nga tara na ate Vix" pag aya ko din. "Wait lang gurl paalam lang ako" saad naman nito saamin ni Aly, tumango lang kami sakanya.
"Ate Kim ang tagal naman niyang si Ate Vix" pambabasag ni Aly sa katahimikan. Jusme ate Vix, magpapaalam lang daw pero halos sampung minuto na, nagpaalam ba siya pati sa kapit bahay nila?
"Oo nga jusme na yan pero baka bababa na rin yun" saad ko naman sakanya, tumango lang siya at saka bumalik sa pagbabasa sa wattpad. Mahilig kaming tatlo magbasa.
Maya maya pa bumaba na rin si Ate Vix, sa wakas. "Sorry gurl, hinintay ko pa kasi matapos maligo si Ate Jen. Walang magbabantay kay Sandra" pamangkin niya si Sandra, isang napaka cute na bata. "O siya tara na" pag aaya naman ni Aly.
"May gig pa ako mamayang gabi, need ko din magpahinga mga te kaya tara na talaga" sunod niya pa. Guitarist si Alyzee sa isang kilalang banda, siya rin ang vocalist. Andami nila sa banda pero siya lang marunong kumanta.
"Gurl libre niyo muna ako pamasahe, wala pa akong barya eh" sambit bi Ate Vix. Name a Scam: Vixoryzia Guen. Lagi siyang walang barya jusme na yan. "Kuya bayad po tatlong diretso" wow yayamanin si Aly haha. "Daming pera Ly ah sana all" tawa ko rito. " Wala rin kasi akong barya, pero hindi ako nagpalibre" tawa pa nito pabalik, tila pinaparinggan niya si Ate Vix. "Ito naman si Aly" saad naman ni ate Vix at napanguso pa ito. Tinawanan lang namin siya ni Aly at saka ibinalik ang tuon sa pag gamit ng cellphone, medyo malayo pa naman kami.
"Uy wala na, di na natin naabutan, kayo kasi eh” saad ni Ate Vix. Siya pa talaga naglakas loob mag sabi non eh siya nga yung dahilan kung bakit kami nalate, mygash ate Vix. "Ikaw kasi ang shugal mo eh" saad ko pa sakanya. "Kain na lang tayo, nagutom ako kakahintay kay at Vix" tawa pa ni Aly. Kung si Ate Vix palaging mabagal kumilos si Aly naman laging gutom, pero hindi siya tumataba unfair. Sumang ayon naman kami ni Ate Vix sa gustong mangyari ni Aly kaya dumiretso na kami sa Max's.
"Ano order mo ly?" Tanong ni Ate Vix kay Aly. Mygash again ate Vix parang nagbabago naman yung inoirder ni Aly dito. " Isa lang naman kinakain ko dito" saad naman ni Aly na mukha pang nagtataray dahil alam naman ni Ate Vix ang laging iniorder nito pero tinatanong pa din. Nang babad trip lang ata si Ate Vix eh.
"Ano ba yan ang tagal na nga ni Ate Vix tapos pati dito matagal din" inis na saad ni Aly at napaface palm pa siya. Yeah mainipin si bessy Aly. "Pero walang tatalo sa kakupadan ni Ate Vix" tawa ko pa, sinamaan naman akong tingin ni Ate Vix na lalong nagpatawa sa akin. "Bunot niyo ko ngayon ah" komento nito. Bunot? Anong ibig sabihin niya. Ah target pala ganon gash im so slow. Tumawa lang si Aly at ibinalik ang tuon sa pag babasa.
Matapos naming kumain namili na lang kami ng mga damit at mga cosmetics.
"Gurl bagay ba sakin?" Pagtatanong ni Ate Vix saakin. May salamin naman, pwede niya namang tignan tss.
"Hmm hindi bagay sayo yung kulay, mas lalo kang nagmukhang maitim" seryosong saad ko ng aking opinyon. Tumawa naman si Aly sa sinabi ko, may nakakatawa ba? "Binu-bully niyo na naman ako" malungkot na saad naman ni Ate Vix at napanguso pa siya, hindi naman talaga kasi bagay sakanya. Mas lalong tumawa si Aly dahilan para mahawa ako sakanya. Sinamaan naman kami ng tingin ni Ate Vix na lalong nag patawa sa amin.
"Ate Kim oksi na tong akin, kayo?" Pagtatanong ni Aly saamin, wow yayamanin si Aly ngayon ah marami siyang binili. "Yayamanin ka ngayon gurl ah, tara hagilapin na natin si Ate Vix para naman kahit sa bahay makanood tayo ng movie" saad ko naman dito. "Manonood tayo sainyo?" Nakangiting tanong ni Aly. "Yeah, naisip ko kasi pwede naman tayong manood sa bahay. Siguradong tulog pa sila Mama pag dating natin kaya okay tayo don" saad ko naman sakanya saka namin hinanap si Ate Vix.
"Wow gurl, yayamanin ka ata ngayon" saad ni Ate Vix kay Aly, maging siya napansin niya din. Hindi kasi masyadong mahilig sa shopping shopping si Aly dahil may pinag iipunan daw siya but now, siya yung may pinaka maraking binili. "Masama ba?" Tawa naman ni Aly dito.
Matapos naming mamili ng mga damit at cosmetics nagdecide kami na maghiwalay muna para bumili ng snacks namin habang nanonood at para mabilis na rin. Si Aly bumibili ng dalawang box ng pizza, si Ate Vix naman sa fries at donuts, samatalang ako naman sa milktea.
Cookies and cream ang kay Ate Vix, kay Aly Matcha at akin Wintermelon. Ang weird ni Aly laging matcha ang pinipili eh ang pait pait non at saka ang gara ng lasa, yaks.
Palabas na sana ako pero bigla akong natumba nang mabangga ako ng isang lalaki. Grr hindi tumitingin sa dinadaanan, natapon tuloy yung milktea namin. Aish papabayaan ko talaga to sakanya.
"Sorry miss" saad nito at saka ako tinulungang tumayo. "Anong sorry sorry? Natapon mo yung mga binili ko oh, bumili ka niyang mga yan, uupakan ako ng mga kaibigan ko" pataray ko pa sakanya. Weird pero nginitian niya lang ako.
"Gurl anong movie papanoorin natin?" Tanong ni Ate Vix. Nakauwi na kami at yung lalaki kanina, bumili naman siya ng bago at hindi rin namin kilala ang isa't isa. Tahimik lang kasi siya habang umoorder at wala naman siyang ibang sinabi saakin pagkaabot niya ng mga inumin kundi 'sorry'.
"Kdrama nalang kaya?" Suhestiyon ni Aly na agad naman naming sinang ayunan. Si Aly ang pumili kung anong papanoorin namin, sa sobrang dami ng gusto niyang panoorin nauwi rin sa kdrama na W- two worlds ang title. Alam ko si Lee Jong Suk ang bidang lalaki don eh, Kang Chul ba yung name niya don? Ewan hindi naman ako mahilig sa kdrama.
"Ang creepy ng mukha ng papc niya shet" komento ni Ate Vix habang tutok na tutok sa panonood. Ako naman ay nag aayos na ng sarili dahil sasama kami kay Aly para manood sa gig nila, kunwari supportive muna kami ahihi.
Matapos nilang manood umalis na rin kami dahil baka malate daw si Aly.
"Ghorl bakit parang ang layo?" Biglaang saad ni Ate Vix. Feel ko nasa makati na kami eh. "Ganon talaga, need ko ng money gaiz, gumasta ako kanina remember?" Tawa pa nito saamin. "Paano kapag ikaw lang mag isa tapos gabing gabi ka na umuwi, hindi ba delikado?" Nag aalalang tanong ko sakanya. Syempre kahit inaaway away ko siya minsan, mag aalala at nag aalala pa rin ako bessy ko siya at parang kapatid na rin. "Hmm wala, nasanay na rin kasi ako" sagot naman nito sa akin. Parang gusto ko na tuloy sumali sa banda nila bilang bokalista, marunong naman ako kumanta eh at saka para may kasama na rin si Aly sa twing late na siya umuwi.
Nauna na akong bumaba sa kanila dahil may bibilhin pa ako sa convenient store, alam ko na rin naman kung saan dahil sinabi na ni Aly sa akin.
Kailangan ko bumili ng maraming candy, coffee kay Aly at Mogu Mogu kay Ate Vix. Angas nila diba, ginawa pa akong alipin.
Matapos kong kumuha ng mga bilihin ko tumayo muna ako sa isang gilid at nagchat kila Aly kung may ipapadagdag pa sila.
Nang malaman kong wala na silang ipapabili, naglakad na ako papuntang counter pero bigla akong natumba nabangga ako ng isang lalaki, hindi ko kilala nakasumbrero siya. Akala ko talaga matutumba ako pero nasalo niya pala ako. Agad naman akong tumayo ng maayos at walang sabi sabing dumiretso sa counter.
Aish ano ba yan, gashhhhh. 'Bat ba kasi hindi tumitingin sa daanan ano ba yan.
Wait wait siya rin yung guy kanina sa binilhan ko ng milktea ah, sinundan niya ba talaga ako para banggain ulit?
"Ahm miss ito na po lahat?"
"Ah yes po opo"
Matapos kong makabili ng mga dapat kong bilhin, dumiretso na ako sa venue ng gig nila Aly, siguradong nag uumpisa na sila.
"Ate Vix!" Pagtawag ko kay Ate Vix at kumaway kaway pa. "Asan na Mogu Mogu ko?" Wow bungad na bungad talaga? Di muna sinabi kung nasaan si Aly, tsss.
"Oh ayan na, asan na si Aly?" Tanong ko pag kabigay ko ng Mogu sakanya.
"Nasa backstage nagreready na" maiksing sagot naman nito.
Napagpasiyahan ko na talagang sumali sa banda nila, siguro mamaya? Pero tatanungin ko muna si Aly kung pwede.
Matapos ng performance nila, lumapit naman agad sa amin si Aly. Inaya niya kaming kumain muna. Kaya dumiretso kami sa pinkamalapit na bukas pang fastfood.
"Gurl may bakante ba sa banda niyo?" Pambabasag ko sa katahimikan. Kain lang sila ng kain, wala ata silang balak magsalita o baka inaantok na sila. Anong oras na rin kasi eh.
"Need namin ng vocalist, mahirap pag ako lang. Guitarist na nga ako vocalist pa, pero okay na rin kasi doble sahod non eh" saad niya pa, huminto siya sandali sa pagkain at hinintay ang susunod na sasabihin ko.
"Ahm balak ko kasi sumali sainyo bukod sa nag aalala ako sa'yo sa t'wing late ka na umuuwi, gusto ko rin ma-experience" saad ko pa sakanya. Para siyang natatawa na ewan pero nag isip muna siya sandali at saka bumalik sa pag kain. Ano gurl di ka sasagot?
"Hmm pwede naman" saad niya at napatango tango pa ito. "Sabihin mo sa boss niyo ah" paalala ko pa sakanya.
"May sasabihin pala ako" pauna niya. Siguro may boyfriend na siya? Gwashhh! Tumingin lang kami sakanya sign na handa kaming makinig.
"Diba yung banda namin na Vryché, actually ako ang bumuo non so technically ako ang head diba? So wala na akong pag papaalaman Ate Kim, sumama ka nalang ulit bukas 5:30 sunduin kita sainyo para mapakilala na rin kita sa kasamahan ko" saad niya. WHAT! SIYA? AS IN! Grabe tong batang to hindi kapanipaniwala, senior highschool palang pero may sariling banda na.
"Sayo talaga? As in? Paano?" Naguguluhan at namamanghang tanong ni Ate Vix, hindi ko siya masisisi sa pagkamangha at pagkabigla.
"Syempre inggetera ako, naiinggit ako sa December Avenue tsaka Ben&Ben, char" tawa nito sa amin. "Nag try lang kasi ako and then hindi ko inexpect na magiging ganto" sunod niya pa. Grabe unexpected talaga tsaka hindi rin namin nahalata na siya yung head ng band nila dahil around 20s and 30s na ata kasama niya sa banda pero nakakamangha.
"Wawers" ayun lang ang tanging nasabi ko na kaagad niyang ikinatawa.
Matapos naming kumain, umuwi na kami. Nagsabi rin si Ate Vix na sa bahay muna daw siya matulog kaya nag sabi din si Aly na saamin din siya kasi nga inggetera siya, char. Siguro wala na talagang mag bukas ng pinto sakanila dahil lagpas alas dos na rin.
Pagkauwi namin sa bahay akala ko magigising pa si Mama para talakan kami pero mabuti nalang mahimbing ang pagtulog niya kaya nakaakyat kami sa kwarto ko ng matiwasay.
"Good night gurls!"
Kinaumagahan nagulat ako dahil wala na sa tabi ko ang dalawa, gwash di man lang nagpaalam.
"ANO KIM! HINDI KA PA TALAGA TATAYO DYAN? SILA VIX NAKAKAIN AT NAKAUWI NA IKAW NAKAHILATA PA RIN" Galit na pang gigising sa akin ni Mama. Mygwash ma gising na ako okay na.
"Ito na po" maiksing sagot ko nalang sakanya. Kaloka yung dalawa hindi man lang nagpaalam jusme na yan.
Bumaba na ako at kumain nagulat ako pag tingin ko sa cp ko alas dos na, gwash.
Nagmemeryenda na sila Mama pero ako almusal pa lang, brunch i mean haha.
Kinakabahan ako mag paalam kay Mama baka hindi ako payagan.
"Ahm Ma, may lakad pala kami ni Aly mamaya" pagpapaalam ko dito. Mysgwash yung heart heart ko naririnig ko sabi, "dug dug dugdug dug" basta ganyan. Sana payagan ako mamser.
"Oh saan na naman punta niyo? Gala kayo ng gala! Kagabi lang anong oras na kayo umuwi, akala niyo hindi ko alam? Akala niyo lang, isang yapak niyo palang nagigising na ko kaya umayos kayo. Kababaeng tao pero ang uwi alas dos? Alas tres?" Pag tatalak niya pa. Wow ma rapper ka na naman, gwash.
"Tsaka pala nagvocalist ako sa banda nila Aly ma, may kita din doon tsaka para na rin may kasama si Aly" sunod ko pang pag papaalam sakanya. Sana pumayag na gwash ginamit ko na yung code .
"Oh sige basta agahan niyo lang ang uwi at mag iingat kayo" yessss! Pumayag mamsir, yes! Yes! Yes!
“Thank you Mama iloveyou talaga, the best ka” saad ko pa sakanya at tumayo pa ako para mayakap siya
“Asus mambola ka pa sige lang” tawa naman nito sa akin.
Ano na kaya ginagawa ng dalawang tukmol na yon ngayon? Machat nga.
To: Powerpuff girls
Bubbles: Mga panget gising na kayo? Ay blossom sunduin mo ko ah
Blossom: Oo na, jusme na yan ang tagal mo gumising hakdog ka
Buttercup: Tae yan si Blossom sabi ko mamaya na kami umuwi potek pinilit pa rin ako, sarap sarap ng tulog ko eh ・_・
Bubbles: Loka kayo dapat kasi di muna kayo umalis.
Buttercup: Si Blossom kasi eh.
Blossom: O sige ako na, oo ako na.
Bubbles: Sandali nga malilogo na muna ako, ikaw din blossom maligo ka na. Sunduin mo ko ah!
Blossom: Aga aga pa, maligo ka na isa ka ding makupad
Bubbles: Hakdog, ate Vix sasama ka ba?
Buttercup: Di muna gurl tatalakan na naman ako
Bubbles: O sige na bye bye
Ini-charge ko na ang cellphone ko at tumungo na sa banyo para maligo. Natatawa naman ako sa reaksiyon nila Mama habang papunta akong banyo, sino ba naman kasi ang hindi magtataka at matatawa eh sumasayaw sayaw lang naman ako papuntang cr with matching kanta kanta pa, practice practice muna para mamaya.
Bubuksan ko na sana yung shower kaso naalala ko poor nga lang pala kami at wala kaming shower kaya nagdecide nalang ako na sa bathtub nalang ay este sa banyera.
Habang nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko iniimagine ko na yung pwedeng mangyari mamaya, gwash kinakabahan ako ng very little.
May pogi kaya sa banda nila? Hindi kasi ako nanood kagabi nakipagchikahan lang ako kay Ate Vix. May pogi kayang guitarist o drummer sa kanila? Ahihihi 'bat ba ayun iniisip ko.
Matapos kong maligo umakyat na ako kaagad sa kwarto ko, hindi ako makapag decide kung anong susuotin ko syempre damit susuotin ko gwash. Nagsuot na lang ako ng ripped jeans at oversized na shirt at itinuck in yung sa may harap. Tinupi ko rin ng isang tupi yung jeans na suot ko at nag white sneakers. Yung make up ko naman dinagdagan ko ng kaunti syempre para kahit gabi na maganda pa rin ako dzuh.
“Huy!”
“Ay palakang kulay pink!”
Hakdog tong si Aly muntik ko na mabagsak eye shadow ko gwash.
“Ang kupad kupad mo talaga, nauna ka pang maligo sakin tas ngayon nag aayos ka parin” saad nito saakin. Oo na makupad na 'wag mo ng ipamukha tampalen kita eh. “Bilisan mo na dyan, iwan kita eh” sunod niya pa. “Sige iwan mo ko mawawalan ka ng bokalista na maganda sige ka” saad ko naman sakanya. Hindi na siya sumagot at nagdali dali na ako sa pag aayos ko ng dadalhin ko.
“Bakla ka 'bat parang mas malayo ngayon?” naguguluhang tanong ko sakanya. Kahapon ayos pa eh. “Practice lang ngayon kaya doon tayo sa condo na inuupahan naming grupo” saad niya pa. Ay wow may condo sila? Yayamanin. Tumahimik na lang ako at bumalik sa pag babasa sa Wattpad. Kasalukuyan kong nirereread yung the day she said goodnight ni Sic, jusme na author na yan lagi akong pinapaiyak kapag talaga nakita ko siya ano yayakapin ko siya talaga kase tae ang pogi pogi ni Sic kaso killer gwash.
Maya maya pa bumaba na rin kami ni Aly, jusme na batang to saan ba ako dinadala nito.
Nakasunod lang ako sakanya, ang bilis bilis maglakad ni hakdog tae na yan kapag ako nawala talaga siya gagawin kong suspect. Lol, char.
“Teka nga sandali Aly naman, nakakapagod kaya mag lakad noh” pag pipigil ko sakanya sa paglalakad pero nagpatuloy pa rin siya kaya wala akong nagawa kundi sumunod ulit. Grrr yari ka talaga sakin mamaya Aly.
Nang makapasok na kami ng elevator doon ko lang siya nasabihan.
“Hoy Aly, ayos ka lang ba talaga? ‘Bat ayaw mo mo pakinggan kanina, ha?” saad ko sakanya, mabuti nalang kami lang ang tao sa elevator.
“Late na tayo Ate Kim mamaya ka na dumada dyan jusmeyo ka kase ang kupad kupad mo rin” iritadong saad nito. Ay wow ha. Nakalimutan ata nito na mas matanda ako sakanya gwash.
“Oh kalma, 'bat parang kasalanan ko?” pag aarte ko dito. Hindi niya man lang ako pinansin, gwash ganon ba talaga ako kakupad para magalit siya ng ganto. Hays!
Pagkalabas namin sa elevator dumiretso kami sa dulo at nakakatakot yung feel ko dito jusko baka mamaya may mumu dito.
Napansin kong tumalikod muna sandali si Aly at nagcellphone, ano girl pumunta tayo dito para mag cellphone? Gwash.
Pagkabukas naman niya ng pinto sobrang dilim, brownout ba?
“WELCOME!”
“AY PALAKANG COLOR BLUE!” Potek na yan halos napatalin ako sa gulat pagkabukas ng ilaw dahil may party popper pang pumutok, gwash mini heart attack.
“Welcome to Vryché Ate Kim!” nakangiting saad sa akin ni Aly, gwash may moodswing ba siya? Kanina lang halos ayaw niya akong pansinin tapos ngayon ngingiti ngiti siya sa akin, unfair grrr.
“T-thank y-you?” saad ko naman sakanya medyo napapikit pikit pa ang isa kong mata habang sinasabi ko ito dahilan ng pagtawa niya. Grrr ngayon binu-bully niya naman ako?
“Btw Ate Kim, this is Blake Erol siya yung minsan nag guguitarist kapag malapit lang sakanila yung venue ng gig. Siya naman si Joemrie Castillo, electric guitarist. Alexus Jaine, drummer. Rowell Chris Bueno, drummer din” pagpapakilala sa akin ni Aly sa mga kasama niya.
“Ahm hi? Im Kimxius Santillan” nakangiti kong saad sakanila. Hindi ko alam kung bakit nung nakatingin sa akin yung isang drummer Alexus ba yun basta, parang nag kita na kami eh.
“Siya ang bago nating vocalist” maikling saad ni Aly sa kanila. “Tara na kain na tayo, kanina pa ako gutom. Ang kupad kupad kasi kumilos ni Ate Kim eh” sunod na tawa pa ni Aly, ay wow so kasalanan ko pa?
Napansin kong naghanda din sila sa pag welcome sa akin, feeling ko tuloy birthday ko haha.
Inabutan ako ni Alexus ng pinggan at sandaling nagtama ang aming mga mata pero agad naman akong umiwas ng tingin.
“Sa’n ka pala nag aaral?” tanong sa akin ni Blake. “Sa UE, hospitality management ang course ko” sagot ko naman dito. Para akong ini-interview gwash, kanina lang tinanong nila saan ako nakatira, kailan ang birthday ko at ilang taon na ako, ngayon school naman.
“Ow sa UE din si Alexus nung senior highschool niya eh” maikling sagot naman nito. Owwww kaya pala kanina nafefeel parang nagkita na kami dati, siguro nag kakasalubong kami sa school. Hindi naman kasi ako nanonood ng mga gig nila Aly, pinaparinggan ko lang.
“Btw guys pag usapan na natin yung next gig natin, so sino free?” pag iiba ni Aly sa usapan . Wow bes founder na founder ang peg.
“Free ako no'n pero kung free si RC siya nalang” singit ni Alexus. “Ikaw na muna pre may lakad kami ng araw na yun, pasensya” sagot naman ni RC sa kanya.
“Ly ako free din” maikling sagot naman ni Blake. Sumagot na rin si Joemrie na free siya.
“So ganito ang venue sa Caloocan, wala ng meet up meet up dumiretso na kayo roon” seryosong saad ni Aly. “Yung tutugtugin pala natin senti kasi alam ko para sa mga broken hearted yung bar na yun eh” sunod niya pang tawa. Wow so parang mang iinis Ow kami doon? Baka mamaya kuyugin kami, gwash.
“Suggest na kayo song after natin mag usap usap, practice na tayo” saad niya pa. Ang founder na founder talaga nitong batang to.
“Love of my Life” pag susuggest ko. Tumango tango naman sila at saka isinulat ni Aly sa papel yung sinabi ko.
“Di na babalik”
“Sana”
“Oks lang ako”
“Dahan”
“Okay wait, ito muna for sure mag susuggest din yung mga nandoon” pagpipigil ni Aly.
“So limang kanta muna ang ipractice natin ngayon, bigyan natin ng kakaibang dating para magmukhang iba” saad pa ni Aly. Hindi ko alam pero sa mga sandaling ito manghang mangha ako sa kanya.
“Gurl si Aly ka ba talaga? Gwash amazing ka huh” bulong ko sakanya na agad niyang ikinatawa ng mahina.
“Up! Up! Umpisahan na natin may pupuntahan tayo after nito” pag aaya pa ni Aly. Gagala kami after? Mapapalayas ako ng wala sa oras, Aly.
Tumayo na kaming lahat at sinabi ni Aly na mag sesecond voice nalang raw siya.
After namin mag practice si Alexus lang ang sumama sa amin. Si RC may need pang gawin sa bahay nila, si Joemrie mag aalaga pa sa anak niya, si Alexus lang ang tanging walang gagawin kaya siya ang sumama at isa pa delikado rin daw pag wala kaming kasama. Sabi naman ni Aly ayos lang naman daw kung hindi siya pwede dahil uuwi nalang daw kami kung kami lang rin naman ang pupunta pero nag pumilit pa rin si Alexus at saka sinabi niya pa yung nga ginawa niya bago siya umalis ng bahay nila kaya wala na siyang gagawin ngayon.
Hindi naman namin inakala ni Alexus na kakain lang pala kami. Siguro iniisip niya kung sinabi ni Aly na kakain siguradong sumama yung iba nilang kasamahan, haha char.
“Aly hindi ka nag sabi na kakain pala bakla ka sigurado akong sasama yung mga mokong kung sinabi mo agad” tawa ni Alexus sa kanya. Gwashhh, bakla ba tong si Alexus?
“That’s the point” saad ni Aly. Feel ko maoop ako sa kanila gwash. “Hoy gurl mag salita ka dyan baka mapipi ka dyan ng tuluyan tsaka 'wag kang mahihiya kay Alexus walang hiya naman yan” tawa pa ni Aly.
“Eh mamaya na kwentuhan nagugutom na ko” maikising saad ko at saka tumawa. Gwash im so hungreh na talaga.
Paubos na ang mga pagkain namin ng biglang mag salita si Alexus.
“Hatid ko na kayo, mamaya” wow, drummer instant driver ang kuya niyo mga te. “Wag na ano ka ba hindi ka naman namin driver” tawa ko pa sa kanya. “Delikado, anong oras na oh at saka ayaw kong pag nasaan kayo ng lalaki kasi gusto ko ako lang pagnasaan nila, haha joke” tawa pa niya. Gwash confirm!
Matapos naming kumain hinatid nga kami ni Alexus pauwi, gwash mamsir kami nalang dalawa ni Alexus nag lalakad mas malapit kasi yung bahay ni Aly.
“Bat ka nga pala sumali sa banda?” Pambabasag niya sa katahimikan. Gwash another interview?
“Gusto ko lang ma-experience tsaka nag aalala kasi ako kay Aly kahapon kasi nanood kami ng gig niyo. Nag aalala ako sa t’wing naiisip ko na halos madaling araw na pala kung umuwi si Aly, delikado lalo na’t babse siya tapos mag isa pa siya kaya sunali na rin ako para man lang may kasama siya” pagtatapat ko sakanya. Ang honest ko masyado ha.
“Hmm mabait ka naman pala” tawa niya pa. Yikes d ba ako mabait? Haha. “Nung nabangga kasi kita sa Milktea shop ang sungit sungit mo eh” sunod niya pa. What siya yung lalaki? “Ikaw yun?” tumingin tingin pa ako sakanya, inoobserbahan ko siya kung siya nga yun. “Mygwash ikaw nga, pano ba naman kasing hindi maasar hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo duh” pasunod ko pang pagtataray. Gwash nasa tapat na pala kami ng bahay namin.
“Oh siya dito na ako, salamat . Ingat ka rin” pag papaalam ko sa kanya. Tumango lang siya at ngumit sa akin at hinintay niya pa akong makapasok bago siya umalis. Gwash napapanood ko to sa Kdrama haha.
“Kim…._____________________
sixsevenine
BINABASA MO ANG
Moving Up From The Past Of Us
RomanceSi Kimxius Santillan ay isa sa may ari ng Royal Empire Cruise. Naninirahan siya ngayon sa bansang Singapore at simula ng maloko siya ng isang lalaki na minahal niya ng higit pa sa kanyang buhay at hindi na siya nag tangkang bumalik pa sa bansa kung...